Chapter 13 :
sinAcosB = 1/2 [sin(A+B) + sin(A-B)]
Cloudy. Eighty two percent chances of rain. Heartbeat normal psi. Estimated time of arrival, forty three minutes. Estimated number of people wearing black, one hundred twenty. Dami ng tao, nasa libo. Bihira mangyari ang ganito. Napagkasunduan na ilibing ang buong klase kasama si Mam ng sabay sa iisang lugar. Ang masaklap? Hindi ako nakasama.
The worst thing that could happen to a person? Ang maramdamang naglilibing ka ng mahal mo. Hindi na lang ga ako yung nauna para sila yung nagdudusa at hindi ako. Eto first time ko umattend ng funeral. Noong namatay si Itay, di ko na inabot libing niya. Basta ko na lang nalaman kung saan siya nakalibing.
Ang daming taong umiiyak habang naglalakad patungo sa paglilibingan. Ako? Ayoko ng umiyak pa. Pilitin ko mang baguhin ang aking nararamdaman, hindi ito mapalitan ng awa. Poot at galit. Hindi awa kundi galit.
Wednesday, eight eleven am. Nagkaroon ng sunog sa ikaapat na palapag ng gusali sa aming unibersidad. Eighty two died. The fire was caused by a leak between the joint sa pipeline ng gas. Ang gas pipe ay may baling ninety degrees from the source to the laboratory na dadaan muna sa pader ng drawing room. The pipes are situated hanged at the side of the building. Napag-alamang nagmula ang apoy sa marupok na bahagi ng bali sa tubo. The weakening of the joint was caused by weathering at dahilan sa dumi ng mga ibon na hindi nalilinis. Unang napuno ng gas ang loob ng drawing room bago pa man ito magtungo sa laboratory at sa iba pang sulok ng fourth floor.
Ang mga tangke ng lpg ay nasa first floor enclosed by a four feet high one foot thick wall on both sides, two feet wide wall at covered by a metal enclosure. Ang harapan ay metal gate na tanging lab instructor lang may hawak ng susi para mabuksan. Lahat ng lpg tanks ay may lock sa bawat knob. Lab instructor lang may access. May lab activity that time so they assumed na buhay ang linya ng gas.
Students that survived the fire said na hindi sila gumagamit ng burner at tanging alcohol lamp gamit nila. Hindi pinalad mabuhay ang lab instructor kaya hindi malaman ang dahilan kung bakit bukas ang linya ng gas. Baka daw binuksan ng lab instructor para magamit ang burner para dun sa mga walang alcohol lamp. Marahil nga, saad ng ibang estudyante sa lab. Dahil hindi lahat ng grupo nila may dalang alcohol lamp.
Students that survived the fire claimed that by the time they smelled gas, bigla na lang daw umapoy ang silid ng drawing. Experts claimed that noong magka-leak ang gas pipe, una nitong pinuno ang drawing room kung saan dito natagpuan ang liku-likong gas pipes. Dumaloy ang gas patungong laboratory kung saan may open flame at dito ito nagsimulang umapoy. Kaya naman madaming namatay sa loob ng drawing room kumpara sa ibang kwarto. The explosion was caused dahil sa biglang pagtaas ng pressure due to heat that made the windows and doors of the drawing room exploded and thus resulting sa pagkalat ng apoy sa buong floor. Yun daw ang dahilan kung bakit sumabog. Yun daw ang tamang explanation at hindi daw yung theorya ko na sinadya ang lahat. Hindi ako maniwala because they missed all details.
Sabihin na nating nagkaroon nga ng leak ang gas pipe. Nakabitin ito sa rackpipe sa labas ng building hindi sa loob. Kung magkaroon man ng tagas, hindi ito papasok sa loob ng kwarto because of pressure. High pressure tends to go to low pressure to equalize. Not the other way around. Kaya nga may bagyo kase may low presure area. High pressure ang loob ng isang fourth floor building while low pressure ang labas. Sa halip na pumasok hangin, papalabas pa ito. Kaya nga nagtatalsikan ang papel palabas sa isang mataas na building kapag binubuksan bintana ng upper floors nito.
And besides, never namin binuksan bintana ng airconditioned room. So? Papaanong makakapasok ang gas sa loob. Binasura ng mga nagiimbestiga katwiran ko sa kadahilanang gusto kaagad maresolba ang kaso due to insistent public demands. Mga kupal talaga.
Napakasimpleng bagay, hindi nila maipaliwanag ng ayos. I went to the media to go public pero, hindi nila tanggap mga paratang ko. Wala daw ako sa loob ng classroom so papaano ko daw mapapatunayang sarado ang mga bintana the fact na tanggal mga lock nito sa naganap na imbestigasyon. Paano ko din daw masasabing hindi nag-equalize ang pressure outside compared sa loob kung hindi ko alam na bukas or sarado ang mga bintana. Madaming kumutya sa ginawa ko. Nagpapapansin lang daw ako. Putangina nila. Mga bobo.
It was four sixteen pm ng matapos ang libing ng buong klase, four days after the incident. Grabe, ang daming umiyak na ng umiyak habang isinisilid na mga kabaong sa patong-patong na pader. Apartment type nitso nila, sama-sama buong klase namin.
Nagasgasan lang ako at nabalian ng braso sa naganap na insidente. Sayang, hindi pa ako nilamon ng apoy. Saktong nasa fourth floor din kasi ang klase nina Mike at ng kumalat ang apoy, swerte na lang daw at nadampot nila ako. Swerte ba ang matira kung saan lahat sila ay nauna? Shet.
Six thirty seven, nakatayo pa din ako sa harap ng puntod ng buong klase namin. Nag-alisan na karamiham sa mga tao. Umuna ng nagsipag-uwian. May mga ilan pa ding nagpaiwan.
"Bro, tara na.", tinapik ako ni Chen sa balikat. Inakbayan naman ako ni Mike. Sinamahan ako ng tropa sa pagtambay sa sementeryo.
"Insan. Lilipas din yan. Tara na insan.", saad ni Julie kayakap si Roy at kasama dalawa pa nilang kaibigan.
Nagsindi akong muli ng kandila at inilagay sa puntod ng aking mga kaklase. Nagsindi ng sigarilyo gamit ang apoy ng kandila.
"Pede niyo ba akong iwanan muna saglit?", i asked them politely. "Hinihintay ko pa kasing umulan."
The thing I fear most is not knowing what comes after.
Galit na galit ako sa sarili ko kung bakit di pa ako namatay. Galit ako sa mundo. Tadhana ko bang mabuhay? Kung oo ang sagot, para saan pa ga at nabuhay pa ako? Bakit hindi na lang sila? Bakit ako pa?
Naririnig ko tawanan ng klase. I can still remember all their faces. Simula noong manlibre ako sa kanila, malimit na kaming gumimik sama-sama. Mga kabadingan ni president, mga pasaway na ayaw mag-drawing sa klase kaya palaging late. The endless group study at mga overnights para lang makapagsubmit ng plates. Asan na? Asan na ang tawanan, kulitan at mga problema ng bawat isa. Daya nyo talaga. Tatlo na lang kaming natira, pero dalawa na lang kami ni Lara. Sampid lang naman kase si Ian.
The times we shared, the times we miss.. ngayon naglaho na.
And Jenny. . .
"Ngiti ka naman oh. Sige na please. Promise hindi na ako magdodota. Jenny please, sumagot ka naman oh. Please. We still need to. Kailangan pa nating ... ", my eyes began to swell.
"Jenny. Asan ka na ba? Bakit naman ganyan? Wala namang ganyanan. Please?"
Naririnig ko pag-iyak ni insan. Insan wag ka masyadong magdrama at baka pati ako matuluyan na din.
"Jenny... I miss you so much", ang dami ko pang gustong sabihin.
"Pakilala ka kay Itay kapag nagkita na kayo ha", pero wala na akong maisip pa.
Rain finally falls. It drowned my tears and kept them a secret. They shall pay for the unsaid truth. I will make them pay.
"Putangina!!!!!", sumigaw na lang ako, napaluhod.
"Tangina nyong lahat!", I curse destiny. I curse my fate. I lost my faith.
"Jenny!!!! Jen...ny..."
One, two, three seconds lumipas...
I love you... Jenny.
I really do...
Blank... and after two seconds, nawalan na ako ng malay.
Goodbye Jenny.
Goodbye.
... ... ...
-chapter 13 multiplying sine and cosines end-
BINABASA MO ANG
Equation of Love
RomanceWould you dare to solve all the equations to get what you want? Or would you rather just go with the flow and leave destiny unfold?