Gusto kita

45 2 0
                                    

isa dalawa tatlo
pag di kita nakausap kulang ang araw ko
apat lima anim nararamdaman ko sayo'y lalong lumalalim

alam mo bang para kang musika
kasi sakin ay nagbibigay ka ng ligaya
hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman ito

siguro dahil napamahal na ko sayo
tulad nga ng sabi ko, Hindi ako mawawala sa tabi mo
Sana paniwalaan mo kasi pagdating sayo....

seryoso ako
kapag ika'y kausap ko na,
ngiti ko'y hanggang tenga
ipagtatanggol kita,
sa mundong mapanakit,

ililigtas kita
ipagbawal man ng mundo ang nararamdaman ko
kakalabanin ko ang lahat para lang sayo

at kahit baliktarin man ng paulit ulit ang mundo bahala na sila pero ikaw pa rin ang gusto ko
sa dinami-rami ng tao sa mundo,
Bakit sayo pa ako nakaramdam ng ganito

hindi ko ninais na mahalin ka
pero isang araw pagising ko
Gusto na kita
Sa tuwing nakikita kita
damdamin ko'y di maipinta

Lumabo na lahat kahit mga mata ko
wag lang lumabo yung tayo
salamat sa mga araw na kahit hindi tayo,
naging kamapante ako sa piling mo

at nung una nating pagkikita,
hindi ko akalain na magiging ganito ka kahalaga
Nagseselos ako sa mga taong malapit sayo

Hindi dahil madamot ako
pero natatakot ako
Baka kasi sumaya ka sa iba
at makalimutan mo kung paano kita napasaya

ikaw yung lalaking
pinagkakatiwalan ko dahil ikaw yung lalaking alam ko hindi sasayangin ang tiwala ko at ikaw yung lalaking nagpapasaya sa araw ko

sa mga panahong nalulungkot at natatakot ako
Hindi man tayo magkasama hindi yun dahilan para ipagpalit kita
Wag mong kalimutan na sa bawat araw na wala ka

Wala akong ibang iniisip kundi ang makasama ka Hindi man ako mayaman, para bilhin ang kahapon
Pero handa kong utangin ang ngayon

makasama lang kita buong maghapon
Maaring hindi ikaw ang unang minahal ko
pero gusto ko na ikaw na ang huling hahawak ng puso ko dahil sa mga oras na to
wala ng higigit pa sayo

Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now