Book3 chapter 19

241 9 1
                                    

Kinabukasan..

Sa hindi inaasahan pagkakataon..

Nagkita ang mama ni lhester at mama ni rona sa palengke .

"Ui mare kamusta? Ngiting bati ng mama ni lhester

" at napangiti lang ang mama ni rona

" okey naman mare, hmmm may nabanggit na ba sayo si lhester? Agad na tanong nito

" nabanggit? Tungkol saan mare? Takang sagot ng mama ni lhester

" ah, pwede ba tayo mag usap?

  " oo!mabilis na sagot ng mama lhester

At sinabi ng mama ni rona.. ang sitwasyon nito at ang mga sinabi ni lhester dito ..

" pasensya na mare.. hindi ko alam, walang sinasabi si lhester, hayaan mo kakausapin ko siya.. nahihiyang sagot ng mama ni lhester

" salamat mare.. pero yung sinasabi ko sayo, hindi namen ipagpipilitan na akuin ni lhester ang ginawa niya kay rona.. nasa kaniya na yun kung ano plano niya sa mag ina niya.. pero labis na nasaktan ang anak ko sa mga sinabi at ginawa niya.. sagot ng mama rona

" ako na humihingi ng despensa.. hindi ko hahayaan na mag agrabyado si rona.. sagot nito

" salamat.. pero wag din ipilit baka mas lalo lang din masaktan ang anak ko..  paano mare mauuna na ako.. naghihintay na din sakin si rona   paalam ng ina ni rona

Sige mare..

Pag uwi ng bahay ...

Lhester,  sigaw ng mama nito ..

" bakit? Tanong agad ng daddy nito

" yang magaling mong anak palabasin mo, nagkita kami ng mama ni rona, nakakahiya nabuntis si rona at walang balak panagutan, nakakahighblood, hindi na ako nakabili ng ulam sa bwisit ko.. galit na sambit ng ina

" sa narinig ng ama..

Napakunot-noo ito at agad na naglakad papunta sa kwarto ni lhester kinalabog ang pinto nito

" napabangon si lhester sa lakas ng kalabog.. kaya agad siyang tumayo at binuksan ang pinto ..

" pagbukas ng pinto..

Nakatingin ang nito ..

Bakit po dad may emergency ba? Agad na tanong ni lhester

" napabuntong hininga ang ama..at saka kinaladkad si lhester papuntang sala..

Dad bakit po! Dad.. naiiyak na sambit ni lhester

" hayop ka di kita pinalaki at hindi kita tinuruan para mang agrabyado ng tao.. galit ng sambit ng ama

.. sabay hagis sa kaniya sa sofa kung saan nakaupo ang ina

" dad.. ma.. iyak na sambit ni lhester na takot na takot dahil ngayon lang nakita ang galit ng ama

" tang ina.. lhester di kita tinuruan na pumaraos lang, anong sabi ko sayo maging responsable ka sa mga ginagawa mo.. bakit lhester, kinain na ba ng bayag mo yang utak mo. Ha..! Galit na sambit ng ama

" da- daddy aayusin ko to.. pananagutan ko si rona.. nabigla lang ako! Sa mga nasabi ko sa kaniya.. iyak na sagot ni lhester

" ngayon pa , kung kelan nasaktan mo ang mag ina doon, lhester walang ama si rona pero di nangangahulugan na gaganunin mo lang siya . Wala kang respeto sa nanay niya.. galit na sambit ng ina

" ma.. sorry! Nabigla lang po talaga ako.. aayusin ko po ito..

Dapat lang na ayusin mo.., tinanggap ka ng mag ina doon, tapos ganyan gagawin mo .. kung hindi ko pa nakita mama ni rona hindi ko malalaman na may tinatrantado ka na.. galit na sambit ng ina

Carlo And Camille Lovestory Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon