A/N: Ang mga susunod na script na inyong mababasa ay kagaya lamang sa kung papaano babasahin ang convo sa messenger. Happy reading!
***Thank you Jhon! Long time no see ah?
Just now • seen 10:46pmNanlaki ang aking mga mata nang agad niyang iseen ang reply ko. At walang anu-ano'y agad din siyang nag reply.
Markantoni Chavez? Ikaw ba yung classmate ko nung grade 6?
Halos maihi ako sa tuwa dahil sa aking nabasa. Akalain mo yun? Hindi pa pala niya ako nakakalimutan. Maghahalos walong taon na rin kasi kaming hindi nagkikita at walang komunikasyon. Agad din naman akong nagreply at nauwi na sa isang convo ang aming chat.
Yes! Good to know, naaalala mo pa ako.
Paano ba naman kita makakalimutan eh ikaw yung pinakamaingay sa klase dati. Hahaha
Sa kinarami-raming bagay na hindi mo pwedeng makalimutan, yun pa talagang pagiging maingay ko ha?
Syempre naman, ang galing mo pa ngang sumayaw at kumanta nun eh.
Weeh? Parang hindi ata ako yun ah? Ibang tao ata yung tinutukoy mo. Hahaha
Sus! Pa-humble pa eh. Btw, kamusta na?
Heto, ok lang naman. Still struggling sa pag-aaral. Ikaw? Kamusta ka na?
Ok lang naman din ako, kagaya mo, nag-aaral din. Ano ba'ng kurso mo?
BS Accountancy po, ikaw?
BS Business Administration naman ako, major in Financial Management.
Magkakapatid lang pala mga kurso natin eh. Anong year mo na?
By now, 2nd year pa lang ako. Nagshift kasi from IT. Ikaw, siguro graduating ka na no?
Yes, sana nga maka-graduate. Pero bakit ka naman nagshift?
Nagkaproblema lang hehe.
Ah siguro kung ano man yun, labas na ako dun. Yun nga lang, sana sabay na tayo ga-graduate ngayong taon.
Wala yun, wag mo na lang isipin. Ang mahalaga ok na ako sa kurso ko ngayon.
Sa bagay, hindi naman yan sa paunahan sa finish line. Ang mahalaga, dapat maging madeskarte lang talaga tayo sa buhay.
Naks! Ang lalim ng hugot natin ah. Haha
Haha charot lang yun. Ikaw talaga.
Medyo natagalan din bago naka reply ulit si Jhon. Akala ko nga'y nakatulog na siya kaya naman nagpasya na rin akong matulog na. Ilang sandali pa lang ang nakalipas pagkatapos kong magdasal ay tumunog ulit ang cellpone ko.
Sorry late reply. Naligo pa ako, mainit kasi dito sa amin.
Nagpasya na lang muna ako na hindi matulog at nagpatuloy na lang sa pakikipag-usap kay Jhon.
Ok lang. Baka naman kasi hindi yung panahon ang hot kundi ikaw. Haha
Hahaha loko, hindi ako hot no.
BINABASA MO ANG
The Diary of a Long Distance Relationship
Teen FictionThis is a story of two guys who met on a gay dating app and set their love story on a long distance relationship. Does true love really existed between them? How long can one hold on? Will there be a happy ending for them? A tagalog gay teen romanti...