Welcome Back !!

339 12 2
                                    

♡ ARA ♡

Me being Ara Galang, hindi ako sumabay. I'd rather commute than be with him sa iisang sasakyan.

That is so awkward no. Nag book agad ako ng grab and while I'm waiting I told Fauzi to  distract Thomas muna para makalabas ako.

And It's successful, nakalabas na ako ng A's. 

To: Fauzi

Thanks, Fauzi. Take care of my car!

"Ma'am Ara?" Tumingin ako kay Manong na nagd-drive, "Ikaw nga Ma'am! Alam niyo ho ba na idol na idol kayo ng anak ko?"

"Talaga po, Manong?"

"Oo, Ma'am! Grabe kahit na hindi ka na naglalaro sinasabi niya na ikaw pa din ang iniidolo niya!" Tuwang tuwang kwento ni Manong sa akin, hindi ko na din maiwasan mapangiti. "Ikaw ang dahilan kung bakit siya nakapag college ngayon, Ma'am! Nakakuha siya ng scholarship dahil sa volleyball, Ma'am."

"Ganoon po ba? Grabe naman pala, Manong!" Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Sobrang overwhelmed ako na may natutulungan pala ako na mga bata sa simpleng paglalaro ng volleyball.

"Sobra nga din po siyang nalungkot nung nalaman niya na hindi ka na po nag lalaro, iyak siya ng iyak." Malungkot na sabi sa akin ni Manong, ganoon ba talaga? May mga umiyak ba talaga? "Sobrang nanghinayang siya noon, kasi mahal na mahal ka noon, Ma'am! Hindi ka pa nga niya napapanuod mag laro ng live kaya sita umiiyak."

"Ano po bang pangalan ng anak niyo Manong? Kayo po ano pong pangalan niyo?" Pag uusisa ko pa. Malalim na ang iniisip ko.

Iniisip ko na kung magpapatuloy ako sa paglalaro madami akong mapapasaya at matutulungan.

Mapapasaya ko din ang sarili ko dahil volleyball is my first love at ang tagal ko nang hindi nakakapaglaro.

Inaamin ko, nakakamiss na din.

"Ang pangalan ng anak ko ay Emily San Jose hija, habang ako ay Teddy San Jose." Ngiting ngiti na sagot ni Manong sa akin, "Hindi ka na ba talaga mag lalaro hija?"

"A-Ah. Ayoko naman po mag salita ng patapos. Hindi ko pa po alam eh." Sagot ko pero kung last month ito itanong sa akin or kanina nung nasa restaurant sasabihin ko agad na hindi.

Pero nung nalaman ko na may natutulungan pala ako parang napagisip isip ko na bakit hindi ko ulit itry ang paglalaro?

"Meron kaming kapitbahay, may cancer siya. Ikaw din ang iniidolo ng batang na iyon na si Barbie!" Pagk-kwento ulit ni Manong Teddy, hindi siya nauubusan ng kwento nakakatuwa. "Ang sabi niya, sayo siya kumukuha ng lakas kasi gusto ka niyang makita ng personal."

"Magaling na siya, Manong?"

"Oo, Ma'am. Isang taon na ang lumipas nang magamot ang cancer niya." Agad naman akong napangiti sa sinagot ni Manong. "Pero nalungkot naman siya nung nalaman na hindi ka na naglalaro. Dahil wala din daw naman pala, gumaling nga siya pero hindi ka naman daw niya nakita." 

"Bakit po ba ako ang iniidolo nila, Manong? Madami naman pong mas magagaling sa akin." Tanong ko, na curious lang naman. Aminado naman ako na hindi ako ang pinakamagaling eh.

"Minahal ka nila dahil sa ugali mo, Hija. Nakikita nila kasi ang mga ginagawa mo sa facebook. Yung pagtulong sa mga fans, pagbibigay ng mga tickets. Pag payag mag papicture kahit pagod ka na sa game. Dati nga may lumabas na issue about sayo na nag sungit ka daw nung natalo kayo, sabi nila wala naman daw masama doon kasi natalo eh tapos pagod pa, at least nag papakatotoo ka daw." Sabi ni Manong sa akin na seryoso na sa pag d-drive niya. Nakalagpas na kami sa traffic. "Silang dalawa, hindi sila nawawalan ng pag asa... inaantay ka nila bumalik sa court at maglaro."

Blessed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon