Day 2

334 6 0
                                    

♡ ARA ♡

Kanina pa ako iyak ng iyak, pag kagising ko umalis na agad ako sa kwarto namin nila Mika at nag punta dito sa beach. 4 am palang naman.

Kahapon, nag usap usap kami nila Mika. Hanggang sa napagod kami, natulog kami tapos pag gising namin nag swimming na ulit kami.

Kinalimutan muna namin lahat ng drama, gusto kong sulitin yung mga natitirang araw na kasama si Mika.

Pero ang hirap pala ano? Mawawalan ako ng best friend the day after tomorrow, ang sakit isipin. Sobra.

"Oh." May nag abot sa akin ng panyo at umupo sa tabi ko, si Fauzi. "Problema mo?"

"F-Fauzi," napayakap nalang ako bigla sa kanya at umiyak, "Aalis si Mika, Fauzi. Iiwan niya na kami. Iiwan niya tayo. Pupunta na siya sa Cali."

"Nabanggit niya nga din kahapon." Bumitaw ako sa yakap at hinampas siya, "Aray ko! Bakit ka nang hahampas?"

"Nakakainis, nakakainis ka!" Pinaghahampas ko nanaman siya, "Bakit ba parang okay lang sayo na umalis si Mika? Bakit parang wala ka naman pakielam!"

"Kasi doon siya masaya, Ara." Napatigil naman ako sa pag hahampas. "Sino ba tayo para pigilan kung ano gusto niya? Kailangan niya din yun, Ara. Kailangan na kailangan niya. Hindi ba ikaw nung nasaktan ka kay Thomas napadpad ka sa Bataan?"

"Iba naman yun, Fauzi e! Sakanya sobrang layo!"

"Babalik naman siya, Ara eh. Yun yung gusto niya. Wag na natin pigilan." Bumuntonghininga siya, "Gawin nalang natin memorable yung natitirang araw niya na kasama tayo?"

"Tama ka." Napangiti naman ako, "Sandali nga, parang kanina ka pa may iniisip ah. Ano ba iyon?"

"Ikaw kasi!" Tinapik niya yung balikat ko, aray ko ha! Kahit na tapik lang yun masakit na hehe paano pa kali yung mga hampas ko? "Pinagseselosan ka ni MJ."

"HA?!" Hindi ko na naiwasan mapasigaw dahil sa sinabi niya, "Weh? Bakit daw?"

"Oo nga. Kasi nga first love kita, first serious relationship kahit MU lang talaga tayo, ikaw pinakauna kong sineryoso, ikaw yung pinakaunang babae na inisip ko na dadalhin ko sa altar, ikaw unang heartbreak ko." Pagpapaliwanag niya pa, tinaasan ko siya ng kilay, anong point niya? "Takot si MJ, na baka hindi ka niya mapantayan. Nararamdaman niya din daw na mahal pa kita."

"Hala ka Fauzi, baka mahal mo pa nga ako!" Nagbibiro kong sabi tas parang natulala siya, what the heck? Nung hahampasin ko na siya tumawa siya bigla, gago kinabahan ako! "SIRAULO KA!"

"Oo naman, mahal kita. Pero kaibigan na lang, Ara. May Thomas ka na, may MJ na ako. Pareho na tayong masaya." Napakamot siya sa batok niya, "Etong si MJ lang e, ayaw pa maniwala. Siya na nga kasi talaga."

"May kinalaman kaya yung tattoo natin kung bakit siya bigla nag selos?" Nagtanong tuloy ako bigla, medyo nacurious din kasi ako. "Kausapin ko nalang siguro siya."

"You'll do that for me?" Tanong ni Fauzi sa akin at binulsa ko na yung panyo niya at tumayo, "Saan ka punta?"

"Luto tayo breakfast." Sabi ko at tinulungan na din siya tumayo.

Naglakad kami papunta sa bahay pero may nakita akong nakatayo sa gilid ng bench. Nakatingin samin ni Fauzi. "Fauzi, mauna ka na. Iready mo na yung lulutuin natin."

"Ge." Maikling sabi ni Fauzi bago pumasok sa loob.

Ako naman ay nagmadali pumunta dun, "Mag kaibigan lang kami."

Blessed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon