Hansol
Naririnig kong may mga naguusap at pinaguusapan ang tungkol sa locker ko kaya nagtago muna ako sandali.
Teka, yan yung babaeng nakausap ko kanina at kala mo kung sino ahh. Sumilip ako ng konte at talagang may hinulog siya sa locker ko.
Umalis na yung apat kaya pumunta ako dun. Binuksan ko ang locker ko at nakita ang heart-shaped na papel. Binasa ko ang nakasulat.
Hi Choi I just wanna tell you that I admire you. The way you smile makes my heart melt kahit labas gilagid mo natutuwa parin ako. Sana maging kaclose kita in the future and don't worry, hindi ako katulad ng iba na sobrang obsessed sayo at gusto kang maging boyfriend agad. Gusto Lang kita kaibiganin at ngayon mas nainspire ako dahil lagi kitang nakikita at lagi din kita papanoorin sa training mo sana di ka mairita sakin at yun lang naman always remember to be happy and if you need a friend, I'm here. <3
PS. My friends said your name is Hansol but I'll call you Choi kasi yun ang una kong nalaman tungkol sayo if it's okay?"Hansol!" Tawag sakin ng pinsan kong si Seungcheol. "Tara sabay na tayo kila Jeonghan." Aya niya.
"Hindi na, kay Shua nalang ako sasabay." Nginitian ko siya.
"Sige. Ingat kayo ahh." Sabi niya at umalis na.
Lumabas na kami ni Joshua at ilan sa mga kaibigan niyang taga ibang building "Shua yung bola ko nga pala?" Tanong ko.
Napakamot siya sa ulo niya. "Ano kasi.... Hiniram ni Jenny, yung masungit sa cafeteria kanina." Sabi niya at sinubukan niyang ngumiti. "Kukunin ko sa kanya bukas don't worry."
At dahil dun, nakaisip ako ng idea. "You know what? Ako nalang kukuha bukas." Ngumiti ako ng malaki saaking naisip
----
Nandito na ako ngayon sa bahay ko, nagpapahinga. Hinihintay KO ang tawag ng aking mga kapatid na nagaaral sa New York dahil scholar sila. Ako lang naman di nagapply ng scholarship saming magkakapatid dahil alam kong di ko kakayanin at walang kasama dito sina mom and dad.
Hindi kami malaman at hindi rin kami mahirap. Sakto lang kami ang makakaya namin pero dahil free scholar yung dalawa, pinagbigyan akong pagaralin ng mga magulang KO sa magandang University dito sa Seoul.
Maya Maya'y nagappear sa laptop KO na may tumawag. It was my sisters, Hannah and Sofia.
"Hey how are you!?" Bari saakin ni Hannah na malaki ang ngiti. Her hair was bleach blonde and it was short at mas lamang sa itsura niya ang pagkaamerikana.
"Ayos lang! First day ko kanina sa Pledis University. Kayo kamusta dyan?" Tanong ko.
How I miss seeing them. I wish I was with them but sadly, I couldn't. Yep miss ko sila hindi porket malakas loob ko sa school do na ako makakamiss ng tao, syempre nagmamahal din ako, yun nga lang sa pamilya lang.
"Medyo stress kami kasi exam namin next week eh syempre ang ineexpect nila saamin mataas ang makuha namin lalo na't scholar kami." Sagot ni Sofia na nawala ang ngiti sa pagkuwento.
"Alam kong kaya niyo yan." Nginitian ko sila.
"So, may nakita ka na bang maliligawan diyan?" Tanong nila.
Sa totoo lang, hindi ko alam isasagot ko. Maraming attractive girls sa school pero wala eh. Siguro di pa talaga ako fully na nakaka move on.
.... Well saka na natin pagusapan ang tungkol dun.
"Wala eh but there was a girl who sent me a lovely letter." I smiled, talking about Jenny's letter.
"oooh is she your type?" Tanong ni Hannah.
"I don't know. We had a fight at cafeteria but I'm guessing she did that to get my attention." I chuckled as I think of what happened earlier.
"You don't know so she have a chance?" Sofia grinned.
"Girls can we not talk about this?" Sabi ko nalang at tumango sila.
"Bro, how's Joshua?" Tanong ni Hannah.
Why would she even ask about my friend that she barely even know?
"He's doing great, bakit mo natanong?" Lumaki ang mata niya.
"Ahh wala lang." Simpleng sagot niya at nagkwentuhan kami ng kung ano ano tungkol sa mga pangyayari sa buhay namin.
After naming magusap chinceck ko ang bulsa ng jacket na ginamit ko kanina para tignan ang letter na nanggagaling kay Jenny.
Tinignan ko ang likod nito at may number na nakasulat. I think it's her phone number.
Hi. It's me, Hansol:)
I sent her a message making sure it's her.
Wait what? Are you kidding me Hansol? I thought she's just a normal girl you won't even care. Nababaliw ka na.
-----
This is too short and I'm the worst author ever I'll probably delete this soon hahahha
![](https://img.wattpad.com/cover/141738530-288-k310910.jpg)
YOU ARE READING
The Wrong Choi
Random"Falling in love with you was a mistake because I wasn't the man you wanted in the first place" An AU in which a girl had a crush to Choi Seungcheol and thought his name was Hansol.