exlxynx
Hindi ko huhugutin ang puso mo
Hindi ko yan kukunin gaya ng nababasa mo sa mga libro
Hahayaan kong tumibok yan para sakin at para sa tayoJHO
Isang linggo na ang lumipas at okay naman kami ni Bea wala namang training kaya nandito lang kami sa dorm.
Isang buwan na lang at anniversary na namin, ang bilis ng panahon. Parang kahapon lang magbestfriend pa kami ngayon sobrang mahal na namin ang isat isa.
Hindi bilang magbestfriend kundi bilang mag girlfriend.
Nakapatong ako sa kanya
"Love, can we talk about Nico?"
"hmm? what about Nico?" nakakunot noo nyang tanong sa akin
"L-love diba w-we need to hide our r-relationship?" utal kong tanong
"You sounds so tense. What's the matter, babe?" naglalambing nyang tanong at saka niyakap ako ng sobrang higpit.
"K-kasi beh ano, paano ko ba sasabihin to?" kinakabahang tanong ko
Huminga ako nang malalim at magsasalita na sana
*Mama Lovel's calling...*
Hinalikan ko ng mabilis sa labi si Bea at sinagot ang tawag
Otp
M: Hello nak?
A: Hello ma? bakit po?
M: oh yung vacation natin bukas na iyon, ha?
A: ah opo ma. Sige po
M: magprepare ka na. Sabihan mo na rin si Bea ha?
A: opo ma sige po.
M: sige nak, ibababa ko na at may ginagawa pa ako. Bukas ha? asahan ko kayo. Bye nak I love you ingat kayo diyan lagi
A: sige po. I love you too ma ingat din kayo dyan see you tom.*call ended*
Binalingan ko naman si Bea na nakatitig na sa akin
"Hello! Bea to Earth!" winagayway ko ang kamay ko sa harap nya para matawag ang pansin niya.
Bigla naman niyang hinuli ang kamay ko
"Jho bakit ang ganda ganda mo?" nakangising tanong niya
"Mukha kang manyak beh yuck tsaka duh matagal na akong maganda!" I jokingly said.
"Sabagay in love na in love ako sayo eh. Nga pala, ano ulit yung sasabihin mo?" Bea
Napalunok ako ng ilang beses.
"B-beh wag kang magagalit ah?" kinakabahang sabi ko sa kanya
Napaayos naman sya nang upo at saka hinawakan ang mga kamay ko.
Napatingin ako sa mga kamay namin na magkahawak.
Ganito pa rin kaya kami pagkalipas ng mahabang panahon? O baka naman sa mga oras na yun out na kami sa lahat ng tao? Hindi ko alam. Ang alam ko lang gusto kong wag mawala sa akin si Bea.
Alam ko lahat ng bagay ay may katapusan pero ayokong matuldukan ang meron kami.
"Love?" tawag ni Bea sa akin at hinalikan ang likod ng palad ko
"Beh I'm sorry." tumingin ako sa kanya habang umiiyak na
"Bakit ka ba nagsosorry?" malungkot na tanong niya.
BINABASA MO ANG
Stuck in Reverse (JhoBea)
FanfictionAng bawat parte ng librong ito ay tanging kathang isip lamang, anumang parte nito ay hindi maaaring gamitin sa kung anong bagay nang walang paalam sa akin at walang tamang paglalagay ng manunulat. #37 in fanfiction Day started writing: 180422 Day...