SINAGOT ko ang tawag mula sa unknown number.
"Hey Mark." bungad ng tumatawag.
"Yes? Sino po sila?" maikli kong sagot.
"Jhon nga pala 'to. Nakalimutan kong magpakilala." sabat ni Jhon na narinig ko pang tumawa sa kabilang linya.
"Oh Jhon! Ikaw pala! Naku ha, may patawag-tawag ka pang nalalaman." sagot ko.
Tumawa siya ulit. "Bawal bang tumawag sa dati kong kaklase?"
Shit! Kinilig ako dun! Tapos ang boses niya, napakalalim. Lalaking-lalaki!
"Ahh, ehh, hindi naman, kaso gabi na kasi. Baka magising yung mga nasa kabilang kwarto." medyo taranta kong sagot.
"Sige sige, chat na lang tayo. Gusto ko lang talaga marinig boses mo." sabay baba ng linya.
Ano raw? Gusto niyang marinig yung boses ko? Ano ba'ng meron sa boses ko? Love spell na 'pag maririnig niya ay maiinlove na siya sa akin? Sana nga ganun na lang.
Agad din naman akong nagchat sa kanya pagkatapos niyang ibaba ang tawag.
Pasensya na ha, maybe tomorrow pwede ka nang tumawag.
Mabilis namang nagreply si Jhon.
Wala yun, ok lang. Ako nga dapat ang mag sorry eh, nakadistorbo pa ako diyan sa inyo.
Hindi ka naman distorbo, actually. Pero dito na lang muna tayo mag-usap.
Sige, walang problema. Btw, ano nga pala ang name mo sa FB? Para naman ma-add kita as friend.
Search mo na lang yung full name ko, lalabas agad yung account ko.
Ok, hahanapin ko muna. Wait lang.
Pagkatapos ng ilang sandali ay nagpop-up na ang pulang lobo sa logo ng facebook sa cellphone ko. Sa tantya ko'y friend request yun ni Jhon, at hindi nga ako nagkamali. Kaya naman pala hindi ko siya mahanap sa FB dati kasi iba yung name na ginagamit niya. Mang Juan III ang pangalang gamit niya, kaya sino ba naman ang mag-aakala na siya yun sa unang tingin?
Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at in-accept ko kaagad ang friend request niya. Nag chat siya ulit, but this time, hindi na sa Surge kundi sa Messenger na.
So, ano na ginagawa mo diyan?
Dito, humihiga, chill chill lang. Ikaw?
Humihiga rin. Pwede patabi? Haha
Loko, sige halika rito. Hihi
Kung andyan lang sana ako, tatabihan na kita.
My gosh, di tayo kasya sa kama ko no. Haha
Edi pumatong ka sa abs ko. Hahahaha
Nakakaloka si Jhon. Katulad din siya ng mga ex ko, pa-fall pasyado. Parang di ata kakayanin ng powers ko ang ganitong moves ni Jhon.
Ikaw ha? Pa fall ka masyado.
Ha? Pa fall? Bakit nahulog ka na ba?
Wala, sige mauuna na akong matulog. Maaga pa kasi pasok ko bukas.
Sige, goodnight! Sweet dreams! <3
BINABASA MO ANG
The Diary of a Long Distance Relationship
Dla nastolatkówThis is a story of two guys who met on a gay dating app and set their love story on a long distance relationship. Does true love really existed between them? How long can one hold on? Will there be a happy ending for them? A tagalog gay teen romanti...