Chapter 2

6 0 0
                                    

HERSHEY

"Basta, tandaan mo yung mga sinabi ko sa'yo." Tiningnan ko ulit siya. Pang ninth time niya nang paalala yan.

"Wag kang/ako makikipag usap sa mga lalaki nating kaklase kapag wala ako/ka" we said in chorus.

"Oo na. Oo na. Pero basta tandaan mo yung sinabi ko." Tiningnan niya rin ako at nag roll eyes.

"Ipapakilala mo ako/kita sa kanila lalo na doon sa mga gwapo." Sabay ulit naming bigkas. Nginitian ko siya at ginulo ang buhok niya.

"Pangit mo." Sabi niya kasabay ng pagtabig sa kamay ko.

"It's a tie." Inayos ko na ang buhok ko at tumingin sa salamin na dala ko. God! Gulo-gulo pala ang buhok ko. Huminto ako sa paglalakad kaya naman huminto din si Twill at nilingon ako. Masama ko siyang tinitigan.

"Why?" Inambahan ko siya ng hampas.

"Bakit hindi mo sinabi na gulo-gulo pala yung buhok ko. Alam mo namang look does matter para sakin e." Natawa naman siya at lumakad palapit sakin. Kinuha niya ang suklay sa kamay ko at inayos ang buhok ko. Napansin ko ulit ang malamig at nagtatakang mata ng mga babaeng nakapaligid sa amin.

"Yung mga jowa mo sabi e." Hinila niya ako ng makita niya ang isang professor na papasok sa room namin. Sa pagkakatanda ko ay siya si Ma'am Maddielyn.

Pumasok na si Twill sa back door habang ako naman ay sumunod kay Ma'am Maddielyn na pumasok sa front door.

"Good Morning class!" Masiglang bati ni Ma'am at sumagot naman ang mga kaklase ko.

"Nakakatuwa naman at ang daming transferee sa Blafore Hill ngayon from other schools at ang mas nakakatuwa pa is nagdagdagan na ng babae ang almost boys section na ito."

Oh my loves! Halos lalaki nga ang mga kaklase ko. Lima lang kaming babae. Habang nagsasalita si Ma'am Maddielyn ay binibilang ko ang mga kaklase ko.

"So here's your new classmate."

1...2...3...4...

"She's from Altheria Academy."

5...6...7...8...

Siguro naman ay familiar na kayo sa famous school na yon."

9...10...11....teka nga nabilang ko na ba yon?

"So here's Hershey."

12...13...14...

"Ms. Hershey?"

15...16...

Napatigil ako sa pag bibilang ng pinanlalakihan ako ng mata ni Twill. Wanten yata tong batang to. Nagpapatawa pa e.

"MS. HERSHEY!" Halos takasan naman ako ng kaluluwa ng malakas akong tawagin ni Ma'am Maddie. Napansin ko rin ang ilan sa mga kaklase kong tumawa.

"Kanina ko pa sinasabi na magpakilala ka. I guess you're busy counting all of your classmates and realizing how handsome and beautiful are they." At doon na nga tumawa ang mga kaklase ko.

"S-sorry po."

"Enough gibberish. Introduce yourself" Humakbang na ako sa unahan at nagsimula ng magsalita. Bigla tuloy akong kinabahan dahil sa pagkapahiya ko. Sumulat lahat ng sinasabi ko sa ere.

"Greetings to all of you. I'm Hershey Suarez. I'm an Altherian before. I'm a summoner and belong to Red Magic" Agad akong nag dire-diretso sa tabi ni Twill nang sabihin ni Ma'am na umupo na ako. Yumuko at dinamdam ang kahihiyan ko.

"First time?" Hayop na to. Gusto yatang masaktan ng mabuti.

Napa angat ako ng ulo ng mabosesan na hindi iyon si Twill.  Nasa unahan ko ang nagsabi no'n. Tiningnan ko sa gilid ko si Twill kung okay lang ba ang isang to.

"He's my friend." Bumalik ang tingin ko sa lalaking nagsabi noon at tumango lang ako.

"Sa tala ng buhay ko,never pa ako napahiya sa harap ng mga kaklase ko." Dinamdam ko talaga yon grabe.

"Don't worry. Masanay kana. Yun yung way niya para maging close kayo. Kapag pinahiya niya at binara it means,she like you as her student" Sabi niya na lang sakin. Bumalik na ang tingin niya sa unahan at nakinig na lang din ako. Nag umpisa na ring mag roll call si Ma'am Maddielyn.

"Natanggap niyo na siguro girls ang regalo namin sa inyo. I hope na aalagaan niyo iyon at pakaingatan. They're a nonmagical pixies so it means, they aren't able to do the things you do. But they can do make over,styling and guiding you. Pwede niyo rin silang pag tanungan tungkol sa homeworks niyo. And speaking of homeworks. Ito ang unang pag-aaralan natin."

Agad bumagsak sa desk namin ang isang naka fold na papel. Sabay sabay namin itong binuksan.

Revertere Potion

"Bukas ipe-perform. By partner, I need definition, how to use it,when do we need to use, ingredients and where to find them. That's all. Wait for your next class"

I'm going to die...

"Hoy Twill! Yung utang mo sakin! Akina!" May lumapit sa amin na babae na kulay violet ang buhok, maganda ito. Bumaling ang tingin nito sa akin at nag hello.

"Hi I'm Pristin." Tinanggap ko ang nakalahad na kamay niya at nagpakilala rin.

"Ako si Hershey. Pinsan ni Twill" pinaghiwalay ni Twill ang kamay namin ni Pristin at itinago ang kamay ko sa ilalim ng desk.

"Hindi dapat kinakaibigan ang mga tulad niya. May sayad yan. May sira ka sa utak. Magkaiba ang dalawang iyon." Napatawa ako sa sinabi ni Twill. Gago talaga ito mapababae man. Walang pinipili ang utak niya.

"Ingat ka Hershey. Aso yang kasama mo. See ya around" Pagkasabi niya noon ay agad siyang tumalikod at naglakad na papalayo. Nabwisit yata si Pristin. Ito naman kasing si Twill e! Sarap bunutan ng buhok sa ilong.

Inikot ko ang paningin ko at nakita ko ang kabuuang bilang dito sa room namin. Nagpakahirap pa akong bilangin kanina, nakasulat naman pala. Habang tinitingnan ko ang mga kaklase ko ay biglang bumukas ang front door at niluwa nito ang isang makisig na lalaki na kulay pula ang buhok. Naglakad ito papunta sa likod at prenteng umupo sa pinaka dulo. Gwapo to. Matuklaw nga mamaya.

"Oy Twill! Ano pangalan no'n?" Siniko ko si Twill at palihim na itinuro yung lalaking nakaupo sa pinakalikod.

Sumama ang mukha ni Twill. Nawala ang lahat ng ekspresyon nito sa mukha. Seryoso na to.

"Iwasan mo yon. Kahit anong mangyari, huwag na huwag mo siyang lalapitan. He's a vampire"
Hindi pa rin nag babalik ang ekspresyon ng mukha nito. May problema ba?

"Ano kong bampira siya? As if naman wala akong kaibigan na bampira."

"He's a jerk." Liningon niya ulit ito at bakas mo na ngayon ang punto niya.

"You're a jerk too." Pagbawi ko. Baka naman naiinggit lang itong si Twill?

"Magkaiba kami. I'm a handsome jerk. At siya, hindi yan usual na lumalapit sa ibang estudyante kaya kabahan kana pag nilapitan ka niya. Mahilig yan magpahamak ng iba type of jerk." Tumayo na si Twill at naglakad paalis. "Mag C-CR lang ako."

Muli kong sinulyapan yung gwapong lalaki at pansin ko nga ang layo niya sa iba. Gusto ko pa naman sana siya maka-close. Sayang naman.

Blafore Hill: School of FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon