Chapter 3: Fair Game

20 1 16
                                    

Christopher's POV

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa pinaka malapit na basketball court sa Dresdenville.

We took 10 minutes para makapunta sa isang court sa village. Ang layo din kasi nun sa meeting place namin.

"Hays, pagod na bago makapag laro. Ang init pa. Salamat sa Filipino Time, sa sobrang layong meeting place at sa ibang mabagal maglakad," habang nakatingin kay Jomel at Darren.

"Bakit pre, may problema ba sa mukha namin?"tanong ng dalawa.

"Ah wala wala," sabi ko.

"Ikaw brad ah, sabihin mo lang kung bumigay ka na, tanggap ka naman namin kung ano ka eh, konting palo lang 'yan mula kay tatay o nanay tapos ayos na ulit," biro ni Jomel.

"Ewan ko sayo man. Mas mukha ka pang ano sa 'kin eh."

"Oh! Wala ka pala Jomel eh, mas mukha ka pa palang ano kay sa kay Topher eh! Hahaha!" sabi ng iba pa naming kasama.

"Ewan ko sa inyo, bahala nga kayo," huling sinabi ni Jomel.

"Oo nga pala brad, tayong anim lang ba maglalaro? May inimbita ka ba na iba bukod sa 'tin?" tanong ni Clarence.

"Ah wala eh. Si Brendan hindi daw pwede, marami daw siyang gagawin ngayon. Si Ashton naman hindi pinayagan ng nanay."

Ah ganun ba, sige sige," sagot ni Clarence.

"Okay tara game na. Laro na tayo," yaya ni Jomel habang naglalaro mag-isa sa kabilang part ng court.

"Bigay dito yung bola Jomel. Naglalaro ka na naman mag-isa eh. Half court lang tayo boi, konti lang naman tayo," tawag ko kay Jomel.

At nagsimula na ang laro. Nagkampihan ang muna kami at ang resulta:

Si Jaeron, Darren, at Clarence ang magkakampi. At sa kabila naman ay ako, si Daryl, at si Jomel.

Napansin ko agad na mukhang hindi patas ang laban kasi ang tatangkad nila. Si Jaeron 5'8", si Darren 5'7", at si Clarence ay 5'6". Samantalang yung grupo namin, si Jomel kasingtaas lang ni Clarence. Ako naman 5'5", at si Daryl na 5'4".

Tumahimik na lang ako kasi laro lang naman, tsaka mas challenging kasi ang tangkad tapos varsity ng school yung isang kalaban.

Natatawa na lang ako kasi, pustahan may isang magrereklamo tungkol sa naging kampihan.

"Teka teka teka, hindi ata 'to patas! Ang tatangkad niyo oh. Tapos kami ano na? Hindi tama 'to. Ulit ng kampihan!" sigaw ni Jomel.

The Challenge: A High School Champion Part 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon