ThomAra was once real

388 11 2
                                    

♡ ARA ♡

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Halos mag pagulong gulong na ako sa lapag katatawa, "Ano ba Kimmy meron pa ba?"

Nag babasa kami ng tweets ngayon ni Kim, wala lang pampalipas oras. Wala kasi kami training eh, tapos linilibang niya din ako para malimutan ko yung nangyari kahapon.

"Eto, eto may nakita ako!" Sabi ni Kim at nag focus na ulit siya doon sa phone, "Break na ThomAra, break na JeMik, kailan naman kaya yung JerKim?"

"Hala, Kim, gusto na kayo pag hiwalayin!"  Natatawa kong sabi, "Guys kung sino man nag tweet noon huhuntingin na kayo ni Kim!"

Naka live din kasi kami ni Kim sa IG, "Hindi naman kami ni Jeric kaya walang mag hihiwalay!"

"Weeeeh." Nagbibiro ko pang sabi sa kanya pero hinampas niya lang ako, "Aray ko! Pero hindi din naman kami nag break ni Thomas, wala naman kami nun e."

"Wait, eto matindi to!" Napatingin ako kay Kim na parang seryoso yung mukha, "Nakita ko si Thomas at San Agustin kahapon sa mall, anyare kay Ara?"

"Ay truelaloo ba to?" Ngumiti ako, "Wala naman po nangyari sa akin. Ganito pa din naman po ako."

"Ikaw naman mag basa, Ara. Open ko lang yung pinto, may kumatok e." Sabi ni Kim at iniwan akong mag isa katapat yung phone ko na ginagamit pang IG live.

"Hi Ate Ara, anong meron sainyo ni Kuya Thomas? Ship ko po kasi yung ThomAra." Binasa ko yung tweet, haaaay puro nalang Thomas! "Hello, girl. Wala naman meron sa amin ni Thomas. At wag mo na din kami iship, masasaktan ka tulad ko. Charot."

"Ginagawa mo?" Nagulat ako nung may umakbay sa akin, si Fauzi pala, "Andon si Kim sa kitchen mag hahanda daw pagkain, ikaw bakit mo kinakausap sarili mo? Baliw ka?"

"Sira! Naka live kasi ako!" Tapos tinuro ko sakanya yung phone ko, "Hi guys, si Fauzi Ismail nga pala, idol ko!"

"Hello, Ate Ara at Kuya Fauzi. Alam niyo po ba na sobrang bagay kayo at may chance ba na maging kayo?" Napatingin ako kay Fauzi na hawak na yung phone ni Kim at nag babasa ng tweet, "Hi din, oo alam naman namin ni Ara yun HAHAHAHAHAHA joke lang, pero naging kami nga dati so ano difference noon sa ngayon?"

Napailing naman ako, parang sinabi na din ni Fauzi na naging kami sa buong mundo. Pero MU lang naman talaga kami.

"Ate Kim, Ate Ara, Kuya Fauzi, sino po first love niyo?" Si Kim naman ngayon yung may hawak ng phone, "Ako alaws pa ko first love eh, kayo ba?"

"Si Fauzi/ Si Ara." Sabay namin sagot at tumawa.

"Kailan nag karoon ng 'kayo' Ate Ara at Kuya Fauzi?" Nag basa ulit si Kim. Wow kung kanina puro Thomas, ngayon naman puro Fauzi.

"Sophomore year ko, tapos si Fauzi nag t-training palang sa NU pero hindi pa siya college noon." Sabi ko at inagaw yung phone kay Kim, "Kailan po babalik si ate Mika?"

"Next year, nag t-trabaho na nga siya doon eh!" Nakangiting sabi ni Kim, oo nakahanap na agad ng trabaho si Mika, "Kuya Fauzi, may chance ba na mag kagusto ka ulit kay Ate Ara?"

"Oo naman, pero hindi pa ngayon. Pareho kaming broken eh." Natatawang sabi ni Fauzi, "Ate Ara, ano ba talagang ginawa sayo ni Kuya Thomas?"

"Iniwan niya ako sa ere, charot. Wala naman siyang ginawa sa akin naging honest lang siya." Sagot ko habang nakatingin sa phone, namimili na din kasi ako ng tanong na babasahin ko, "Kuya Fauzi, after ni ate Ara may nagustuhan ka na ba na iba?"

Blessed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon