(Book2) KABANATA PITO

646 25 0
                                    

Pagdating sa kanilang bahay, agad na dumercho si jefferson sa kaniyang kwarto at nahiga .

ang sakit,kahit alam mo na wala kang karapatan na masaktan, wala kang karapatan na magselos, nagseselos ka pa din, habang pinipigilan ko, mas lalo ko siyang minamahal, sambit ni jefferson sabay tulo ng kaniyang luha

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ang sakit,kahit alam mo na wala kang karapatan na masaktan, wala kang karapatan na magselos, nagseselos ka pa din, habang pinipigilan ko, mas lalo ko siyang minamahal, sambit ni jefferson sabay tulo ng kaniyang luha

" sheeetay, akala ko sa lalaki ako iiyak, sa babae din pala! Nangingiting sambit ni jefferson sabay punas ng kaniyang luha

" at bigla itong napaupo sa kaniyang kama nang biglang may kumatok sa kaniyang pinto . 

" dali dali niya itong binuksan,

Laking gulat niya nang makita niya ang kaniyang ama, na isang sundalo.

Malayo ang destino nang kaniyang ama, kaya bihira lang ito umuwi sa kanila, at higit sa lahat, hindi niya pa lubos na tanggap kung ano si jefferson kaya ilag sila sa isa't isa.

Pa,kayo po pala, kelan po kayo dumating? Tanong ni jefferson sabay mano sa kaniyang ama

" kaninang tanghali lang, kamusta ka? Tanong nito

" ayos naman po pa.. sagot nito

" pwede bang pumasok sa kwarto mo? Tanong ng ama nito

" oo naman po, pasok po! Sambit ni jefferson

" pagpasok ng kaniyang ina, tinignan ang mga larawan na nakapatong sa lamesa nito ..

At kinuha ang isang larawan nila ni jefferson, kung saan karga karga siya ng kaniyang ama na siya ay nasa limang taong gulang.

" naupo ang ama sa kaniyang kamaat tinignan mabuti ang larawan..
.
" ito ata yung huling karga ko sayo, bago ako mapunta sa visaya, at kung umuwi man ako, isang beses sa isang taon, dahil gusto ko kayo makita, lalo ka na, gusto ko man magstay ng matagal dito pero hindi ko kaya., sambit ng ama na unti-unting tumutulo ang luha nito

"Mag pipitong taon ka noong umuwi ako, at doon ko naramdaman at nakita, ang pagiging iba mo,nagsisimula ng kumembot ang mga pwet mo, nagalit ako sa nanay mo dahil hinahayaan ka niya na maging ganyan, pero ang sabi niya tanggapin ko kung ano maging kasarian mo, pero hindi ko matanggap,

Kaya nung mga sumunod na taon, pinili ko nalang na wag nagpakita sayo, sa twing uuwi ako, dahil ayokong makita kung ano ang kinahihiligan mo, sambit ng ama na lumuluha

" at hindi rin napigilan ni jefferson ang maiyak, na nakatayo sa gilid

" pero mas lalong hindi ko matanggap, na ang layo ng loob mo sakin, na ako ang sarili mong ama , na hindi ka nabigyan nang pagkakataon na tanggapin ka, hindi ko nabigyan nang pagkakataon ang sarili ko na turuan at ituwid ka, hindi ako nagpakaama sayo, i'm sorry, hagulgol na sambit ng ama

Carlo And Camille Lovestory Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon