Torres Family

400 10 4
                                    

♡ ARA ♡

"Victonara, hija!" Nagulat ako nung bigla akong yinakap ni Tita Jane ng sobrang higpit. "Kamusta ka na, Victonara?"

Napangiwi ako nung Victonara ang tinawag niya sa akin, nasanay kasi sila na buong pangalan ko ang tawag sa akin.

"Ayos lang po, Mrs. Torres." Nakayuko kong sabi nung humiwalay na siya sa yakap.

Pagpasok ko kasi sa loob ng bahay, naabutan ko si Tita Jane na nakaupo sa sofa at nung nakita niya ako agad naman siyang yumakap sa akin.

At hindi ko pa naman nakikita ang ibang Torres. Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nakita ko pa silang lahat.

"Anong Mrs. Torres?" Seryosong sabi ni Tita Jane na ikinakaba ko. "Tita Jane, Victonara. Tita Jane."

Nakahinga ako ng maluwag, hindi naman pala siya galit. Kinabahan pa ako.

"Tita, ano po kasi. Kaya po ako napadaan hinahanap ko po si M---" Naputol ang sasabihin ko nung may nakita akong pababa ng hagdan.

Dietherd.

"Ate Ara?" Kinusot kusot pa nito ang mata niya. Kagigising lang ata. "Ate Ara!"

Nabigla ako nung dumamba siya ng yakap sa akin. Hindi na siya bata, ang laki na kaya niya!

Katulad ni Thomas, baskteball player din ito.

"Therd!" Suway sakanya ng mababang boaes, Tito Rino. "Masyado mong ginulat ang Ate Ara mo!"

"Magandang gabi po." Bati ko dito at lumingon kay Dietherd, "Laki mo na par!"

"Par, syempre naman. Sabi ko naman sayo magiging basketball player din ako gaya ni kuya, Par." Par kasi ang tawagan namin ni Dietherd noon nung parati pa ako bumibisita dito sakanila. "Bakit nga pala nandito Par?"

"Im looking for--" Naputol nanaman ako sa pagsasalita nung may tumili.

Si Kat at Iya!

Kung nabalance ko pa ang sarili ko nung dumamba ng yakap si Dietherd, kila Kat at Iya hindi na. Bumagsak na ako.

Ang sakit ng likod ko, myghad!

"Kat, Iya!" Suway uli ni Tito Rino at tinulungan kaming tatlo na tumayo, "May masakit ba sayo hija?"

"Wala naman po, Tito." Meron po, sobrang sakit po ng pwet at likod ko huhu. "Iyon nga po, hinahanap ko po si MJ Datul."

"Oh my Gosh, Ate Ara! Dont tell me na sumuko ka na sa mga lalaki?" Gulat na gulat na tanong ni Kat. Nagpigil naman ako ng tawa. Ang cute cute niya talaga.

"Then I won't." Seryoso kong sabi na ikinagulat nilang lahat, napahawak si Iya kay Dietherd, mukhang nanlambot. "Biro lang! Im finding her for a friend."

"Holy shit, Par. You scared me." Hindi maipinta yung mukha ni Dietherd kaya natawa naman ako.

"Language Dietherd!" Pagbabawal sakanya ni Tita Jane, agad naman humingi ng tawad si Dietherd, "Wait lang, Ara. I'll call MJ."

Pagkaalis na pag kaalis ni Tita Jane sa harap namin sunod sunod na tanong ang binitawan nilang apat, ni Tito Rino, Kat, Iya at Dietherd.

"What happened to you Victonara?"

"Bakit hindi ka na naglalaro ng volleyball, Par?"

"Alam mo ate I still believe na babalik ka sa paglalaro mg volleyball, Im just waiting!"

Blessed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon