Linawin mo

45 0 0
                                    

Ano ba talaga tayo?
isang tanong na gumugulo sa aking isipan
tanong na natatakot akong malaman ang kasagutan
Hindi ko alam kung saan ako lulugar
kung ano ba ang dapat kong gawin
isang malinaw na tanong isang malabong sagot
malinaw na nakikita malabong
naiintindihan
mga bagay sating namamagitan ano nga ba ang dahilan
ayokong matigil ayokong matapos
pero kailangan wakasan ang katangahan
dahil parehas lang tayo masasaktan
naguguluhan, nahihirapan dapat pa bang ipagpaliban?
ayokong mawala ayokong masira
dapat pa bang ipagpatuloy kahit alam na hindi na tama?
hanggang dito na lang ba o may paturunguhan nga ba talaga
Ano nga ba ako sayo?
Ano nga ba halaga ko sayo?
May halaga ba ako sayo?
ngunit hihilingin ko sayo na ayokong maging mahalaga
na kakausapin mo pag may kailangan ka
na hahanapin mo pag wala kang kasama
na huli sa pagpipilian pag wala nang pagasa
ang gusto ko ay mahalin
tulad ng tunay na pagmamahal na walang kapalit at hindi pinilit
at mangyari ang mga pangyayari na nasa panaginip
alam kong hindi dapat ako nagdedemand ng ganito
at hindi ko alam sa sarili ko lung bakit ako nagkakaganito
ako'y nalilito sa lahat ng ito
sana'y patawarin mo ako
nais ko malaman ang sagot ngunit hindi pa ako handa
kailan nga ba ako magiging handa
kahit ano mang kahihinatnan
at magkaroon ng katapusan
maging masakit o masaya man
salamat dahil ika'y natagpuan
nais kong maging matapang
at nawa'y maging totoo ka
wag nang mangamba dahil baka ito'y huli na
tumingin ka sa aking mata at linawin natin dalawa
ano ba talaga tayo
ano ba talaga tayo
teka mali
meron nga bang tayo
o ako lang ang nagiisip nito

Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now