KABANATA BENTE-SINGKO

671 22 0
                                    

Kinabukasan...

Maagang nagising si camille.. nagmuni muni habang nakatingin sa kisame..

" bakit ganito ang buhay, minsan napaka-komplikado, minsan naman ayos lang, pero talagang tao ang gumagawa para maging komplikado ang lahat .. sambit ni camille sa kaniyang sarili

"Oo nga pala... si carlo.. biglang upo nito at sumilip sa kaniyang bintana

" hmmm sino kaya nag kwarto diyan.. silip nito

" anong oras na, di pa binubuksan yung bintana.. tagal naman naiihi na ako.. inip na sambit nito

" nang biglang ...

" hoy...! Sino sinisilip mo diyan?palo ni kc sa pwetan ni camille

" mama... nakakagulat ka...nag uunat lang  nangingiting sambit ni camille na tinaas ang mga kamay

" hay nako camille, wag ako, si kier nalang ahahha halakhak na pang aasar na sagot ni kc

" mama talaga.. sambit ni camille at naupo na ito ng maayos

" so kamusta ang pagkikita nyo kahapon? Ano feeling? Feeling great ba? Nangingiting biro nito sa anak

" mama talaga, sa totoo lang, ang sakit,.. may kirot.. sagot ni camille sa ina

" bakit? Dahil ba sa hindi ka niya nakikilala kaya nasasaktan ka? Tanong ng ina

" bukod sa hindi niya ako kilala, iba pala yung pakiramdam na pinagtaksilan, ako yung nasasaktan para sa kaniya.. paano kung maalala nya bigla.. sagot ni camille sabay tulo ng kaniyang luha

At hinawakan ni kc ang kamay ni camille

" alam mo anak, may mga nangyayari sa buhay na di naten kontrolado, mga bagay na di naten alam na kung ano mangyayari sa dulo.. nakakapag desisyon tayo na akala naten okey na.. wala ako o kahit na sino samen ang husgahan ka sa ginawa mong pagsagot kay kier, hindi namen hawak ang puso mo, hindi rin namen alam kung anong sakit ang nararamdaman mo noon.. sagot ni kc

At nahiga si kc sa kama ni camille ..

" pero ang totoo niyan ako ang may kasalanan kung bakit nasa ganyang sitwasyon ka .. kung hindi sana kita pinayuhan ng kung ano-ano, eh baka hindi ka nahihirapan at di ka nakakaramdam ng pag ka guilty... seryosong sambit ni kc

" at nahiga si camille sa braso ng ina sabay yakap nito

" mama, wala naman kayo kasalanan, ako ang nagdesisyon nito, ako ang may gusto.. sagot ni camille habang nakatingin sa ina

" bakit nga ba sinagot mo kagad si kier? Tanong nang ina sabay tingin kay camille

" akala ko kasi mama, pag sinagot ko si kier, magiging okey na ako at makakalimutan ko na kung ano ang nararamdaman ko para kay carlo, na kahit dumating pa siya okey na ako.. pero hindi pala..

Unang buwan palang namen ni kier, nakikipag hiwalay na ako sa kaniya, kasi hindi ko kaya, hindi ko pa kayang magmahal ng iba.. (sabay tulo ng luha nito)

" pero nakiusap siya na subukan namen uli.. baka sakali na mag iba.. lumipas ang mga araw nag sasabi ako kay kier, ng i love you, mahal kita, ikaw lang.. pero hindi parin kaya ng puso ko na mahalin siya.. kahit sinasabi ng utak ko na si kier nalang ..

" pagkasama ko si kier, sa teing pinipikit ko ang mga mata ko si carlo ang naiisip ko.. sinubukan ko na mahalin si kier.. pero hindi kayang dayain.. natatakot ako makasakit ma.. iyak na sagot ni camille

" malalagpasan mo yan anak, nandito lang ako.. basta gawin mo kung anong tama. Kung kaya mo kausapin si kier gawin mo, pero sa itsura ni kier mukhang mahal na mahal ka at hindi siya papayag na mahiwalay sayo...  hindi rin madali na ipaalala kay carlo kung gaano  ka niya kamahal.. gawin mo nalang kung anong tama.. yakap ni kc sa anak

Carlo And Camille Lovestory Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon