Chapter 4 : Lim of 1/x as x approaches inifinity
Two days passed since huli kaming nagkita ni ninong. The time is six eleven in the morning of a thursday. Weather is cloudy with sixty percent chance of rain. Humidity level is below average. Wind speed at eighty kilometers per hour. Outside temperature at twenty-nine degree Celsius. Nagpaalam kay Mame, humingi ng baon, di nag-almusal, nagsuot ng jacket. Nang makalabas ng eskinita, bumili ng vitamins kay Aling Malunggay, ngumiti sa bawat kakilalang dumadaan. Abang ng dyip habang nagyoyosi at humihigop ng mainit-init na kape, limang pisong barya katapat.
Six thirty five, may tumigil na dyip, madaming estudyanteng sakay, halata sa uniporme. Naupo malapit sa driver, may salalayan kasi ng braso na pede pang idlipan in case matrapik. Iniabot ang bayad, natanggap ang sukli kaagad, humikab ng malalim, pati ugat halit. Akmang nakapwesto na ako para maidlip ng may sumitsit. Di pa siya nakuntento at sinipa pa paa ko.
"Huy, Raki. Aga mo. Attend ka assembly sa main?", boses ni Julie, pinsan ko sa mother side. Sakto namang napasok kami pareho sa iisang university. Nakaupo pa sa tapat ko. Di makakaiwas sa eye contact.
"Hah? Oo, May attendance daw kasi sa mga freshman."
"Ayus yan, text mo iba mo pa kaklase at kakilalang freshman, madami kasi magaganap ngayon."
"Ahh, kaw nga pala secretary sa Student Council ngayon. Gratz."
"Sali ka next year, ipapangampanya kita. Matalino ka naman, kayang-kaya mo yun. May appeal ka pa."
"Di na oy, yae na. Sakit lang sa ulo", at talaga namang binanggit na may appeal ako? Talaga? Dami na ata taong may problema sa mata kakatitig sa mga monitor para lagi online.
"Nga pala, maya ka na maidlip. Kumusta na si tita?"
"Okey naman, hayun, magaling pa din mag-sermon."
"Di ka na nasanay, ganun na yun kahit noong andyan pa si tito. Tanda ko noong nagtataguan tayo nung mahulog si Juan pero si Nanie ang umiyak. Hahaha. Tapos kaw napagalitan ni tita. Anyways...", aba tanda pa ni insan mga bagay na yun samantalang ako eh konti lang naaalala ko noong bata ako.
Nagpatuloy si Julie sa mga kwento niya. Nakinig na lang ako at nagmukhang interesado sa kanyang pagdada. Itinabi ng driver ang dyip at binaba ang mga trapal. Bumubuhos na kasi ang malakas na ulan. Hindi ko na marining ng maayos kinukwento ni insan pero...
"Kumusta na nga pala kayo ni ... uyy, aminin," how the fuck did she know her? Wala naman ako pinagsasabihan. Di naman kami at di naman siguro halata na nanliligaw ako kay classmate. Even among our class, wala nakakaalam. Lalo na sa tropa, walang may alam.
"Nakita ko kasi kayo nung isang araw sa Bay, halata namang may gusto ka sa kanya. Pinagpapawisan ka, eh ang lamig lamig sa loob ng mall. Hahaha."
Okey, my ife is being ruined. Sinu-sino pa ba nakakita? Wala naman naganap na eksena so paano mapupuna? Kung sa bagay, pinsan ko ito. Kilala ako mula pagkabata. Student Council member so malamang madaming connections kaya nalaman pangalan. O baka naman sa ID nakita. Hindi ko alam, need to counteract. Baka mabuko pa at kung ano pa gawin ni insan. Lalo pa na may event ngayon sa campus.
"Di ko pa siya nililigawan, at balita ko nga eh nagkakamabutihan na daw kayo ni Roy", pinipilit kong ibaling ang usapan sa kanya.
"Hah? SI Roy? Yung bading ga? Hahaha.", saad ni pinsan Julie. Halata ko na kaagad sa reaksyon niya at mga sinambit ang kanyang nasa sa isip. Sinungaling ka insan. Gusto mo lang mabuko kung sino crush ko.
BINABASA MO ANG
Equation of Love
RomanceWould you dare to solve all the equations to get what you want? Or would you rather just go with the flow and leave destiny unfold?