"Happy Birthday Mark!"
Nagising ako sa maingay na sigawan ng aking mga ka boardmate na nagsiksikang pumasok sa maliit kong kwarto. Lahat sila ay may dala-dalang pulang lobo habang kumakanta ng birthday song para sa akin. Nasa gitna naman nila ang aking kuya habang nakalapag sa kanyang mga braso ang isang malapad na chocolate cake na may nakasinding kandila. Dumagdag pa sa ingay ang iba ko pang ka boardmate na sige ang ihip sa mga torotot na aakalain mong sumasalabong sa bagong taon.
Pagkatapos ng awit ay agad akong pumikit ng malalim sabay wish at hinipan ko na ang kandila. Nagsipalakpakan ang lahat matapos kong hipan ang kandila habang ang iba ay kumanta ulit ng birthday song. Masaya ako sa aking nakikita. May mga muta pa ako sa mata at mga tuyong laway sa aking baba, pero wala lang akong pake. Kulang na lang mag hashtag pa ako ng #Iwokeuplikethis.
Inilapag ni kuya ang cake sa kama at saka inilabas ang maliit na kahon sa isang plastic bag.
"Here's my birthday gift bunso! Sana magustohan mo."
Inabot sa akin ni kuya ang maliit na kahon. Agad ko naman itong binuksan at tama nga ang hinala ko sa laman ng kahon.
"OMG! Thank you kuya!"
Agad kong niyakap ng mahigpit si kuya. Halos magtatalon ako sa tuwa ng makita ang laman ng kahon. Isa itong brand new Samsung Galaxy S7 unit. Sa wakas at hindi na ako magtitiis sa luma kong cellphone na madaling ma-lowbat at hindi pa maganda ang camera. Matagal ko ring hinintay na magkaroon ng bagong cellphone dahil hindi naman mahilig ang mga magulang namin na bilhan kami ng ganitong mga bagay. Sila kasi yung tipo ng mga magulang na mas pinapahalagahan ang value ng mga basic needs kesa sa mga luho.
"Naku Mark, makakapag video call ka na talaga sa mga ka chat mo niyan! May maganda ka nang phone eh!" Sarkastikong putol eksena ni Kristy.
KAKLASE ko si Kristy mula kinder hanggang ngayong college na kami. Iisang boarding house lang din ang tinutuluyan namin at pareho kaming mahilig sa Kpop. Hindi mapagkakailang bestfriend ko si Kristy. Alam niya lahat tungkol sakin, lahat ng mga pangalan, address, past at kung anu-ano pa diyan ng mga crush ko. Alam niya rin pati mga sekreto ko at kabisado niya lahat na mga pangalan ng mga ex ko. Syempre, maganda din naman itong lola ninyo no, kahit naman na minsan inisip ko na na wala nang magmamahal pa sa akin, maramin din naman akong naging jowa. Ipinanganak ngang malandi diba. Ika nga, minsan daig pa ng malandi ang maganda.
"Mag-aaral ka ng mabuti Mark. Yan lang talaga ang hiling ko sayo. Sana nga'y matapos mo na iyang kurso mo nang sa ganun ay matatapos na rin ang obligasyon nila mama at papa sa pagpapaaral sa atin."
"Promise yan kuya, ga-graduate na talaga ako ngayong taon. At ikaw ha, nag-abala ka pang gumising ng maaga para lang i-surprise ako didto sa boarding house."
Ginulo ni kuya ang buhok ko.
"Syempre, birthday kaya ng bunso namin. Kailangang i-surprise baka naman mag tampo, diba?" Sabay na tumingin si kuya kay Kristy na tila bang nang-aasar at humihingi ng kakampi sa aking bestfriend.
"Ako magtatampo?" Natawa ako ng konti. "Kailan ba ako nagtampo kuya, ha?" Gumanti ako ng mapang-asar na ngisi kay kuya.
Nagkibit-balikat na lang si kuya saka ngumisi rin.
"Oh sya sya, maiwan na muna kita bunso. May trabaho pa ako. Magkita na lang tayo mamaya dun sa paborito mong Korean restaurant sa harap ng school niyo. Magbihis ka ng maayos dahil dadating sina mama at papa mamaya."
Tila na nagulat ako sa sinabi ni kuya. "Sina mama at papa pupunta rito?" Bulong ko sa sarili. Magdadalawang buwan na rin kasing di ako nakakauwi sa amin simula noong magsimula ang pasukan.
"My God kuya, na excite tuloy ako! Pupunta pala rito sina mama at papa?!" Abot taenga kong sabat kay kuya.
"Yup, at dalhin mo na rin si Kristy mamaya. Gusto rin siyang makita ni mama."
"Aba'y syempre naman, dapat nandun din ako sa birthday party ni Mark no. Nag effort kaya akong mag-orginize ng surprise na 'to." Singit ni Kristy na akala ko'y hindi na nakikinig sa usapan namin ni kuya.
"Oo na, isasama kita."
NAGSISIMULA nang dumilim ang kalangitan ng lumabas kami ni Kristy sa campus ng school. Agad kaming umuwi ni Kristy sa boarding house upang magpalit ng damit at dumeretso na kami sa Korean restaurant na tinutukoy ni kuya.
"Happy birthday anak!"
Sinalubong ako nina mama at papa ng halik at yakap nang makita nila kami ni Kristy na papalapit sa pina-reserve ni kuya na table.
"Thank you ma, thank you pa! Nagpunta pa talaga kayo rito sa syudad para lang sa birthday ko."
"Ano ka ba anak, syempre birthday mo. Alangan namang wala kami sa tabi mo diba?" Sagot ni mama habang nakaabay pa ang isang braso sa aking balikat.
"Maupo na siguro muna kayong lahat at nang makakain na tayo." Yaya ni kuya na nakaupo sa bandang kabisera ng lamesa.
Agad naman kaming naupo at nagsimula ng kumain. Simple lang naman ang handa, pero para sa akin espesyal na yun lalo na't kasama ko yung mga taong importante sa buhay ko.
Natapos ang maikling salu-salo at nagpaalam na kami sa isa't-isa. Sa condo ni kuya matutulog sina mama at papa, kami naman ni Kristy ay uuwi sa boarding house. Mas pinili kong mag board na lang kesa sa manirahan sa condo ni kuya dahil malayo yung condo niya sa school namin. At isa pa, gusto ko rin maranasang mabuhay mag-isa, yung malayo ka sa pamilya mo, yung ikaw lang ang gumagawa ng desisyon para sa sarili mo, yung tinatawag na independence.
Bago matulog ay nakagawian ko nang icheck ang phone ko kung may mga text at mga missed calls ba ako. Agad na bumungad sa akin ang tambak-tambak na birthday greetings sa facebook at sa mga dating apps ko. Pati rin sa SMS maraming bumati. Pero isa sa umagaw ng atensyon ko ay ang mensaheng galing sa isa kong nakamatch sa Surge.
Hi! Happy Birthday! May God bless you and more birthdays to come!
7 hours ago • seen 10:45pmAgad kong binuksan ang kanyang profile. "OMG! Totoo ba 'to?" Napasigaw ang isip ko. Si Jhon! Si Jhon Maynard Fronda na kaklase ko noong grade 6. Binuksan ko ang kanyang profile picture para makasiguro. Mas lalo akong natuwa nang makomperma kong siya nga! Huli ko siyang nakita noong graduation namin sa elementary, napaka totoy niya pa noon. Pero ngayon, naku naman, grabi ang gwapo niya na tapos ang hunk pa! When puberty hits you nga naman talaga.
Nasa Cebu na siya ngayon at doon pala siya nagpatuloy ng high school matapos naming grumaduate sa elementary. Pero agad kong napansin na nasa Surge pala ako. Isang gay dating app. Papaanong may account siya rito? Don't tell me berde rin ang dugo niya? Kinabahan ako sa aking kutob kaya muli kong sinuri ang kanyang profile.
Position: Top
Looking for: Serious RelationshipTila nabuhayan ako sa aking nabasa. Kompermado nga! Myembro siya ng pederasyon! Hindi na ako nagdalawang isip pa na mag reply pa sa message niya.
Thank you Jhon! Long time no see ah?
Just now
BINABASA MO ANG
The Diary of a Long Distance Relationship
Novela JuvenilThis is a story of two guys who met on a gay dating app and set their love story on a long distance relationship. Does true love really existed between them? How long can one hold on? Will there be a happy ending for them? A tagalog gay teen romanti...