Kiro's POV
Umabot ng tatlong taon ang paghihintay
Wala pa rin akong napapala
Patuloy pa ring umaasa
Kahit alam kong sobrang bigat na sa pakiramdamNangako ka sa akin na babalik ka
Nasaan na ang pangako mong binitawan
Kinain mo lang ang lahat ng mga salita
Mga pangakong hindi mo kayang panindiganMary! Bumalik ka na!
Naandito na ako sa ating tagpuan
Akala ko bang babalikan mo ang iyong mahal
Ikaw pa ang nagsabi na "Kiro, dalawang taon lang naman"Pero tatlong taon nang nakalipas
Araw-araw kong binabalikan ang ating tagpuan
Ngunit nanatili ka diyaan sa iyong bagong malilipatan
Baka mayroon ka na atang iba na hindi ko nababalitaanWag naman sana...
...
...
...
...
Hunyo 3, 2019 (Lunes)Araw ng unang pasukan sa paaralan
Ang bilis ulit matapos ng bakasyon nang hindi namalayan
Parang tatlong taon lang na aming pagsasama
Sa sobrang bilis, siya ay lumisanPero patuloy pa rin ako umaasa
Tatlong taon din ako naghihintay
Kaya dinadaan ko sa tulog ang sakit ng aking nararamdaman
Tanghaling tapat na! Ako ay nakatihaya pa rin sa kamaTumunog ang alarm clock
Pagbangon ko sa kama
Isang malakas na hikab ang aking inilabas
Aba'y 'pag tingin ko sa orasan
Ha?! Alas otso na pala ng umaga?!Napakatulog mantika talaga ako kailanman
Nagsimula ito nang iniwan ako ng aking minamahal
Kaya agad-agad akong bumangon sa magulo kong kama
Sa pagkamalas-malas naman, ako'y natalisod at subsob ang aking muka"Ang sakit pala mahulog na hindi ka sinalo..."
"Shit late na ako. Alas syete ang simula ng klase. Yari na naman ako"
Diretso ako sa banyo
Hinanap ang sabon
Naghilamos lang at 'di naligo
Alam kong medyo kadiri pero late na ako... ano magagawa ko?Sabay nagbihis ng damit
Butones hanggang leeg
Sabay kuha ng bag sa sahig
Lumabas agad ng bahay at tumakbo nang mabilisKahit magulo ang aking buhok
Kahit ako ay gutom na gutom
Kahit may sabon pa ako sa aking ilong
Bahala na! Basta lang makapasok...
...
...
...
Naandito na ako papasok sa klase
'Pagkapasok ko ng pinto ay lahat nakatingin sa akin
Sa itsura ko ba naman itong kaakit-akit
Sino bang hindi mapapatingin?... grabe ang hangin..."Goodafternoon Mr...? Your name pls.?" Tugon ng guro.
"Ahmm... Kiro Ma'am"
"Okay Mr. Kiro... why are you late?"
"I'm late cos... " shit mag-isip na agad ako ng dahilan. Anong dahilan ang pwede kong ilusot? Nalate ng gising? Natraffic? Eh walking distance lang... ahm.. May emergency? The hell ang hirap! ... "Cos... kasi... may binisita pa po kasi ako sa hospital eh" kahit hindi...
"Okay, next time wag ka na magpapalate. Maupo ka dun sa gitnang gilid sa tabi ng bintana. Doon ka naka assign" ang bait mo talaga Ma'am.
BINABASA MO ANG
WTF Until Now And Then
Teen FictionWala Talagang Forever (W.T.F.) Until Now and Then Mababasa dito Ang isang munting kwento Tungkol sa binatang Kiro Na iniwan siya ng kanyang kasuyo Lumipad sa malayong lugar ang kanyang mahal Sabi niya'y babalik siya ngunit hindi natupad Habang si Ki...