Habang naglalakad ako papuntang school may biglang bumisina sa likoran ko, kaya kaagad naman akong napalingon rito.Isang puting Montero, kaagad naman akong tumabi.
Bumaba naman ang driver nito, naglakad ito papalapit sa harapan ng kotse niya sabay baba ng sout nito na sun glasses at nginitian ako.
Napakunot naman ang noo ko at inirapan ko siya sabay talikod ko at naglakad palayo sa kanya.
Patuloy lang ako sa paglalakad ng may biglang bumanga sa akin. Kaya nahulog ang mga dala dala kong mga libro, pinulot ko naman kaagad ito at tinulongan niya ako sa pagpulot ng mga libro.
"Sorry." sabi nito, sabay takbo nito papalayo sa akin.
Hindi ko man lang nakita ang mukha niya, naka suot ito ng puting hoodie jacket.
Tumayo naman ako at kaagad naglalakad papuntang classroom halos lahat ng mga estudyante naka tingin sa akin.
Kaya ayokong naglalakad mag-isa eh, hanggang sa makapasok ako ng room.
Napahinto sila sa kanilang mga ginagawa ng makita nila ako. Nakapayuko na lang akong naglakad papuntang upuan ko. Hindi ko alam kong anong nanyayare.
Ba't ang weird ng mga tao ngayon? Well, baka na paparanoid lang ako. Baka imahenasyon ko lang.
Ilang sandali pa ay biglang pumasok ang Prof. namin.
"Good morning, class A." wala ni isang bumati kay sir.
"Okay, today we have a new student transferee from AUP." lumingon naman ako kay sir habang nagsasalita.
"Okay, please come in Mr. Salvador." sabay pasok ng isang lalaki.
Wait....
Siya yung lalaking naka sakay sa puting kotse kanina.
"Hello, I'm Cedrick Salavador, 19 yrs old.." pakilala nito pero walang nakikinig sa kanya. Lumingon naman ito sa direksyon ko, agad naman ako nag iwas ng tingin sa kanya.
"Okay, Mr. Salvador sit beside Ms. Enriquez."agad naman akong napalingon kay Sir nang marinig ko ang apilyedo ko at nginitian lamang ako nito.
Naglakad naman kaagad ito papalapit sa akin.
"Hi." sabay upo sa tabi ko.
Hindi ko siya pinansin kunyare wala akong narinig, nakatingin lang ako kay Sir habang nag sasalita ito.
After ng mahabang discussion nag ring na rin ang bell for break time.
"Okay, class dismiss." sabay lakad ni Sir palabas ng room, sabay sabay naman nag hiyawan ang mga blockmates ko at kaagad nagsitakbuhan palabas ng room.
Tatayo na din sana ako ng biglang nagsalita ang katabi ko.
"Ganyan ba talaga kayo?" tanong nito, nilingon ko naman siya habang naka kunot ang noo ko.
"Sila lang." sagot ko at nag lakad palabas.
"I don't think so." napalingon naman ako sa kanya at naka ngisi ito.
Napairap na lang ako at pinagpatuloy ang paglakad ko palabas ng room nang tawagin ulit ako nito.
"Wait, Can I join you in a lunch?"
Tinignan ko naman siya.
"Come on." sabi ko sabay lakad palabas, hinabol naman ako neto at kaagad na tumabi sa akin.
"Can I ask?"
"Your asking.. "
"I mean, ba't kayo ganon kay Sir Lacson kanina?" tanong nito.
YOU ARE READING
TEEN ACADEMY (Updating)
Teen FictionA fictional story of friendship, freedom and love. Welcome to Teen Academy! This school is not for you...