29

3.9K 70 6
                                    

exlxyxnx

I want you to smile not for me
But for yourself, its not your fault
if you shine the brightest of them all.
You are my star in the night sky.

[A/N: this chapt. was made for you. Thanks for reading, doe. angpapi_nibea]

JHO

Hindi ko namalayang nakatulog ako sa buong biyahe.

Nagising ako dahil sa pakiramdam ko may nagnanakaw ng halik sa buong mukha ko.

Minulat ko ang mga mata ko at ang bumungad sa akin ay ang isang Bea De Leon na hinahalikan ako.

"Oh! thank God gising ka na din!" bungad nya

"Magnanakaw!" singhal ko sa kanya

"You should be thankful ganito kagwapo nagnanakaw sayo noh! By the way, Miss Jhoana Louisse and soon to be De Leon we just arrived safely to Nasugbu Batangas! Annnd, good evening to you." mahabang sabi nya na kinatawa ko

"Oh? tapos na ba kayo maglandian? nakahain na kasi mga pagkain ineng, okay na ba kayo?" singit na naman ng magaling kong kapatid.

A round of applause for Janel Maraguniot 👏

"Tagal kasi gumising ng ate mo Ja eh, sunod na lang kami." Nag nod naman si Jaja at ngumiti saka umalis

Hinampas hampas ko naman si Bea at saka iniwan sa loob ng van

Hinabol naman nya ako. Nadatnan namin sila sa isang restaurant

"Oh Jhoana, Bea, kain na tayo. Eto nga pala susi ng room nyong dalawa." inabot ni Mama sakin ang susi.

Kinuha ko naman yun at nagsabing magpapahinga lang ako saglit

"Oh bilisan nyo at maya maya ay kakain na, okay?" pahabol na paalala ni Mama.

"Cousin, teka pasabay!" Sigaw ni Auds kaya nilingon ko si Bea na nasa likod ko lang at saka hinila

"Sige lang." tipid na saad ko

Napatingin ako sa katabi ko nakangiti sya at binigyan ako ng nanunuksong tingin

"Tumigil ka nga Beatriz, wala akong pake kung dun ka pa sa kanila ni Jaja matulog!" bulong ko sa kanya at sumakay na sa elevator

"Hmm sige sabi mo eh." Bea

Hinampas ko naman sya ulit "Ang landi landi mo talaga Bea De Leon!" inis na sabi ko sa kanya at tinawanan lang ako. I can't believe this— wow english yun ah

"Ikaw lang nilalandi ko, Jhow. Ano ka ba!" natatawang sabi nya kaya nag death glare ako at tumahimik na sya.

"Uhm Bea? pwede bang papicture na?" si Auds

tinignan ko naman si Bea na nagkakamot ng ulo saglit at saka tumigin na ako sa harap

"Uh- Auds? baka kasi ma issue tayo lalo na't nasa Elevator tayo." awkward na sabi ni Bea

"So pag nakapasok na tayo pwede na makapagpapicture sayo?" si Auds

ano? teka lang diba kami lang ni Bea sa kwarto tsaka bat sya sasama sa amin

*ting*

Nandito na pala kami sa floor na bababaan namin.

Hinila ko naman agad si Bea.

Nang makarating kami sa room assigned samin binuksan ko ito

"Audrey, papahinga na muna kami ni Bea nakakapagod kasi eh. Bye." pagkasabi ko nun ay hindi ko na sya hinintay pang makasagot at pinagsarhan sya ng pinto

"Jhoana Louisse! What was that?" Bea

"Hindi ba dapat ako ang nagtatanong nyan Isabel Beatriz?" iritang tanong ko

"Alin na naman Jho? you're overreacting!" bulyaw nya sa akin

kaya napatango tango lang ako

"Sorry if insecurity is eating me up, ha? Gwapo mo kasi pati kapatid at pinsan ko crush ka. Nakakahiya naman sa balat ko diba, Bea?" Ako

"Babe it's not like that kasi." malungkot na saad ni Bea

"Eh ano Bea? ano, ha? ano? explain mo naman nalilito na kasi ako eh." pagkasabi ko nun ay bumagsak na ako sa kama

"Yung kanina love, ang rude na pinagsaraduhan mo ng pinto si Audrey!" frustrated na sabi nya.

Sinalubong ko ang mga tingin nya sakin

I remember her saying tingin ka sa mata. And I did.

"Bea sana bakuran mo yung sarili mo. Hindi sa lahat ng oras nandito ako para bumakod sayo." and with that pumatak na ang nangingilid kong mga luha

Agad ko iyong pinunasan at saka nagtalukbong ng kumot.

"Love? Jho? Usap naman tayo please sorry na." Bea

niyakap nya naman ako

"Bea please I need space!" sigaw ko

Naramdaman ko na lang na kumalas na sya sa yakap at narinig ko ang pagsara ng pinto

Dali dali kong tinanggal ang kumot at nakita kong kakasara lang ng pinto

Napasabunot na lang ako sa buhok ko, wrong choice of words Jhoana!

Kinapa ko ang phone ko sa bulsa ko at agad na dinial ang number ni Donya Ells

Otp

M: ate Ells?
E: Hoy Jhoana! Pasalubong ko wag mo kalimutan ha!
M: wala muna bang "Jho kamusta ka na? nangitim ka na ba?"
E: tigilan mo nga ako Maraguinot, ha. Matagal ka nang maitim!
M: nag away kami ni Bea ate Ells, sabi ko I need space kakainis kasi maling mali. I dont need space gusto ko lang na magpalamig ng ulo
E: magpalamig ka muna hah mc mixed berries frozen dalandan? Joke so bebe Jhow, wag ka kasing mag eenglish kapag di mo alam talaga meaning nun—
M: excuse me alam ko meaning nun! Wrong choice lang ng words huhu te Ells nagseselos kasi ako pag malapit si Jaja at Audrey sa kanya eh alam mo naman diba?
E: hoy Maraguinot wag ka ngang pabebe dyan tsaka gaga pamilya mo yan diba may boyfriend din si Audrey? walang taluhang ganap dyan. Nga pala si Bea nasaan?

I hanged up kasi napaisip din ako kung saang lupalop na nakarating si Bea ko.

-

BEA

Bea please I need space!

Bea please I need space!

Bea please I need space!

Bea please I need space!

Papababa na ako sa dining area tumutulo ang luha ko pero pinunasan ko iyon. Iiwan na kaya ako ni Jho?

Nag eecho pa rin yan sa sistema ko kasalukuyan akong nandito na sa dining area hindi para kumain, para magpaalam kina tito at tita if pwede ba akong kumuha pa ng isang room syempre using my own money.

and luckily pumayag naman sila at hindi na nagtanong kung bakit.

Sinabihan ko na din si Jaja na itext ang ate niya para bumaba na't kumain.

Nagpaalam na ako sa kanila to get another room

Tapat lang ng room ni Jho ang available kaya kinuha ko na rin.

Umakyat naman ako at saka pumanhik muna sa kwarto ni Jho at kinuha ang mga gamit ko.

Yung phone ko pala nasa kanya.

Nang nasa kwarto ko na ako ay nagpahinga ako. Sliding glass door ang nasa gilid ng kama ko tanaw yung papalubog na araw kaya nagpunta ako sa veranda

Sinalubong ako ng malamig na simoy ng hangin.

I'd love to watch the sunset with you.

Nang tuluyan nang mabalot ng kadiliman ang kalangitan ay pumasok na ako sa loob at isinara ang veranda saka ang curtain

Nahiga ako sa kama at natulog na. Even if nasasaktan ako.

Maybe this is how love works.

Stuck in Reverse (JhoBea)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon