Equation of Love Chapter 6

28 0 0
                                    

Chapter 6: x + x

     I am but a follower to the divine. Siguro dahil sa malamang magaganda nangyayari saken ngayong araw na ito. Nanalo na sa pustahan at kahit pa maubusan ng napanalunan, ang makasama si Jenny underneath this rain, is priceless.

     Sampung piso ata pamasahe papunta kina Jenny mula sa school. Limang kilometro marahil ang layo mula sa barangay namin. May mga konti pa sigurong hakbang palabas ng gate. Siguro katamtaman lang lamig ngayon pero bakit atang binabanas ako.

Nawala ang mga numero.

Natangay na ng baha.

Sana palaging ganito. Sana.

Pag-ibig nga naman. Sarap.

     Nakahawak si Jenny sa kanang braso ko habang hawak ko ang payong. Ang cute niya grabe. Kapantay ng mata ko tangkad niya. Tamang-tama lang. Magkadikit mga katawan namin. Ang cute ng boses nya habang napapaiwas sa baha. Grabe. Is this love?

     Hindi ko pa nararanasang ma-in love kahit kelan. May kalibugan na pinaiiral sa magagandang babae noon pero itong si Jenny, hindi man kaseksihan, payat at may kaliitan, isang ngiti lang, napapraning kaagad ako. Nakita ko siya for the first time noong mag-enroll ako. Sa kahabaan ng pila, sa karamihan ng mga nag-eenroll, she stands out among the rest. Hindi ko maipaliwanag kung bakit.

     She is light on my dark miserable life. Ang ningning ng bawat kislap na namumutawi sa kanyang katauhan ang nagsisilbing gabay sa masalimuom kong kinahahantungan. Hay, Jenny, kung kaya ko lang sambitin ang lahat ng pagmamahal ko sayo, baka marahil pinaglalamayan n katawan ko sapagkat tinangay mo kaluluwa ko. Jenny.

She has this appealing side to her that maybe only I could see or so I thought.

"Uy Raki. Salamat sa pagpapasukob. Si Renson nga pala, boyfriend ko."

ANU DAW???

"Raki pala pangalan mo? Astig bro. Ganda ng laro kanina. Nice game."

Iniabot nitong damuhong na lalake kamay niya sa akin. Puta, mukhang bading na fans ng koreanobela na nagmimistulang justin bieber gay overload directioners. Pota, baket pa kasi nauso ang mga trying hard chinitong poging kagaya mo. Tangina mo ser. Hayup.

"Ahh, wala yun. Tsamba lang. Anu nga ulet pangalan mo?"

"Renson Robles, but you can call me Renz."

Wow, paenglish-english ka pa tangina ka. Asan ba ang tubo?

"Ah. Kuya Renz? Haha. Tangkad mo kasi. Taga san ka kuya?"

Papapatay lang naman kita mamaya.

"Uy Raki, sakay na kami ng dyip ha. Baka matrapik pa kame.", singit bigla ni Jenny samen. "Bye! Salamat ulit ha. Bait mo talaga."

"Sige bro. Alis na kame. Dayo kayo samen. Madami dun makakapustahan. Sige!"

Itinaas ko na lang kamay ko, tumango at nagpaalam.

     Tadhana nga naman. Ubos na napanalunan ko, natangay pa minamahal ko. Twenty nine degree Celsius is the outside temperature at the moment, but I felt like it was twenty. Lumalakas ang ulan. Unti-unting nanginginig mga kalamnan ko. Kelangang humakbang. Isa, dalawa, shet ang lamig. Yosi muna. Nabitawan ko pa. May labing tatlong metro patungong malapit na tindahan ng sigarilyo sa kabilang kalye. Makatawid nga, sana may makasagasa.

     Tapat ng tindahan, iniabot ko bente pesos. Sinuklian akong kinse. May limang click ng lighter bago ako nakasindi, natumba pa payong ko sa pagkakasandal. Dinampot ko, hithit muna ng sigarilyo at baka magiba pakiramdam. Lagnat aabutin ko nito paguwi mamaya. Ninety two percent chance if this chill, shall not stop.

     Pinagmamasdan ko ang patak ng ulan ng bigla itong bumagal. Five seconds later, tuluyan itong huminto sa gitna ng hangin. I know this feeling. Clairvoyance.

     Bumalik ang panahon, saktong isang minuto at tatlumpong segundo. Bubunutin ko pakete ng sigarilyo sa bulsa ko at naalala ko. Dahan-dahan ko itong inilabas para hindi magpatak. How I wish I could rewind time another six hundred thirty two seconds back. Sa panahong hindi pa kami sumasapit ni Jenny sa gate.

Eh di sana nakaiwas ako sa nararamdaman ko ngayon.

    

     Ang hapdi. Makirot. Malamig na nga panahon. Sinindihan ko isang stick ng sigarilyo habang naglalakad kasabay ng mga tao sa daan. Wala akong pakialam sa ulan. I am wearing my jacket. I dont need this stupid umbrella weighing five hundred sixty grams. Binagsak ko na lang, kunwaring nalaglag.

     Isa-isa, tatluhan, sampuan kung pumatak ang bawat butil ng ulan. Unti-unti nitong pinapatay ang apoy na nag-aalab sa aking bibigan. Makasilong. Limang metro sa pinakamalapit na shed. Makatambay.

     Alam ko naman ang posibilidad na mayroon ng bf si Jenny, pero bakit ko ito binalewala. I need to think as to who I really am. Logic over all matter. I can see a minute and a half ahead of me. At ngayon its only logical na malaman ko kung papaano. Kelangan ko na lang ipraktis paggamet nito. Kelangang paganahin ang utak. Life is unlike games, but let's make it one. No game, no life. I shall be one.

     The fact na hindi ko ma-assess ang mga numero ni Jenny ay dahil sa nararamdaman ko sa kanya. Emotionally imbalance. Kelangan ko matutunan kung paano i-switch. I need to utilize all that I know. Para manalo sa pustahan, kelangang alam ko bawat specs, bawat possibility, bawat combo at animation sequences. Tamang timing, tamang galaw, saktong delivery ng skills combo with different skills ng iba pang nasa playing field. This is the basics. Eto alam ko, eto kaya ko, therefore, eto gagawin ko.

     Tadhana? Oo. Tadhana nga. Nakatakda ang lahat ng bagay sa mundo. Alam mo kung kailan ka dapat kakain, alam mo kung ano. Alam mo kung kailan ka matutulog, alam mo kung hanggang kelan mo pa kayang magpuyat. Alam natin na sa kada isang bilang dagdagan ng isa pa, ang resulta eh dalawa. Kelan pa naging three ang answer sa one plus one? Define destiny. Define fate. Lahat ay definite. We know. We are not just aware of it.

     Pinipigilan ko sarili ko sa kung anong kaya ko. Panahon na sigurong magbago pananaw ko.

Jenny A. Dolores...

Three months four days freshman student ng architecture. Seventy five percent of students who majors architecture alam kung paano magdrawing at mahilig sa pagguhit. Artistic.

Weight is around fifty five to sixty kilo, height is at maximum five four. Skinny figure, style of clothing, long hair, sixty five percent nagsasaad di siya athletic.

Address is not exact pero nasa munisipyo ng Bauan. Dolores surname niya. Ninety percent chance na kamag-anak nila political dynasty ng municipality, leading to forty percent chance based upon sa mga nababalitaan sa mga usapan, na strict kinalakihan niyang pamilya.

Her boyfriend, Renson Robles. Unknown, yet. May taste si Jenny sa kung anong trending na kultura ngayon which is dictated by k-pop culture and multimedia pertaining to squinty eye looking white skinned male celebreties.

Therefore...

Kung nais kong makuha si Jenny, the best way of getting her is through her family.

That is, provided kung gusto ko pa ba?

Tadhana? Oo. I like her, and I shall play as her destiny. There is no escaping fate. Hindi tayo ang pumipili, pero buhat ng tayo ay magkaisip, alam nating tayo ang magtatakda, yun ay kung gugustuhin at gagawin.

-chapter 6 addition end-

Equation of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon