exlxyxnx
natutulog ang ngalan
tapos na ang hanapan
natagpuan ko na siya
natagpuan na kita.BEA
At dahil mabait akong kaibigan pinagtripan ko pa rin siya. Pinilit kong tanggalin yung mga kamay niyang nakapulupot sa bewang ko.
"Saka ka nalang makipag usap sakin pag di mo na paglalaruan feelings ko" saglit ko siyang niligon at nagpatuloy ako sa pagbaba
Nakasalubong ko si Maddie kaya nagsmile ako ngumiti din naman siya pabalik
"Hello Bei, kain kana!" aya ni Maddie kaya tumango ako at inakbayan siya papunta sa dining room
Nagsisimula pa lang silang ayusin yung lamesa tapos yung iba naghihintay lang habang nagcecellphone
Napatingin naman sakin si ate Den kaya ngumiti naman ako sakanya
"Oh Bea? asan si Jho? sabi netong si Baldo tinawag niya kayo? bat si Maddie ang kasama mo?" patay na ako neto tsk
Bigla bigla naman sumulpot si Jho, nagtama ang mga mata namin pero agad akong umiwas syempre ako may feelings eh
"Andito ako ate Den, yung iba kasi diyan hanggang promise lang tapos di naman pala tutuparin iiwan ka lang din sa ere." naiiritang sabi ni Jho
"Ang haba naman ng sinabi mo neng nagutom ako dun ah!" sabi ni ate Ells
"Hay nako besh lagi ka namang gutom kahit di pa magsalita si Jho noh!" sabi ni Ate Den
akma namang babatukan niya si ate Den nang biglang dumating si Phenom!
aba Knight in shining armour pala ang peg eh
"Hoy besh subukan mo aba, mag f-friendship over talaga tayo pag tinuloy mo yan. Kainin mo na lahat ng pagkain sa mesa wag lang batukan tong Denden ko!" sabi ni ate Ly.
so I smell fishy
"What kind of fish is that?" tanong ni ate Amy
So ayun literal na fish pala naaamoy ko *facepalm*
de seryoso parang may something between ate Ly and ate Den
di nyo naitatanong shipper nila ako ah!
"Seryoso yan Ly? wow kakainin ko to lahat?" nagniningning ang mga mata ni ate Ella habang nagsasalita
inayos naman nila ang pag upo, syempre dahil kami roommates ni Jho kami ang magkatabi tapos nasa kabilang gilid ko si Maddie katabi naman niya si Ponggay.
"Bei? galit ka? sorry na oh. Please" nagpuppy eyes na siya sakin
Darn how can I say no to this lovely girl?
Ngumiti naman ako at hinawakan ko ang kamay niya sa ilalim ng lamesa
"Hindi na po, okay na tayo beh ha? wag mo kasi gawing biro yung mga ganun hehe" sabi ko kaya ngumiti siya at niyakap ako
"Ay wow nasa sinehan pala tayo? Besh! Popcorn nga penge pati drinks na rin ha? thanks!" sabi ng nag iisang si ate Ella
"You just want foods Ells! Dont us!" si ate Amy
"Tigilan moko Amy ha! totoo naman ah. Hoy neng wag kayong ganyan sa harap ko walang forever! Mag aral nalang kayo muna noh! Kaloka!" sabi ni ate Ella sa amin kaya napatawa naman si ate Den
BINABASA MO ANG
Stuck in Reverse (JhoBea)
FanfictionAng bawat parte ng librong ito ay tanging kathang isip lamang, anumang parte nito ay hindi maaaring gamitin sa kung anong bagay nang walang paalam sa akin at walang tamang paglalagay ng manunulat. #37 in fanfiction Day started writing: 180422 Day...