CHAPTER THREE: NIGHTMARE
Wag!
Nagising ako mula sa aking pagkakatulog.
Napaupo na lang ako dahil sa napanaginipan ko.
Akala ko totoona, panaginip lang pala.
That was just a nightmare pero kung iisipin parang totoo.
Napahawak ako sa aking pisngi na sa ngayon ay may patak ng luha. Napahawak naman ang isa kong kamay sa aking dibdib, damang-dama ko ang sobrang bilis na kabog sa aking dibdib. Binabangungot na naman ako. Isang matinding bangungot.
Tss... Anong oras na ba?
Inabot ko ang maliit na alarm clock ko sa may ibabaw ng lamesa katabi ng kama ko saka ito pinatay.
3:33 pa lang, ang aga ko namang magising, madaling araw palang ah! Kainis!
Hindi na naman ako makakabalik sa tulog nito, tss... Kung bakit ba naman kasi alanganing oras ako nagising.
Madilim pa ang buong paligid, ako pa lang ang gising sa amin.
Mabuti pa siguro kung lumabas muna ako para bumili ng almusal.
Saan ba ako pwedeng pumunta?
Pumunta na lang kaya ako sa bayan tutal may seven eleven naman don na 24 oras bukas. Doon na lang ako mag-aalmusal, at tsaka, mga 30 minutes lang naman siguro bago ako makapunta don.
Lalakarin ko lang kaya baka abutin ako ng 30 minutes, napakalayo pa ng kabihasnan mula dito kaya matagal. Ganito talaga sa probinsya, malayo ang mga pamilihan.
Maglalakad na lang ako para di na dagdag gastos at para na rin sa physical fitness ko, sayang naman tong six pack abs ko diba kung masasayang lang sa wala. Ibibili ko na lang din si Mama at si tita ng pang-almusal.
Bumalik ako sa kwarto para kumuha ng flashlight sa may tukador at nagsuot ako ng black hoodie jacket.
Lumabas ako ng bahay. Kaagad namang sumalubong sa akin ang napakalakas na hangin.
Sabi nila nakakatakot daw dito sa probinsya kasi naglipana ang mga halimaw, eh wala naman akong nakikitang halimaw. Hindi naman ako natatakot kahit madilim pa o kahit may mga aswang, tikbalang, kapre, white lady, manananggal, o kung anong multo man ang dumaan sa harapan ko. Wala naman akong third eye sa panahong ito, pero nagka third eye na ako noon sa nakaraan kong buhay, mga tatlong beses na yata. Yung mga nakikita ko noon lasog lasog ang mukha, duguan, sabog yung ulo, at yung iba nakakatakot talaga. Ang pagkakaalam ko dapat ko silang tulungan, eh ang problema kasi magpapatulong na lang sila basag-basag at sira-sira pa mga mukha nila... Yung katawan nila, dapat inayos man lang muna nila diba? Kaya walang tumutulong sa kanila eh dahil don.
Ang dilim pa ng buong paligid, mabuti na lang at maliwanag ang buwan, ang layo pa kasi ng lalakarin ko.
At saka tulugan pa ang mga tao kaya tahimik pa.
Dito kasi sa probinsya magkakalayo ang bahay di tulad sa Maynila, crowded.
Habang naglalakad ako may tumatalon-talon pang mga palaka malapit sa akin, pero okay lang di naman ako takot sa palaka eh. Debale na lang kung dagang bukid yan, dagang bukid kasi talaga ang pinakaayaw ko sa lahat. Nakakadiri!
Makalipas ang ilang minutong paglalakad nakarating na din ako dito sa bayan.
Binuksan ko ang salaming pinto ng seven eleven, kumuha ako ng isang mainit na caramel coffee at isang siopao na bola bola.
Binilihan ko na din sila mama. Di ko na sila ibinili ng kape kasi masyado pang malayo yung bahay namin, baka pagdating ko don malamig na. Edi nagalit pa si mama, sabihin pa nun nagsasayang ako ng pera.
BINABASA MO ANG
Forget Me Not (Completed)
FantasíaLanguage: Filipino (Tagalog) A guy whose named Nathaniel "Ethan" Donovan Santos is reincarnated over and over again. Nathaniel remember all of his past memory in his past life. What if he met an 18 years old girl Amara "Rain" Rivera? Who had a menta...