Chapter 8: S1, S2, S3 ... Sn
Five weeks, two days, twenty hours, two hundred seconds since mag-start ang second semester. Ang plano para makuha si Jenny is already in motion. Right now I am intensively immerse sa naiwanan kong buhay, being online as BossMeow sa larong Neosteam.
Exactly thirty minutes ten seconds ang nakalipas since magsimula ang surprise event sa laro. Five hundred sixty eight points ang nawala sa honor prestige ng guild kaya bumagsak kami ng fifth place sa overall ranking. We worked so hard to make it to the top and by my absence, nahirapan si Hildegarde para mamuno mag-isa sa guild. I need to pay him back big time.
One hour duration ng event. We somehow managed to grab the prize which made us number two in the overall. Sayang, kung napaaga lang sana ako ng isang oras sa pagharap sa pc, nabawi sana namin last castle na hawak ng kabilang nation. Eh di sana kami na ulit top guild. Panay sorry ko sa mga ka guildmates pero nag log-out kaagad si Hildegarde after the event. I checked my fb account to see who messaged me. It was Hildegarde's account. He gave me a mobile number.
Five am na in the morning. I log out from Neosteam but stayed on line sa dota account ko sa steam. Nag-iiwan ako ng mga mensahe para kina Mike, plano para sa mamayang pustahan. Sabado, wala kaming klase, dadayo kami mamaya ng laban sa Bauan, sa shop nina Renz, bf still ni Jenny.
Six thrity five, umaga na. Need to sleep kahit konting saglit lang. Meeting kay Ninong at nine. Gusto daw niya akong kausapin tungkol sa progress ng project sa teritoryo ni Mayor Dolores.
I checked Jenny's profile after kong malaman na may boyfriend na pala sya. Parang stalker lang. I found out that she is the daughter of Mayor Dolores. It shocked me at first. Napakahalagang impormasyon at hindi ko ito alam? Napakatanga ko talaga. To think that I did not notice eh ang tagal ko na syang classmate. Then that only prooved my assumptions. I do need to shut down my emotions kung gusto kong makagawa ng perfect scenarios and plays.
Twenty minutes past nine na akong nagising. Dumating na si Ninong sa bahay. Tatlong sasakyan nakaparada sa harap. Tatlo, dalawa, kinse lahat lahat kasama ni Ninong.
Lumabas ako ng kwarto, naghilamos, nag-tootbrush, nagpalit ng t-shirt.
"Oh gising na pala si Raki. Kaka-computer kaya palaging puyat." titig sa akin ni Mame.
"Kanina pa kita ginigising ngangayon ka lang bumangon? Yang computer na yaan ay sisirain ko na. Aba, nagpupuyat ka sa walang kwentang mga bagay. Kung pinagiimis mo ako ng paligid sa umaga, ay di ga'y may napapala pa ako sayo.", karagdagang sermon na naman ni Mame.
Niyakap ko si Mame, naglambing ng konti, humingi ng kape.
"Salamat Mame", patugon kong sambit habang patungo siya sa kusina. Tawa lang ng tawa si Andak na nakatayo malapit sa upuan ni Ninong.
"Ayos ah. Nakuha mo na din kiliti ng Mame mo. Hehe.", saad ni Ninong sa akin.
"Nakow ninong, sa tagal na namin ni Mame na kame lang dito sa bahay, nakuha ko din."
"Haha. Nagmumukha ka na tuloy kagaya ng tatay mo. Sabi na nga bang sa kanya ka nagmana."
"Mana-mana lang po. Pero mas gwapo pa din ako."
"Haha. Yan, dapat ganyan ka palagi. Ayus din nga pala pagkakabasted sayo nung nililigawan mo. Balita na ga? Madami na gang chicks? Balita ko eh dinidiskartehan mo daw anak ni Mayor Dolores. Kaya ga pursigido ka ngayong magtrabaho saken?"
When I added up Jenny's traits and hobbies, multiplied it to the fact of her political family, subtracted them to her dislikes, napagtanto ko na ang pinakamainam na paraan ay ang magkaroon ako ng koneksyon sa pamilya niya. It was the best way to make her notice. After making my way to her family, sinadya kong gumawa ng eksena wearing my blue shoes para ipaalam sa kanya that I am inside her circle.
The plan was a success. Madalas kaming mag katext ni Jenny. Madalas din kaming mag kachat sa fb. Iba't ibang photos, pictures and art of renowned artist ang madalas kong i-post sa wall ko at si Jenny, naging auto-liker ata.
"Maiba ako Raki, may nadiskubre kasi ang grupo. Gusto lang naman natin ay kumita di ga? Pero parang dehado ang grupo natin sa balwarte ni Mayor. Malaki masyado gustong hingin. Pakitingnan nga kung paano tayo kikita pa ng malaki sa piso."
Dumating na ang kape galing sa Mame habang binabasa ko at inaanalisa mga dokumento't larawan na binigay ni Ninong.
Napag-alaman kong hindi sumusunod sa kasunduan ang mga tauhan ni mayor. May mga namimirata sa pier at hinaharang ang mga pahakot. Nahahati ang mga kalakal pero ang presyo ng bakal ay hindi naman nadadagdagan. Nadale kame. This wasn't a part of my calculations. Lintek na mayor toh. Shet.
"Baka naman po hindi dahil ni Mayor Dolores. Baka naman mga tauhan ni Tubagon. Malapit lang din pier sa kanilang teritoryo di ga po?", tanong ko kaagad kay ninong. Napasindi naman ako ng sigarilyo at nanlata. Marahil siguro dahil sa puyat.
"Nakahuli kami kagabi. Si mayor tinuro. Andyan picture oh.", saad ni Andak habang tinuturo litrato ng isang lalakeng hubad, duguan.
"Raki, paalala lang. Ang babae, nabibili yan. Ang negosyo ay negosyo. Anak ka ng tatay mo. Alalahanin mong sa lahat ng bagay, pinakamahalaga ay pamilya.", pinatay ni Ninong ang sindi ng sigarilyo niya sa ash tray bago nagpatuloy.
"Bibigyan kita ng tatlong araw. Ikaw na bahalang dumiskarte. Kaw nagpropose na kikita tayo dyan, sabi ko naman sayong gahaman mga Dolores.", tumayo na si Ninong sa pagkakaupo.
Makaraan sampung minuto labing isang segundo, puro sermon na naman ni Mame naririnig ko. Nakaalis na sina Ninong. Tinititigan ko pa din mga dokumentong ibinigay ni Ninong. Dada ng dada si Mame. Pinagsarhan ko ng pinto ng kwarto. Dama ko pangangatal niya sa bawat salitang binibigkas. Ngayon lang niya nalaman na sangkot na din ako sa negosyong iniwan ni Itay. Bakit ko pa daw kinailangang pasukin ang gulo. Sapat naman daw kinikita niya sa mga pa-order niyang mga ulam para sa aming dalawa.
Hindi ako makatugon. Wala akong maidahilan sa kanya. Ginusto ko lang naman noon na maalala si itay. Bawat bakal kasing tinititigan ko, pakiramdam ko'y katabi ko lang si itay, tumatawa sa bawat tamang estimate ko, proud sa ginagawa ko. Nakalimutan ko na namang isarado ang damdamin ko. Di ko mapigilang panghinaan ng loob.
Three thirty four ng hapon. Nagising ako sa tunog ng alarm ng cellphone ko. Four messages received. Asan na daw ako tanong ni Chen. Nag-aantay na daw tropa. Two fifty five pm received. Three ten pm. Three fifteen received again. The last message was from Jenny, three twenty pm received and it read "musta? :D".
Lumabas ako ng kwarto, wala si Mame sa bahay. May nakataklob na pagkaen sa mesa. May isang papel, dinadaganan ng limang stick ng sigarilyo. Nakasaad dito mensahe ni Mame. Gagabihin daw siya ng uwi. Baka kinabukasan pa. Punta daw siya kina lolo. Malamang, isusumbong ako ni Mame kina lolo. Tapos eh patitigilin na ako sa pag-iiscrap. Haay. Buhay, nay alamang.
Four ten pm ng magkita-kita kami ng tropa sa shop. Naglalaro na sila ng dota. Kung tutuloy pa daw kami sa Bauan? Pinagpaliban ko pagdayo namin sa rasong masama pakiramdam ko. Nagpalipas na lang kami ng mga oras, nagkakasiyahan sa loob ng shop.
Madami na akong napagplanuhang mga hakbang para makuha si Jenny and I had the courage and motivation to do so. Nakialam na naman ang tadhana. Nagkamali ba akong angkinin siya? O baka naman dahil sa ang mga plano ko para makuha siya ay walang pagmamahal, puro lohikal lang na mga hakbang?
Putanginang buhay toh. Lintek na tadhanang yan. Hanggang kelan ba ako hahabulin nito? I can rewind time but not enough to change my destiny. Wala na bang paraan para mabago ko ang lahat?
My greatest regret, pagtetext kay Itay para magpasundo.
My latest? Di ko nareplyan si Jenny.
Pakshet! Alas nuebe na. Makauwi na muna't makapagmukmok.
-chapter 8 sequence end-
BINABASA MO ANG
Equation of Love
RomanceWould you dare to solve all the equations to get what you want? Or would you rather just go with the flow and leave destiny unfold?