Chapter 2: Filipino Time

25 1 9
                                    

Christopher's POV

Naghintay muna ako ng ilang saglit then nakita ko yung oras, 8:10AM na.

Man, late na naman sila. Mga hindi talaga sumusunod sa usapan.

Maya-maya, 8:27AM, nakita kong dumating na si Clarence, isa sa mga tropa ko.

Clarence Corpin, isa ring grade 12 student at kasama ko sa AT ng STEM. Doon din siya nag-aaral sa Johannes y Pétrus High School or in short, JYP High.

Matalino din siya, mas matalino sakin. Kung ibabase sa mga places, ako nasa top 20-30, siya nasa top 6-14.

"Brad, ano? 8:00AM yung usapan, mag e-8:30AM na nung dumating ka," wika ko sa kanya.

"Ano ba naman yan. Wala pa pala sila. Akala ko ako na lang yung hinihintay."

"Oo nga eh, na saan na ba yung mga yun? Tingnan mo nga yung GC Renz. Baka may mga sinabi at nabago yung usapan."

"Sige sige wait lang," sabay kuha ng cellphone ni Renz at tinitingnan kung may nabago nga.

"Brad wala naman silang ibang sinabi," wika ni Renz sa akin.

"Kainis naman oh, 8:37AM na, wala pa rin sila."

8:54AM

Nagsimula nang magdatingan ang mga loko. Una si Daryl, sunod si Darren.

Daryl Doowyn, isa ring grade 12 student pero hindi mo mahahalata na grade 12 dahil sa height nito na 5'4". Kasama ko rin siya sa AT ng STEM. Doon din siya nag-aaral sa JYP High.

Mas matalino si Daryl kumpara sa aming tatlo ni Darren, at Clarence. Kung kaming tatlo ay na sa range ng top 6-30, si Daryl ay na sa top 4-8.

Darren Creston, katulad ng iba, grade 12 student din, kasama namin sa STEM, and nag-aaral sa JYP High.

Siguro sa tropa namin, kahit lalaki ako, masasabi ko na ang pinaka-may itsura sa amin ay si Darren. Isipin mo ba naman nung first day ng grade 11 namin, yung ibang babae halos hindi magkanda-ugaga kapag nakikita siya.

Btw, tinry nilang magpaliwanag kung bakit sila late pero pinigilan ko sila at sinabi ko na sabay-sabay silang magpaliwanag mamaya. Hahaha.

9:00AM

Sa wakas! Dumating na rin ang dalawa pang nawawala, si Jaeron at Jomel.

Jaeron Reconcepcion at Jomel Gonzaga, isa ring grade 12 student na iisa lang din ang AT na kinuha, STEM at nag-aaral din sa parehong school.

Si Jomel ang pinakamatalino sa aming samahan, dahil siya lang naman sa aming tropa ang nakakaabot sa range ng top 1-3.

Si Jaeron naman ang pinakamatangkad sa amin na may taas na 5'8", kaya hindi na nakapagtataka kung natanggap siya sa Basketball Club sa school.

Magagaling silang lahat mapa E-sports man or physical sports maliban sa aming dalawa ni Daryl na sa E-sports lang ang kaya.

"Sige ngayon, kayong apat, ipaliwanag niyo nga kung bakit kayo late?," tanong ko kay Jomel, Jaeron, Darren, at Daryl.

"Parang namang bago mo lang kaming nakilala brad, di ka na nasanay sa'min," wika ni Jaeron at Darren.

"Para naman kaming others niyan," habol ni Jomel.

"Na sa Pilipinas tayo brad! Syempre Filipino time susundin natin!" Pahabol at biro ni Daryl.

"Tch, ewan ko sa inyo brad! Oh tara na, ano bang gagawin? Computer shop ba?" Tanong ko.

"Basketball muna tayo brad, tapos tsaka tayo mag computer shop," sabi ni Jaeron.

"Meron na naman palang plano eh. Tara na para makapag simula na!"

●—●

That's it for the Chapter 2!
Still, thank you so much for reading
and sorry kung medyo bitin.
Still practicing haha.
-C.G.

The Challenge: A High School Champion Part 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon