Sabihin mo na

54 1 0
                                    

kung sakali mang
may iba ka nang gusto
Maari bang sabihan mo ako
Wag kang maglilihim
Wag kang magtatago

Sabihan mo ako
Dahil hindi naman kita pahihirapan o pipilitin na wag lumayo
kung sakali mang
hindi ka na masaya sakin

Buong puso kita palalayain
Ayoko mahuli kang
May kasamang iba
Ayoko mahuli kang may pinagpupuyatan ng iba

Higit sa lahat
ayoko ng dumaan pa
Sa proseso...
nakasama ang mga pagbabago
ayokong maramdaman

ang unti unti mong pagbawi
Sa mga binigay mong mga pangako
Kung sasaktan mo ako
Wag mo nang daanin
Sa dahan dahang pagsuko

Kung sa sasabay nating paglalakbay ay nanaisin mong lumihis
Pakiusap mahal tumakbo ka na paalis

Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now