Natapos na ang mga araw na walang pasok.
June 14, Tuesday
Christopher's POV
Homayghad nayswan!! Persdeeeey na ng klase! Bagong mukha, bagong lesson, bagong mga kaklase, at higit sa lahat, bagong mga kalokohan at bagong alaala.
6:00AM
"Anak, gising na! Mahuhuli ka na sa klase!" Panimula na naman ng aking ina.
Inaantok akong bumangon at sinabi sa kanya na " 'nay easy ka lang. Mamayang 8:00AM pa pasok namin..."
"Ah basta gising na! Tanghali na oh, di ka man lang marunong magwalis-walis dito sa kuwarto mo!"
"Nay naman, kalma lang. 6:00AM pa lang, wala pang 12:00NN oh... tsaka may dalawang oras pa ako para maghanda, 8:00AM pa pasok ko, konti pa 'nay, okay lang po ba?" Inaantok ko pa ring sagot sa kanya.
"Ah ganun ba? Sige, magpahinga ka muna dyan...," sagot ni inay sa akin.
"Salamat 'nay..."
"Tatawagan ko na lang yung kaibigan mong si... siya na lang ang bahala sayo..."
"Oo na lang 'nay..." hindi ko na narinig ang binanggit na pangalan ni inay at yung iba niya pang sinabi dahil sa inaantok pa ako.
6:30AM
Napansin ko sa aking bintana na maaraw na. I'm half awake na kaya ko na recognize na maaraw na. Akmang babangon na sana ako para tignan sa aking phone ang oras nang biglang...
"Topher gising na! Malalate na tayo ano ka ba!? Lumamig na yung hinain ni tita doon sa kusina oh! Bilisan mo hoy!" Sabay kurot sa aking braso na animong ako'y hinihila papuntang kusina.
"Shocks Ea! Anong ginagawa mo rito sa bahay!? Specifically sa kwarto ko!?" Sigaw ko sa aking kaibigang si Ea Linda Legarra.
Ea Linda Legarra, isa ring grade 12 student sa JYP High na kumukuha rin ng STEM bilang kanyang Academic Strand at ang pinakamatalik kong kaibigan. Siya ay maganda, mabait, at mas matalino sa akin.
Mula pagkabata ay magkasama na kami, sa tawanan man o sa iyakan. At pati sa pinapasukang paaralan at magkaklase kami, kaya walang makakapagsabi kung gaano kami kakomportable sa isa't isa.
Sa totoo lang ay kahit siya ang pinakamatalik kong kaibigan ay palihim ko siyang iniibig. Sino ba naman kasing hindi mahuhulog sa ugali niya na daig pa ang bata sa sobrang bait. At sa height niya na 5'3", buhok na sakto lang ang haba na lagpas-balikat at sa napakagandang mukha, hindi nakapagtatakang marami mula sa section namin, sa ibang classroom, at pati na ata sa buong campus ang nagkakagusto sa kanya.
"Tinawagan ako ni tita, gisingin daw kita kasi kumakapit na naman daw yung likod mo sa higaan," sagot nito sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/145223628-288-k874212.jpg)
BINABASA MO ANG
The Challenge: A High School Champion Part 1
General FictionChristopher "Snowflake" Celeridad, Isang grade 12 student. . . . Na ng dahil sa Esports na sa una ay hobby lang ang magpapabago sa buhay niya. The Challenge: A High School Champion Part 1 -C.G.