Book 3 Chapter 25

233 10 1
                                    

AFTER 2MONTHS!

Sa paglipas ng mga araw.. naging masaya buhay mag-asawa nila Rona at lhester ..

Nakita nito ang malaking pagbabago kay lhester, .mas naging mas maalaga ito, masaya at naging responsable.

Naging abala naman si amaya sa pag sasaayos ng kaniyang kasal kay kier,..

Si joy naman ay naging abala sa kaniyang trabaho at patuloy pa din ang pagpapadala ng kaniyang secret admirer nang mga bagay na magpapasaya sa kaniya..

Samantala sila carlo at camille..

Habang abala si carlo sa paglalaba ng kanilang damet  isang malakas na sigaw ang kaniyang narinig

'"Mineee..... carlo!!!!!
Mineeeeeeee......

Agad na napatayo si carlo sa kaniyang narinig at dali dali itong pumasok sa kanilang bahay..

Nang makita siya ni camille ...

"Mine manganganak na ako! Aray! Sigaw nito  na mahigpit na nakakapit sa poste ng hagdan..

"Teka mine! Teka ! Sambit ni carlo na napahawak sa kaniyang ulo

" sheet bakit pa kasi ako ngayon ang naglaba...!wait mine.. !sambit ni carlo na natataranta..

" umupo ka muna mine,kukunin ko yung gamit sa taas,tatawagan ko sila mommy at mama mo.. relax ka na muna inhale , exhale , sambit ni carlo na aalalayan si camille sa pag upo.

" carlo! Paano ako mag rerelax, humihilab yung tiyan ko ,masakit,tapos papaupuin mo pa ako.. dalian mo na kumilos ka na di yung paikot ikot kapa.. dali.... dilat matang sambit ni camille

" sige ' sige eto na diyan ka nalang hintayin mo na ako.. aakyat na ako!

"Dalian mo!!!!! Sigaw ni camille na nakakaramdam ng sakit .

Mabilis na umakyat si carlo, upang kunin ang mga gamit at mabilis din itong bumaba upang dalin na si camille sa ospital

"Kausapin mo si baby, sabihin mo wag muna siya lalabas, sambit ni carlo habang inaalalayan si camille papasok ng sasakyan.

"Carlo please lang, dalian mo na, wag na kung ano - ano pa pinagsasabi mo , masasapak na kita .. di mo alam yung sakit na nararamdaman ko.. iyak na sambit ni camille

" hahahaha ito na mine.. aalisnna tayo, tandaan mo may labing isa pang naka-pending.. natatawang tingin ni carlo kay camille at saka mabilis na pinaandar ang sasakyan.

" habang nasa biyahe.. tinawagan na ni carlo si nicole upang ipaalam na manganganak na si camille.

Agad naman na tinawagan ni nicole si kc upang ipaalam.

"Bestfriend.. manganganak na si camille,itinakbo na ni carlo.. dalian mo mag impake ka na dadaanan kita diyan. Bibihis lang ako.

" bestfriend.. 2months ago pa ako naka impake.. sige bihis na din ako.. -kc

Wala pang ilang minuto nakapag doorbell na kagad si nicole sa bahay nila kc..

Bilis mo ah! Ngiting sambit ni kc na dala ang bag nito

"Sympre makikita na naten ang apo naten, daan muna tayo sa bahay nila carlo. Pinadadala yung thermos, saka ung unan. Saka ung labahan. Niya.. !ngiting sambit ni nicole

" lets go lets go.. masayang aya ni kc.. na dali dali silang naglakad papunta sa bahay nila carlo.

Pagdating sa bahay agad na ginawa ni nicole ang mga bilin ni carlo, dala-dala na din nila ang mga pinadadala nito.

Carlo And Camille Lovestory Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon