Christopher's POV
Habang naglalakad kami papuntang computer shop, panay ang kwentuhan namin tungkol sa naging laro kanina.
"Ang daya kasi talaga eh, ang tatangkad tapos kami ang liliit," nakasimangot na sabi ni Jomel.
"Waleya naman to. Tapos na yung laro umiiyak ka pa rin? Papano na lang pag di pa kita kakampi niyan kapag naglaro na tayo sa shop?"
"Ah basta. Ang daya talaga ng laro kanina," sabi nito sabay tingin uli sa malayo.
"Ewan ko sayo man, para kang bata."
"Oh! Wala ka pala eh! Parang bata oh, partida mas bata pa sayo yan!" Sigaw nina Darren, Clarence, Jaeron, at Daryl.
"Kainis kayo. Pinagkakaisahan niyo na naman ako eh. Ewan ko sa inyo," bawi nito at patuloy na lang ulit sa paglalakad.
Hindi ko pa rin makalimutan yung nangyari kanina. Kasi sinabi ni Jaeron sa akin noon, kahit hindi daw ako nagba-basketball, mahigpit daw ako bumantay. Kaya nagtataka ako kung bakit madali siyang nakalusot sa 'kin. Sanay na kaya 'to dahil sa varsity ito sa school, o natural na galaw yun?
Kaya't di na ko nagatubili pang magtanong, "Brad, papano mo pala nagawa yun? Ang higpit nung pagbabantay ko sayo ah, pano ka nakalagpas ng mabilis dun?"
"Yung alin brad? Yung kanina? Ah, sanay na kasi ako sa ganun mo kapag naglalaro tayo. Tsaka ewan ko ba kung bakit ganun gumalaw yung katawan ko. Reflex action na ata yun dala ng paglalaro ko ng basketball eh," sagot ni Jaeron sa 'kin.
"Bakit mo naman pala natanong?"
"Ah wala ang galing lang kasi. Ngayon ko pa lang nakita yung ganung galaw mo eh," sagot ko sa kanya.
"Ah ganun ba? Hindi sa nagmamagaling ako ah, pero brad inexperienced ka kasi kaya hindi mo agad nasundan yung galaw ko. Nakatayo ka lang eh," dagdag nito.
"Sabagay. Totoo rin naman yung sinabi mo, inexperienced ako. Yung mga laro ko lang naman is ito eh. Hindi ako naglalaro ng basketball sa ibang lugar, o kahit saan. Taong bahay eh."
BINABASA MO ANG
The Challenge: A High School Champion Part 1
General FictionChristopher "Snowflake" Celeridad, Isang grade 12 student. . . . Na ng dahil sa Esports na sa una ay hobby lang ang magpapabago sa buhay niya. The Challenge: A High School Champion Part 1 -C.G.