Walang Lisensya

107 1 0
                                    

ang mahalin ka
ay parang nagmamaneho
ng walang lisensya
daan patungo sa sakit
at matinding disgrasya

ang paglakbay kong ito
ay sadyang nakakalito
dahil walang babala
walang ilaw trapiko
na magbibigay senyales
kung kelan ako tutuloy
at kung kelan ako hihinto

isa akong tsuper
na naipit
sa pagitan ng manibela
at preno
kaya napapaisip ako
kapag hinawakan ko ang manibela

hindi ako sigurado
kung
makakasama kita
hanggang sa dulo
kapag inapakan ko ang preno
baka naman manghinayang ako

pa no pala
kung pwedeng maging tayo?
mukhang kahit sa dalawa ang piliin ko walang bagay na sigurado
kaya sige para sayo

hahawakan ko ang manibela
ako'y magmamaneho
kahit gaano katagal pa ang biyahe
ayos lang basta
ikaw ang aking pasahero

aliwin nating ang sarili
sa saliw ng musika
at mga kwentong barbero
umayon ang lahat sa plano
oo mukhang masaya nga tayo

sa sobrang saya ko
nakalimutan ko magtanong
kung ano na ba ako sa kwento?
ako na ba si Juliet?
tapos ikaw si Romeo?

masaya naman tayo diba?
sapat na siguro
yung pakiramdam kong
mahal mo ko
para patuloy akong
kumapit sa manibela
at magneho

pero dumating ang araw
na kinakatakutan ko
aksidente kong naapakan
ang preno
hindi dahil sa pagod na ko
dahil may pumara

may bagong pasahero
ayoko sanang may dumagdag pa
sa paglalakbay nating dalawa
pero kaibigan ko siya
at gusto kong magkakilala
kayong dalawa ang kaibigan ko

ang bagong karakter sa ating storya
ang sabi mo mas madami
mas malakas ang tawanan
mas malakas ang kwentuhan
mas dadami ang biruan
at tama ka naman

pero nagkakamali ka
nung sinabi mong
mas madami mas masaya
kasi hindi ako naging masaya
dahil ang kaibigan kong bagong karakter siya na ang bago sa storya

kung isa itong usapang karera
ako naman ang nauna
pero bakit?
ikaw na tropeyo ko
napunta sa pangalawa

Mukhang maging tayong dalawa
ay isa lamang pantasya
na bago maging totoo
ay kailangan budburan
ng matinding mahika

ang mahalin ka
ay parang nagmamaneho
ng walang lisensya
ako ang may mali
ako ang may diperensya

umpisa pa lang
alam kong walang sustansya
pero pinilit ko pa rin bumyahe
imbis na dumistanya
tunay nga mahirap magneho
ng walang lisensya.
kaya sa susunod na magmamahal
ulit
magpaparehistro na muna

Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now