CHAPTER FIVE:STRANGER

147 14 0
                                    

CHAPTER FIVE: STRANGER

Huh?!

Teka...

Me? Stranger?

Paanong?

Paanong hindi niya ako kilala?

"Teka, Rain ako to si Ethan, the guy in the cemetery" pagpapaalala ko.

Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanya ang lahat.

"And so? The hell I care! At for your information hindi kita kilala, So please lang kuya, don't talk to me!" inirapan niya lang ako at tinalikuran.

Tss... Suplada.

Balak ko pa sanang ipakita yung papel na ibinigay niya, pero halata ko sa mukha niyang naiinis na siya, at napansin ko rin na nakatingin si Sir.

Tss... Miss Pakipot.

Ang sabihin mo crush mo lang ako kaya in denial ka. May pasabi sabi ka pang ang gwapo gwapo ko tapos ngayon di mo ko kilala, kagigil Amp!

×××

Habang nagdidiscuss si Sir di ko maiwasan ang mapatingin sa kanya, may isang beses pa nga na nakita ko siyang nakatitig sa akin, tapos bigla na lang akong inirapan, pakipot talaga.

Sabihin mo na lang kasi na crush mo ko hindi yung nagpapakipot ka pa, hindi naman ako choosy.

×××

Mabilis lumipas ng oras.

Lunch time na kaagad at ang matindi di ko alam kung saan pumunta si Rain, naunahan niya kasi akong lumabas ng room, may balak pa naman akong kausapin siya tungkol sa nangyari kahapon.

Tss... Akala ko pa naman magiging inspirasyon ko siya.

Nagkamali ako ng akala.

Bahala nga siya diyan!

Napasabunot na lang ako sa buhok ko dahil sa mga kaganapan.

Wala pa din akong ganang kumain hanggang ngayon. Doon na lang muna siguro ako sa rooftop ng school para makatulog, at para makapag-isa.

Umakyat ako ng hagdan at pumunta ng rooftop.

Pagkadating na pagkadating ko pa lang ng rooftop ay kaagad na akong pumunta sa may gilid at sumandal sa pader.

*sigh* My first day in this school was already ruined!

Nagtakip na lang ako ng libro sa mukha ko para di maistorbo sa pagtulog.

"F*ck! Sh*t!" Napamura ako sa sakit ng biglang may natisod sa paa ko.

Tss... Wala pang ilang minuto ay may sisira na naman ng araw ko.

Halos mamilipit ako sa sakit.

Natanggal ata yung kuko ko ah.

Tss... Istorbo.

Ayaw ko pa naman ng naiistorbo ako sa pagtulog ko.

"Hindi ka ba marunong tumingin sa dinaraanan mo?!" napatayo ako dahil sa matinding kainisan.

Kapag minamalas ka nga naman!

Teka, Amara? Ikaw na naman!

Naghintay ako na magsorry siya, pero sa halip na magsorry, inirapan lang niya ako.

Tumalikod siya at akmang tatakas kaya kaagad ko siyang hinawakan sa braso at sapilitang iniharap sa akin.

"Hindi mo ba talaga ako natatandaan? Take a look at this paper" ibinigay ko sa kanya ang papel na sinulatan niya ng Ethan.

Forget Me Not (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon