NATIGILAN ako sa sinabi ni Jhon. Tama nga ba ang nabasa ko? Gusto niyang maging boyfriend ko siya? Siya na mismo ang nag-ooffer ng kanyang sarili sa akin. Super type ko si Jhon at mahirap mag "no" sa sinabi niya. Pero naisip ko, malayo siya. Kakayanin ko kayang itali ang sarili ko sa isang relasyon na hindi sigurado? Paano niyang nasabi na gusto niya ako eh hindi niya pa ako nakikila ng lubusan? Siguro'y masyado lang ata nagmamadali si Jhon.
May kung anong boses na bumubulong sa aking utak na nagsasabing hindi pa ako ready pero komokontra naman ang puso ko, handa na raw akong magmahal. Paano kung siya na kaya ang sagot sa panalangin ko? Siya na kaya ang ipinadala ni Lord? Kung pagbabasehan ko lang naman siguro ang isang buwan naming pagiging close, hindi na rin masamang sabihin na gusto ko ring maging boyfriend si Jhon. Sweet naman siya, caring, naglalaan ng oras para sa akin, at higit sa lahat seryoso. Seryoso nga ba?
Pwede mo ba akong bigyan ng time para makapag-isip?
Sige, alam ko namang mahirap 'tong hinihingi ko sa'yo.
Salamat, pero hindi ibig sabihin non na hindi kita gusto ha? Honestly, I like you too Jhon.
So ano'ng problema? Dahil ba sa malayo ako? O dahil ba sa siguro'y iniisip mo na walang patutunguhan ang lahat ng ito dahil sa dito lang tayo nagkakilala?
Parang ganun na nga Jhon. Takot lang akong maiwan sa ere. Baka 'pag nawala ka, hindi ko alam kung saan kita hahanapin.
Pinapangako ko, hinding-hindi kita iiwan. Hindi sa distansya nasusukat ang pag-ibig. Malayo man ako, wala man ako sa tabi mo, nandito ka naman sa puso ko. Tandaan mo yan.
Nalilito ako. Hindi ko gustong masaktan si Jhon, lalo na't naging parte na rin siya ng buhay ko simula ng nakaraang buwan. Go na kaya ako dito? Gusto kong subukan maranasang mahalin ng isang Jhon Maynard. Bahala na? G na?
Nananananana nananananana
Wala na 'kong pake basta bahala na...Sumingit sa eksena ang ringtone sa kabilang kwarto. Tadhana nga naman oh, mismong si James Reid pa ang sumagot sa katanungan ko. Tadhana na mismo ang tumutulak sa amin ni Jhon. So ano na? G na? Sige na nga, bahala na. Push ko na 'to.
Oo na.
Maikli kong sagot sa naghihintay na si Jhon.
Oo na ang alin? Ang maging tayo?
Oo na nga sabi. Ulit-ulit?
Seryoso Mark? Walang halong biro?
Seryoso na nga, ikaw ha, isang ulit mo pa, mag bre-break na talaga tayo.
Yes! I love you Mark! I just can't believe that you are mine now!
Weeh? Forevermore lang ang peg? Hahaha I love you more Jhon!
We are officially in a Long Distance Relationship! Mwaaahh <3
Hindi ako makapaniwala. Kami na ni Jhon. Kanina lang ay humihingi pa ako ng time para makapag-isip tapos ngayon kami na? Akala ko'y aabot pa ng isang buwan ang pag-iisip ko, yun pala mauuwi lang sa isang minuto. Tama nga. Ipinanganak nga akong malandi. Chos! Sino ba naman kasi ang aayaw kay Papa Jhon? Bukod kasi sa sweet at loving siya sa akin eh napaka-gwapo pa niya tapos ang body build, halatang batak sa gym. Dumagdag pa sa kapogihan niya ang maputi niyang kulay at cute niyang dimple. Sa tantya ko'y nasa 5'9 ang height niya. Mas matanda rin siya sa akin ng tatlong buwan. Hindi ako sigurado kung maputi nga ba siya sa personal o moreno lang, pero kahit ano pa man siya, mahal ko na siya.
Na-iimagine ko ang aking sarili kasama si Jhon. Compatible nga ba kami sa isa't-isa? Bagay naman ang height kong 5'7 sa kanya at siguro'y babagay rin ang skinny kong katawan sa kanyang hunky body. Oo, para sa akin looks are also important. Ang unang makikita sa iyo ng ibang tao ay ang panlabas mong anyo. Wala namang nafa-fall in love sa personality at first sight. Maganda nga talaga siguro ako, si Jhon nga napa-fall ko. Charoot!
So ano na ang itatawag ko sa'yo?
Call me Dad, and I'll call you Bib. Ok lang?
Hahaha ang corny mo.
Ha? Ayaw mo ba? Sige mag-iisip ako ulit.
No! May sinabi ba akong ayaw ko? Gusto ko kaya yung dad, ang cute nga eh!
Haha ok po bib. Ang saya ko ngayon!
Hihi mag video call ka nga dad?
Walang anu-ano'y agad na nag video call si Jhon.
"Hello bib?" bati niya.
"Hello dad! Anong ginagawa mo riyan?" nakangiti kong sagot.
"Eto, humihiga pa rin." maikli niyang sagot.
"Sino ba'ng kasama mo diyan?" tanong ko ulit.
"Wala, ako lang mag-isa. Nasa Davao ngayon si Mama, bumisita lang sa lola kong nasa hostpital ngayon." sabat ni Jhon na may tono ng pagkalungkot.
"Bakit? Anong nangyare sa lola mo dad?" maingat kong tanong.
"Na-diagnosed ng colon cancer, stage 4 na raw at sabi ng doktor hanggang limang buwan na lang ang itatagal ni lola." nagsisimula nang mamuo ang mga luha sa mga mata ni Jhon.
"Naku dad sorry po, hayaan mo't tutulong ako sa pagdadasal para sa kanyang paggaling." pawi ko sa lungkot ni Jhon at nang di na maiyak pa.
"Salamat bib. Sana nga'y gagaling pa si lola." sabat ni Jhon.
"May awa si Lord dad. Gagaling ang lola mo." mahinahon kong sagot kay Jhon. Agad na pinahiran ni Jhon ang mga namumuong luha sa kanyang mata at pinilit na ngumiti. Huminga siya ng malalim at nagsalita.
"Hmmmm, diba gabi na? Ok lang ba na tumatawag pa ako sa'yo sa ganitong oras? Baka magising ang mga nasa kabilang kwarto?" pag-iibang usapan ni Jhon.
"Naku oo nga pala, nakalimutan ko. Sige ibaba ko na ang tawag." nataranta kong sagot.
"Teka lang, wag mo munang ibaba, wala ba akong goodnight kiss diyan?" agad akong binigyan ng mapang-akit na tingin ni Jhon. Ngumiti ako sa kanya at agad kong inilapit ang aking labi sa bandang camera ng cellphone ko.
"I love you dad! Goodnight!" mahina kong bulong sa kanya.
"I love you too bib!" gumanti ng long-distance kiss si Jhon at saka ibinaba na ang tawag. Ilang segundo pa lang ang nakakalipas pagkatapos niyang ibaba ang tawag ay agad namang nagchat si Jhon.
Hindi ka pa ba inaantok bib?
Actually sleepy na po ako dad. Napagod kasi talaga ako kanina sa school.
Sige kung gusto mo nang magpahinga, matutulog na rin ako. Alam kong maaga ka pa bukas.
Opo dad, goodnight po!
Goodnight din bib! Sweet dreams! <3
BINABASA MO ANG
The Diary of a Long Distance Relationship
Teen FictionThis is a story of two guys who met on a gay dating app and set their love story on a long distance relationship. Does true love really existed between them? How long can one hold on? Will there be a happy ending for them? A tagalog gay teen romanti...