Equation of Love Chapter 12

35 0 0
                                    

Chapter 12 : sin and cos

     Two weeks after since we started our first semester as second years. Summer vacation with Jenny was the blast. Malimit ako sa kanila at kasama palagi ako sa outing. Naging mayor na ulit tatay niya after noong election in May. Walang naging isyu sa pagtakbo niya, in fact mas dumami pa nga mga supporters nya.

     It is exactly one hundred and eleven days na magkasintahan kami ni Jenny. So far so good. Wala namang naging masyadong problema sa aming dalawa except for some tampuhan kapag kasama ko sina Mike at Chen sa dotahan. Napahinto na nga online gaming ko ng dahil sa kanya, at hindi na din ako malimit magdota. Matagal na din akong hindi nagtatrabaho kay ninong. Kapag may kailangan siya sa akin, kay lolo na dumadaan.

     Ang alam ko dati kay Itay ako nagmana but the way na hawakan ni lolo mga projects, I would say hindi ito nalalayo sa mga naiisip ko. But, may mga sablay din si lolo. Epekto na siguro ng pagtanda.

It was a wednesday morning on a mid June. As usual, sinundo ko si Jenny sa kanila. Byahe kami sa dyip palagi. Walang kotse eh. Napasugal kasi pera. Tamad pati ako magdrive. Someday, bili ako kotse plus driver.

But, something unexpectedly nalaman namin ngayon ni Jenny. This day was when we got to know Ian more. Kaka-transfer pa lang, classmate namin ni Jenny sa architecture 201 at sa iba pang minor. Pamilyar at first pero I think I kinda forgot. Pero pamilyar siya sakin.

"Oi Jen, Raki, musta?"

"Ok lang naman. Ian? Right?", tanong ni Jenny.

"Oo, Ian. Akala ko di nyo matatandaan."

"Tatlong letra lang, malilimutan pa ba yun? Balita? Ayos ga school? San ka nga ulit galing?", tanong ko naman.

"Ahh. Ok naman school. Galing ako LB. Transfer dito sa batangas kasama kapatid ko. Last sem pa dapat kami nagtransfer kaso may inasikaso, kaya ayun."

"May kapatid ka? Sa school din natin? Anong course?", si Jenny naman nagtanong. Ako dapat kaso pinabayaan ko na lang si Jenny makipag-usap.

"High school palang. Third year sa IS department. Mahal nga ng tuition niya kesa saken."

"Oo nga eh, nagmahal na nga sa IS. Sa Bauan Tech ako galing ng high school. Si Raki eh sa Saint. Yung iba natin classmates galing IS department. Ask ka sa kanila ng mga books. Ang alam ko mahal mga libro sa IS"

"Ah, salamat Jen. Kaso di pa kami gasinong close. Kayo pa nga lang nakakausap ko madalas ni Raki."

"Sus, hwag ka mahihiya sa klase. Cute ka pa nga eh. Kung wala akong bf baka naging tayo pa. Haha."

"Oh oh, selos naman ako dun.", selos naman talaga ako. Masyadong mapagbiro itong si Jenny.

May atraso pa nga pala ako dito. Kalma lang Raki. Baka maalala na nagdota ka kahapon ng walang paalam.

"Haha. Di naman kita aagawin kay Raki. Unang tingin ko pa lang sa inyung dalawa eh bagay na bagay kayo. Ang sweet nyo pa sa klase. Bakit di ninyo nga pala kasabay si Lara?"

"Sweet? Di nga. Palagi nga akong inaaway nito.", bigkas ko.

"Eh kaw kasi, sabi ng umuwi ng maaga kahapon. Nagtext si tita saken. San ka na naman galeng? Nagdota ka na naman noh?"

"Hindi po kaya.", wika koy Jenny sabay baling ng atensyon kay Ian.

"Ah nga pala, may sakit si Lara. Bakit mo tanong? Crush mo?", baling ko ng usapan kay Ian. Kelangang makalusot kay Jenny. Baka di makagawa mamaya ng plate. Kukilitin na naman pihado ako. Kabig usapan.

Change topic please. Ian, kaw pag-asa ko.

"Hah? Hindi noh", tumingin saming dalawa si Ian pagkatapos ng tatlong segundo saka siya nagpatuloy.

Equation of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon