"B"

36 0 0
                                    

"B"
ikalawang letra sa alphabeto
"B"
tawagan natin nung meron pang tayo
naalala mo pa ba
nung una tayong nagkita?

Hindi ko inakalang magugustuhan kita
ikaw yung tipong mukhang
suplado
Hindi namamansin ng ibang tao
pero napansin mo ang katulad ko

at tuluyan nabihag ang aking puso
mula sa pick up lines mong cheesy
Hanggang sa mga jokes mong corny
nagawa mong pangitiin ako mag isa
at makalimutan ang aking mga problema

Hindi ko naman hinangad
na mahulog sayo
sadyang timaan lang talaga ako
ni kupido
nagtatanong ako sa sarili ko:
"bakit sayo pa ako nagkagusto?"

ilang beses na tayong naging malabo
Pero mahal hindi pa rin tayo sumuko
Hanggang sa dumating yung araw
Na bigla ka na rin lumamig

nawala na rin bigla yung tamis na palagi akong pinakikilig
wala ka nang oras sa akin
yung mga bati mo dati ay nawala na rin
natatakot akong kausapin ka
kasi baka inaabala lang pala kita

siguro para sayo panandalian lang ako
isang pampalipas ng oras mo
pero para sa akin mahal
ikaw na yung palagi kong ipinagdarasal

natatandaan ko pa yung mga araw na sinabi mo na
"B..."
"pasensya na ha..."
"may mahal na akong iba..."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 12, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now