Book3. Kabanata 9

322 10 5
                                    

Pagkatapos ng duty ni joy agad niyang tinawagan si erwin..

Habang nasa locker si joy..
Kinuha niya agad ang kaniyang cellphone..

"Please erwin .. mag-usap tayo.. sagutin mo tawag ko.. pag aalalang sambit ni joy ..

"Bakit hindi mo sinasagot ! Sambit ni joy sa kaniyang sarili

Naghintay si joy ng reply ni erwin ngunit wala itong natanggap.. kahit ang kaniyang tawag ay di sinasagot..

Kaya agad niyang kinontak ang kaniyang mga kaibigan






Makalipas ang ilang oras .. nakarating kagad si joy sa bar na sinasabi ni lhester..

Agad niyang hinanap ang nga ito.

Nang makita ang dulong table..

Biglang tumigil ang mundo ni joy..
Sa kaniyang nakikita..

"Walang tigil sa pag iyak si erwin,
Inaawat ni lhester sa pag inom ngunit tinatapik ang kamay nito.

" nakikita niya at nararamdaman niya ang sakit na ibinigay niya kay erwin..

Hindi na namalayan ni joy ang pagtulo ng kaniyang luha...

"Hindi niya na din alam kung saan hahantong ang pagkikita nilang iyon..

Agad niya ng pinuntahan kung nasaan sila lhester,rona at erwin ..

Malayo palang nakita na siya ni rona..

Siniko ni rona si lhester at tinuon ang tingin kay joy na paparating sa kanila.

Erwin! .. tawag nito mula sa kaniyang kinatatayuan..

'Napalingon si erwin.. ngunit agad niyang binawi ang kaniyang tingin kay joy..

(Lumapit si joy kay erwin at humawak sa braso nito)

Hindi erwin, nandito ako para humingi ng tawad.. erwin magsimula tayo.. umiiyak na sambit ni joy

" ngunit agad na inalis ni erwin ang kamay ni joy sa kaniyang braso

" magsimula? Uso ba sayo ang salitang simula? Paano tayo magsisimula kung di mo ko kayang mahalin ng totoo..! Paano tayo mag sisimula kung hindi mo kaya magtiwala sakin! At paano tayo magsisimula kung kulang pa sayo ang lahat ng ginagawa ko..para mapasaya ka! Kulang pa ba joy para maramdaman mo na mahal na mahal na mahal kita at hindi kita lolokohin.. hagulgol na sambit ni erwin sabay tingin kay joy

(At nakita ni joy sa mga mata ni erwin ang sakit na nararamdaman nito)

Hindi nakasagot si joy..

Kahit lasing na lasing si erwin.. nagawa niyang tumayo at lapitan si joy..

"Alam mo joy, sana hindi mo nalang ako sinagot, kung takot ka naman pala masaktan, at magmahal. Maiintindihan ko naman, kung ayaw mo. Kaysa yung ganitong ginawa mo sakin pasigaw na sambit ni erwin..

Tol! Awat ni lhester kay erwin..
Ngunit inalis lang ni erwin ang kamay ni lhester sa kaniyang braso.

" kasi alam mo kung bakit joy, kasi joy binigay ko sayo lahat, lahat, lahat! Joy (pasigaw) Binigay ko ng buo ang sarili ko para sayo, mapasaya ka, kahit pagod ako sa trabaho joy, kahit wala pa akong pahinga pag sinabi mo na gusto mo ng ganitong pagkain hinahatid ko sa bahay nyo, kasi joy gusto ko masaya ka, na kahit busy tayo parehas nagagawa ko at nabibigay ko yung gusto mo, kasi joy mahal na mahal kita pero hindi mo yun nakita joy, hindi mo yun nakita kasi makasarili ka! Sigaw na Sambit ni erwin at walang tigil ang pag agos ng luha nito..

Carlo And Camille Lovestory Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon