exlxyxnx
If nothing last forever
can you be my nothing?JHO
After ng drop ball segment ay sinundan ko si Bea dahil palalabas na siya
"Bea! Hinto saglit lang Bea!" hinigit ko ang braso niya
Hindi pa rin siya lumilingon kaya mas lalo ko pang hinawakan ang braso niya
"Mabagal ako tumakbo pero hahabulin kita kahit pagod na ako kasi beh, mahal kita." sabi ko kahit nakatalikod siya.
Sa puntong iyon ay nilingon na niya ako "Jho do you know the song with the lyrics 'Sometimes love just ain't enough'? Ganun yun Jho, ganun tayo. Hindi sapat ang pagmamahal mo sa akin at hindi sapat ang pagmamahal ko sayo para maipaglaban ang kung anong meron tayo, diba?" mapait niya akong nginitian na ikinaluha ko
"Sobrang trying hard ko na ba? Sorry. Always remember na lang na beh, mahal kita sobra pa sa sobra higit pa sa alam at pinaparamdam ko sayo." Pagkasabi ko nun ay tumalikod na ako at humakbang papalayo sa kanya
Patuloy ang pag agos ng mga luhang kahit kailan ay ayaw ko na sanang maramdaman
Dumiretsyo ako sa CR at doon ko ibinuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko.
Oo, mas mukhang apektado si Bea sa relasyon namin kasi ako? Minsan lang naman ako umiyak at yun ay kapag hindi na kaya itake ng sistema ko yung sakit.
Hindi lang naman si Bea ang nahihirapan, hindi porket si Bea lang ang umiiyak kahit sa harap ng camera ay siya lang yung naiipit.
May mga tao pa bang nakaisip na baka mas apektado ako? kasi kung meron, tama kayo
Nahihirapan ako sa tuwing kasama ko si Nico at nakikita ko si Bea sa di kalayuan. Gustong gusto ko na kasama siya pero kailangang si Nico ang kasama ko lalo na sa harap ng camera.
Sa harap ng Madla, madla na kami mismo ang nag imbitang panoorin ang PALABAS namin.
Iyak lang ako ng iyak sa cubicle. Hindi na nga yata iyak kundi hagulgol na
Nang may narinig akong pumasok ay tinakpan ko ang bibig ko para hindi makagawa ng kung anong ingay kahit na umiiyak ako
"Uy what's with EJ kaya and Bea?" maarteng tanong ng isang babae
"Why? tsaka EJ who?" sagot ng kausap niya
"EJ Laure kasi bes. Eh kasi kanina nakasalubong ko sila sumakay pa nga sila sa iisang sasakyan eh! Tsaka eto pa ah nakasubsob si Bea kay EJ, bongga di ba?" sagot nung maarteng babae.
Mas lalong pumatak ang mga luha ko
"Kung ano anong pinagsasasabi mo kaloka ka talaga. Alam mo bang si Bugoy nililigawan si EJ? tsaka no to others ako. Bea is for Jho and Jho is for Bea, only." sagot ng isa pang babae
"Ay nako! JhoBea shipper ka pa rin kahit alam mong may boyfriend na si Jho? jusko, Bea deserves the best!" kontra ng babaeng maarte
"Ah basta! Never shall we sink JhoBea now, tomorrow and until infinity resigns!" pag tatanggol niya at narinig ko ang yabag ng mga paa nila palabas.
If only I could tell them what's going on between me and Bea.
Palabas na ako ng gym nang biglang may tumawag
BINABASA MO ANG
Stuck in Reverse (JhoBea)
FanfictionAng bawat parte ng librong ito ay tanging kathang isip lamang, anumang parte nito ay hindi maaaring gamitin sa kung anong bagay nang walang paalam sa akin at walang tamang paglalagay ng manunulat. #37 in fanfiction Day started writing: 180422 Day...