Dany - 2

10 0 0
                                    

DANY'S POV

Pagkatapos namin kumain ay dumiretso kaming apat sa basement ng apartment, doon namin tinatago ang mga gamit na ginagamit namin sa mga misyon.

Agad umupo si Yuki sa may upuan, may maliit kasi kaming table dito at apat na upuan. Sumunod naman kami sakanya.

"Kaylangang malaman ni, Mr. Rei ang tungkol dito." panimula ni Kara, tuwing ganito ang usapan ay nagiging seryoso sya.

"Hindi ko maisip kung sino ang lalaki na iyon, ano naman kaya ang kailangan nya satin?" sabi ni Devon, pare-parehas kaming nag-iisip ng malalim.

"Kung titignan ay may posibilidad na may kinalaman ito sa last mission natin." saad ni Yuki.

Tama sya, merong posibility na isa ito sa mga tauhan ng pinatay namin. Hindi rin imposible na mapansin nila kami dahil ilang araw din kami sumusunod sa target namin.

"Siguro ay napansin din tayo ng mga tauhan ng target kaya naghinala na sila sa atin." sabi ko, napatingin naman sila saking tatlo.

"Ilang araw ba tayo nag-stay doon?" tanong ni Kara.

"Halos apat na araw din." sagot naman ni Dev.

"Siguro ay may ideya na sila satin, kailangan natin ng ibayong pag-iingat." sabi pa ni Yuki.

Di ko man sabihin ay bakas samin ang pag-aalala sa isa't-isa, hindi kakayanin ng konsensya namin kung may mapahamak na naman.

Tumingin ako kay Kara, what happen two years ago is still hunting her. Alam kong medyo na-trauma sya sa nangyari sakanya nung misyon namin sa mga oras na yon. She almost got rapped, buti at dumating agad kami.

"Kailangan natin malaman kung sino sila." napalingon kami kay Devon. "Hindi napapanatag ang loob ko hangga't di ko sila nakikilala." tinignan nya kaming tatlo.

"Tama, bukas na bukas ay sasabihin ko ito kay Mr. Rei." sabi naman ni Yuki.

Si Mr. Rei ay ang president ng school na pinapasukan namin, he's managing us. Katulad namin ay sumasabak din sya sa mga misyon noon. Kaya kung may misyon man kami na matagal ay sya na ang bahalang mag-explain sa mga prof namin. Besides, tito sya ni Devon.

Kinabukasan maaga kaming nagising at sabay-sabay na pumasok sa school. Wala pa masyadong tao, dumiretso muna kami sa office ni Mr. Rei.

Nang makarating kami doon ay kasalukuyan silang nag-uusap ng head ng council. Sinenyasan nya kaming umupo muna sa couch dito sa opisina nya at maghintay.

Matapos nilang mag-usap ay lumabas rin kaagat ang head ng council, sinenyasan ulit kami ni Mr. Rei na sa conference room nya kami mag-usap. Sumunod naman kaming apat, may mahabang lamesa at madaming upuan ang nandito sa conference room. Ginagamit kasi ito tuwing may meetings o kaya mga seryosong bagay.

"Bakit kayo naparito?" agad na tanong nya samin. Umupo sya sa pinakasentrong upuan, habang kami naman ay sa gilid nya umupo.

"Mr. Rei, may umaaligid ho sa bahay namin. Kagabi lang namin napansin, si Devon ho ang nakakita sa tao. Akmang susundan na namin sya ng mawala ang taong yon." si Yuki ang nagpaliwanag kay Mr. Rei.

Sumeryoso ang lahat, lalo na si Mr. Rei. "Kung ganon, paiimbestigahan natin yan." saad ni Rei.

"Kinakatakutan lang namin na baka may alam na sila sa amin." sabi ni Kara.

"Hindi ho yon malabo pero imposibleng malaman nila agad ang tungkol satin. Tago ang mga impormasyon na tungkol satin." sabi naman ni Devon.

"Don't worry, sila Neon ang bahal sakanila." sabi ni Mr. Rei, si Neon ay katulad din namin. Magaling sya sa paghahanap ng impormasyon.

Matapos naming makipag-usap kay Mr. Rei ay pumunta na kami sa mga kanya-kanya naming klase. Wala pang prof nung dumating ako sa classroom, ngunit may kakaunti naring mga estudyante.

Umupo ako sa huling row, nilabas ko muna ang cellphone ko para makinig ng music. Ngunit ikakabit ko palang sana sa tenga ko ang earphone ng biglang sumulpot si Jordan.

"Hey, aga mo ah." sabi nya sakin at umupo sa tabi ko.

"Mas mabuti ng maaga kesa late." sabi ko naman, napangiti sya.

Actually after namin mag-meet sa bar, nagkita kami dito sa school. Same course kami, nagulat nga ako eh. Sinusungitan ko sya nung mga unang araw sa klase na to, pero puro ngiti lang ang binibigay nya sakin.

"High blood?" tanong nya.

Di ko na lang sya sinagot, inismiran ko lang sya at kinabit na ang earphones ko saka nagpatugtog. Di ko akalain na mame-meet ko ulit tong si Jordan, kaya nga nasorpresa ako nung nakita ko sya dito. Pinagbintangan ko pang stalker ko hahahaha.

Mayamaya ay dumating ang prof, agad syang nagklase samin. Hindi ko naman masyado naintindihan dahil dinadaldal ako ng katabi ko, nasabi ko na bang madaldal to? Halata naman e, nung una palang namin pagkikita.

"Bye, Dany. See when I see you." nakangiti nyang sabi bago nilisan ang room.

Ako naman eh ngingiti-ngiti habang inaayos yung gamit ko. Punyemas para akong tanga hahaha, si Jordan kasi! Bwisit hahahaha.

Bumaba ako sa canteen para kumain, nandun naman na sila Kara.

"Ang laki ng ngiti ah." pang-aasar ni Devon.

Hindi ko napansin na nakangiti pala akong pumunta dito. Kinikilig ba ko kay Jordan? Letse hindi no! Maganda lang siguro mood ko ngayon hehehe.

"Ewan ko sayo, Devon. Oorder lang ako!" sabi ko saka tumayo at pumunta sa line.

Hindi naman masyadong mahaba ang pila, sakto lang kaya naka-order din agad ako. After ko um-order ay pumunta na ko sa table namin, and for my surprise, andun si Kleo!

"Pwede bang lumayas ka?" narinig kong sabi ni Yuki, may pagbabanta sa boses nya.

"Ayoko nga, diba ang mga boyfriend dapat sinasabayan kumain ang girlfriend nila?" banat naman ni Kleo, umirit naman sila Devon at Kara.

Umupo ako sa tabi ni Devon, nasa harap namin sila Kleo at Yuki. Oo magkatabi sila, bakas na bakas sa itsura ni Yuki na ayaw nya ang sitwasyon.

"Gusto mong supalpalin kita? Lumayas ka sa harap ko." muling inis na sabi ni Yuki.

"I love you too." sabi naman ni Kleo, mas lalong nainis si Yuki.

"Ayieeeeee! Bagay pala kayo?" asar ko, tinignan naman ako ni Yuki ng sobrang sama.

"Oo nga, bagay na bagay." dagdag ni Kara.

"Uy wag nga kayo, kinikilig si Yuki!" datong pa ni Devon kaya wala ng mapaglagyan ang asar ni Yuki.

Natawa na lang kami sakanya, sa totoo lang ay bibihira naming maasar si iYuki. Palagi kasi syang seryoso, parang pinagbagsakan ng langit at lupa. Habang inaasar namin sya ay pinagpatuloy namin ang pagkain.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 16, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mission Undercover [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon