DEVON'S POV"Kayo ni Kleo!?" gulat na tanong ni Kara kay Yuki. Tulala lang ito at parang maski sya ay nagulat sa ginawa ni Kleo kani-kanina lang.
"Hoy, Rayuki Rielle Mendoza! Boyfriend mo ba si Kleo!?" ngayon ay natauhan na si Yuki sa tanong ni Dany.
"A-Ano? O-Of course not!" madiing depensa nya.
"Eh ano yung sinabi nya sa canteen kanina ha?" tanong ko naman.
Nakita kong naging iritable ang reaksyon ni Yuki, kunot ang noo nya at talagang nagsasalubong yung kilay sinabayan pa ng nanlilisik nyang mga mata.
"Tch, that assh*le! Hindi ko alam kung anong sayad ang meron sya!" gigil nyang sabi, "He isn't my boyfriend! You know I'm too focused on my goals."
"Kung hindi mo sya boyfriend, pano kayo nagkakilala?" tanong ni Kara.
"Oo nga." pag sang-ayon namin ni Dany.
Bumuntong hininga si Yuki at pumikit saglit, mukhang ayaw nyang ikuwento pero wala syang magagawa dahil kahit ayaw nya ay pagsasalitain parin namin sya. Kinwento nya lahat, mula sa parking lot, hanggang chinat sya nito at yung nangyare kani-kanina lang.
"I'll kill that guy! Ang kapal ng mukha, I did not do anything to him para ganituhin nya ko!" mariin nyang sabi. Kung by default na ang pagiging seryoso nya, parang dumoble pa sa araw-araw naming nakikita ang pagkaseryoso nya ngayon.
"I thought kayo na. Pero by the way, you're a lucky girl!" asar ko sakanya na ikinainis nya pa lalo, natawa tuloy ako.
"Sabi nya gagawin nya daw misirable yung buhay ko, eh bakit hindi nya na lang ako pahirapan kesa sa ianunsyo nya pang girlfriend nya ko!?" sabi pa ni Yuki, now I can feel her angerness.
"You know why?" nakangising tanong ni Dany, tumingin naman kaming tatlo sakanya at naghihintay ng susunod nya pang sasabihin. "Kaya nya ginawa yung kanina because alam nyang aawayin ka ng mga fangirls nya."
"He's crazy!" sigaw ni Yuki. Dahil sa sigaw nyang yon ay pinagtinginan kami, nandito pa naman kami sa coffee shop! Tapos na kasi klase namin so we decided na dito muna pumunta.
"No he's not, yung mga fangirls nya ang crazy." sabi naman ni Kara.
"See those girls over there?" sabay turo ko doon sa mga babae sa kabilang table. "Kanina ka pa nila tinitignan ng masama." tapos ay binalingan ko ng tingin si Yuki.
She rolled her eyes, nag-cuss sya ng nag-cuss. She even swear na baka mapatay nya si Kleo, hindi naman namin maiwasang matawa dahil ngayon lang naging ganto si Yuki. Well she's always careful on showing her emotions.
Nagpaalam ako sakanila na magre-restroom lang ako, papasok na sana ako ng girls restroom ng mabangga ako ng isang babae.
"Omygosh, I'm sorry." sabi nya saka tinulungan akong tumayo.
Tinignan ko sya saka ako nagitla nung mapagtanto ko kung sino sya.
"Are you okay? Sorry nagmamadali kasi ako." sabi pa nya, imbes na sumagot ay napatingin ako sa tyan nya.
Buntis sya.
"I gotta go, sorry ulit ha?" then ngumiti sya sakin saka umalis.
Ako naman ay nanatiling nakatayo sa labas ng girls restroom. Hindi ko namalayan na umiiyak na ko don, napaupo na rin ako sa gilid.
Sa lahat ng pwedeng makita bat sya pa? Bakit si Nami pa na asawa ni Kyzer!
"Here." nagulat ako ng may mag-abot sakin ng panyo.
Tumayo ako sa nagpagpag, "No thanks."
"Tsh, edi wag!" sabay bawi nya at akmang aalis na sya ng sigawan ko sya, yung tamang sigaw lang.
"Ang kapal ah, sinabi ko bang kailangan ko ng panyo!?" pagtatray ko, eh gago din pala to! Wala naman akong sinabi na kailangan ko ang panyo nya!
"Hindi pero ayoko makakita ng babaeng umiiyak," sabi nya ng diretsong nakatingin sakin, hindi tuloy ako nakapagsalita at ng iwas ng tingin. "Lalo na kapag panget." pahabol nya pa saka tumalikod at naglakad paalis.
Aba't loko to ah! Sinasabi nya bang panget ako!?
"Ang kapal mo!" pahabol kong sigaw pero alam kong hindi nya na yun narinig pa.
Lokong lalaki yon, akala mo pogi! Pero pogi naman talaga haha kaso turn off, antipatiko naman kasi.
Nang makauwi kami sa apartment ay nagkanya-kanya kaming punta sa kwarto namin.
Pagbalik ko kanina sa table namin ay nag-aya na kong umuwi, alam kong nagduda sila pero dinahilan ko na may reports pa kong tatapusin kaya pumayag na sila.
At sa lahat ng makikita, bakit si Nami pa? Hindi naman sa bitter ako pero I'm still hurt about the past. Nanadya ata yung tadhana at pinagkita kami ng bago nya.
Nung dinner ay tinawag ako ni Yuki dahil kakain na daw, sabi ko ay susunod na lang ako. Binuksan ko ang bintana ng kwarto para may pumasok na hangin, pinatay ko kasi yung aircon.
Habang nakatanaw sa bintana ay may napansin akong anino ng tao sa may di kalayuan na poste, nakatingin sya dito at parang minamanmanan nya yung bahay namin.
Nang mapansin nyang nakatitig ako agad syang umalis don at tumakbo, agad din akong bumaba at saka tumakbo.
"Hey, Dev! Where are you going?" Narinig kong tanong ni Dany pero di ko pinansin.
Lumabas ako ng bahay at tinanaw kung nasan na yung taong yon, pero wala sya. The next thing I knew ay nasa labas na rin sila Kara, pumunta sila sa tabi ko.
"Ano bang--" magtatanong na sana si Dany pero I cut her off,
"May nakita akong tao, nakamasid sa bahay natin." sabi ko.
Nagbago ang expresyon nila, tila naging seryoso at napa-isip din kung sino ang nagmamasid na iyon.
"Sabi na nga ba, may nararamdaman akong kakaiba." sabi naman ni Yuki. Malakas talaga ang pakiramdam ng isang to.
"Ako rin, matagal ko nang nafe-feel na may nagmamasid satin. Pero di ko na lang pinansin dahil baka guni-guni ko lang yon." dagdag pa ni Dany.
"Then who would it be?" tanong naman ni Kara pero walang sumagot.
Hindi namin alam kung sino sya at kung ano ang kaya nya, o baka may kasama pa syang iba na nagmamasid samin.
"Isn't it about our last mission?" tanong ko, napatingin naman silang tatlo sakin, tila nagtatanong. "Feel ko lang."
"Siguro nga, after ng misyon natin na yun ay saka ko lang naramdaman ang kakaibang feeling na iyon." sabi ni Yuki.
"We should be alert and ready everytime. Malay natin biglang sumalakay yan." sabi ni Dany.
Tama sya, kailangan namin maging alerto at mas mag-ready. Hindi namin sya kilala, wala kaming ideya kung ano ang kaya nyang gawin.
"Mag-iingat din tayo kahit saan tayo pumunta." dagdag pa ni Kara.
Pumasok na kami ulit sa loob ng bahay at nilock yung gate, mamaya ay bumalik pa yon eh. Habang kumakain kami ay nabo-bother pa rin kami sa taong yon.
'Anong kailangan nya samin para manmanan nya kami? Imposibleng wala, dahil matagal ng ramdam ni Yuki ang kakaibang presensya ng isang yon.'
BINABASA MO ANG
Mission Undercover [On-Going]
AksiFour girls with different personalities. Mga palaban at walang inaatrasan sa mga misyon nila. Pero what if makilala nila ang mga lalaking, makakapagpatibok sa puso nila? But they don't know na yun din ang ikapapahamak nila.