Prologue

41 2 0
                                    


August 13, 2016

Dear Diary,

Nasa point ako ngayon ng buhay ko kung saan feeling ko wala na talagang magmamahal sa akin nang tunay. Yung tipong hanggang pangarap na lamang ang pag-ibig para sa akin. Hindi naman siguro ako ganoon ka pangit pero bakit walang nagkakagusto sa akin? Dahil ba sa mahilig ako sa kpop? O dahil ba sa hindi ako marunong manamit? Marami naman akong kaibigan diba, so malamang hindi naman siguro yung ugali ko ang problema. Siguro sa kulay kong kayumanggi? Yun kasi ang mabenta sa market ngayon, yung mga akala mong ipinaglihi sa gatas ng kanilang nanay, yun pala nagpa-inject lang ng gluta sa mga cheap na derma.

Malakilaki na rin yung nagastos ko sa mga pampagandang products na yan ha. Na try ko na ata mula sa pinaka cheap hanggang sa mga mamahaling pampaganda pero wala pa ring epek. Ni crush ko man lang na mismong classmate ko, hindi ako mapansin. Mauuna pa sigurong pumuti ang uwak kesa sa akin eh. Nakakaloka.

Siguro pag-aaral na lang muna ang aatupagin ko sa ngayon, mag-aaral ako ng mabuti, tapos makakapagtrabaho ako ng bigtime, tapos marami ng maghahabol sa akin dahil syemre may pera na ako, tapos hanggang drawing lang pala lahat ng yon. Di naman siguro malabong mangyari ang pangarap kong maging accountant balang araw, malakilaki rin kaya sahod non, siguro sa panahong yun may pera na ako para makapagbakasyon sa ibang bansa. Malay mo nasa labas pala ng Pinas ang "the one" ko. Pang international ang level ng beauty natin te! Pak! Sabagay libre lang naman mangarap.

Pero hindi talaga kaya eh. Alam mo yung feeling na hindi kompleto ang araw mo kung hindi ka man lang kinilig kahit isang beses? Siguro ipinanganak na talaga akong malandi ng aking nanay. Kahit anong pigil ko, naghahanap pa rin ang puso ko ng taong mamahalin. Kahit crush lang ok na ako. Pero hindi pa rin eh! Crush bakit hindi na lang kasi maging tayo?! Respeto naman sa feelings ko! Pero sabagay, hindi naman ako ang mga magulang mo para iyong respetohin diba.

Nasa point na rin ako ng buhay ko ngayon kung saan sa mga dating apps na lang ako kumakapit. Meron akong account sa Tinder, Grindr, Blued, Romeo, Hornet, Surge, pati nga Filipino Cupid meron din ako. Malay mo, may magkakagusto palang Daddy na Kano sakin. Instant yaman din yon! Jk.

Pero ayon na nga, umaasa pa rin ako na kahit isa sa mga nagkalat na mga dating app na to, balang araw may tao talaga akong makikilala na nakalaan para sa akin. Kasi alam mo diary, tigang na tigang na ako ngayon! Daig ko pa ata ang bansang 'to na tinamaan ng El Niño eh. Ni isang binyag simula noong nag break kami ng boyfriend ko, hindi ako nakatikim. Mabilis na siguro akong tatanda nito.

For the whole duration of this day, dahil sabado at walang pasok, wala akong ibang ginawa kundi ang magpagulong-gulong sa kama habang naka hawak ang kanang kamay sa cellphone. Scroll up and down, share dito, share doon, nood nood ng mga Kpop music videos, tapos bababa lang ng kusina kung makakaramdam ng gutom saka kakain. Ginabi na rin ako naligo kasi nga tinatamaad akong bumangon sa kama.

Siguro yun lang for this day pero bago ko taposin ang araw na to, pinapanalangin kong magiging maganda sana ang bukas ko. Good night diary!

Love,
Mark

The Diary of a Long Distance RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon