Panimula

3 0 0
                                    

Sa ika-labing tatlo ng Mayo
Ng dalawang libo't labing pito
Dito magsisimula ang isang munting kwento
Sa isang binata na nagngangalang Kiro

Siya'y may itsura, payat at matangkad
'Di ganung kapogian ang kanyang muka
Pero siya'y ubod ng talino kaso tamad
Subalit mahaba ang kanyang pasensya at mapagmahal

Kaya ito na, magsisimula na...

Kiro's POV

Sa ilalim ng buwan ng madaling araw
Pasado alas dose ng gabi ang aking nasisilayan
Ako ay naghihintay sa isang babae na aking pinapangarap
Dahil niyaya ko siya na makipagkita dito at s'ya'y pumayag

Ang babaeng ito ay nagngangalang Mary
Siya'y maputi, maganda at mabait
Tatlong taon na kaming magkasama palagi
Pero wala pa ring pag-ibig na nangyayari

Kaya ngayong gabi, lalakasan ko na ang aking loob
Aaminin ko na sa iyo nang buong-buo
Kahit mamatay na ako sa hiya o takot
Ito na ang tamang panahon upang malaman mo pero...

Isang oras na nakalipas ika'y wala pa rin
Ako ay nanginginig na, dahil sa lamig ng hangin
Habang unti-unting natatakpan ng mga ulap ang mga bituin
Pasado ala-una na ng gabi, ang tagal mo naman dumating

Subalit hindi ako aalis dito sa aking kinatatayuan
Ako ay maghihintay kahit abutin pa sa pagsikat ng araw
Kahit umulan pa nang malakas, ako'y maghihintay
Hindi ko ito ipapaliban dahil ako ay handang-handa na

Nagsimulang humiwalay na ang mga dahon sa mga puno
Bigla kong naalala na kung paano ako nahulog
Sa tagal ba naman ng ating pagsasama dito sa mundo
At sa ganda mong iyan... sino bang hindi mapapaluhod?

...

Sa wakas! Nakikita na kitang paparating
Alas dos na ng gabi, ika'y dumating din
Ito na Kiro! Handa na akong umamin
Papalapit na siya... papalapit na ng papalapit...

"Mary, kamusta na? Tagal mo naman"

"Pasensya na kung nalate ako. May inasikaso pa kasi ako"

"Ahh ganun ba..."

Ang lakas ng kaba ko
Parang isang tambol
Dug dug dug dug dug...
Tudug... tudug... tudug...

(humangin) "grabe ang lamig brrrr"

"Ano pala meron? Bakit mo ko pinapunta dito?"

"May sasabihin pala ako sayo... "

"Ano yun?"

"Ahmm... alam mo kasi... eh.. eh" (napuputol ang salita)

Bakit ganun nagyeyelo ang aking bibig
Hindi ko talaga masabi
Kahit ilang ulit ko na ito prinactice
Ang hirap pa rin!

Ano ka ba KIRO! Prinactice mo na ito sa bahay eh! Sabihin mo na kasi! Go!

Hinga ng malalim
Sa pagsabay ng simoy ng hangin
Ito na talaga... ako ay aamin
Kahit hiyang-hiya ko ito sabihin

Kaya sa pagbilang ko ng tatlo
Sasabihin ko na sayo

Isa...

Dalawa...

Tatlo...

"MAHAL KITA!!! Nahulog na ako sayo dati pa!"

Sabay ako yumuko dahil sa hiya tumahimik ng sampung sigundo dahil ang akward...

WTF Until Now And ThenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon