The Ex

736 20 0
                                    

♡ ARA ♡

Pagkatapos ng training, nag paalam na kami sa isat isa. Jusko, anim na oras din kami nag training. Pagod na pagod na ang katawan ko.

Bago kami umuwi ni Mika at Kim, kumain na kami kasi 4 na din at di pa ko kumakain. Sa KFC nalang kami kumain kasi yun pinaka malapit.

"Have you seen his IG post?" Tanong ni Yeye sakin habang kinakagat niya yung hotshots niya, at tumango ako bago sumubo ng mushroom soup. "Parang di naman ata siya masaya doon sa bago niya."

"Anong hindi? Eh parang ang saya saya niya nga!" Sabi ko sakanya at umiling si Kimmy sakin.

"Parang napipilitin lang kaya yung ngiti niya luh." Sabi ni Kimmy sakin. Hindi eh, yung ngiti niya don iba eh.

"Hindi naman siya ganyan ngumiti nung kayo pa eh." Sabi ni Yeye sa akin. Totoo, never kong nakita yung ngiti niyang ganon nung kami pa.

"Baka di siya naging masaya sakin?" I shrugged at kumain nalang. Bakit ba namin pinaguusapan ang manloloko na yon?

After namin kumain, umuwi na kami sa dorm at nagulat ako nung nandon si Jeron at Jeric.

"Wow may mga bisita kayo. Sige usap kayo iinom lang ako ng tubig." Sabi ko at nag derederetso sa kusina namin

"TEKA ARA!" Rinig kong sigaw nila pero di ko narinig. Binuksan ko yung ref para kumuha ng maiinom at pagsara ko neto, nabitawan ko yung lalagyanan ng tubig na hawak ko.

Bakit siya andito?

Anong ginagawa niya dito?

"Torres?" Nagulat kong sabi pagkakita ko sakanya. Kinabahan ako bigla? Ang tagal na namin di nagkikita neto eh. Kaya mo yan, Ara. "Anong ginawa mo dito?"

"Sumama lang ako kay Jeron at Jeric since wala naman kaming gagawin. Eh gusto daw nila kayo bisitahin." Kalmadong sabi niya. Parang wala man lang siyang pake? Parang wala siyang ginawa sa akin ah? Parang di niya ako linoko. Sus, makapal talaga mukha neto kainis.

Di man lang humimgi ng tawad ang loko? Ano siya sinuswerte? Aba kahit na napatawad ko na siya kailangan ko marinig ang sorry niya!

Di ko na napigilan ang sarili ko at nasampal ko siya sa sobrang galit. "Gago ka."

"Alam ko," Malungkot niyang sabi habang hawak hawak niya ang pisngi niya. Nasaktan ata. Buti lang sakanya yan. "Sorry, Ara. Sorry. Hindi ko alam. Hindi ko alam kung bakit ko nagawa yon. Ang tanga tanga ko."

"Winasak mo ko. Sinira mo buong pagkatao ko. Halos mabaliw ako nung nawala ka tapos sorry lang? SORRY LANG?! Wala man lang explanation? Aba naman ang kapal mo. Ang kapal mo." Nanggigigil kong sabi sakanya. "Totoo ba lahat ng sinabi mo sakin? Baka walang totoo don ha? Kahit kailan ang galing mong umarte!"

"Totoo yon, totoo lahat yon. Hindi ko alam kung bakit ko nagawa sayo 'yon pero maniwala ka man o hindi, minahal talaga kita." Minahal? Pero pinagpalit ako sa iba? Kakaiba din to. Sapakin ko kaya to? joke.

"Ang galing mo ano? Ang galing galing. Mukhang artista ka talaga. Ang galing mo mag sinungaling, Axel." Sinampal ko uli siya at bago ako umalis, "Alam mo Axel? Matagal na kitang napatawad. Sana wag ka na magloko ha? Alagaan mo mabuti yang bago mo."

"S-salamat Ara. Pasensya na talaga." Nakayuko niyang sabi. Tinapik ko nalang ang ulo niya at umakyat na sa kwarto.

Hindi ko alam kung bakit nagawa sa akin ni Axel to. Akala ko siya na. Akala ko talaga. Pero linoko niya ako. Pinagpalit niya ako sa isang artista na kagaya niya.

Blessed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon