Chapter 5: Game Start!

14 1 15
                                    

Jomel's POV

"Brad, kampihan muna bago pumasok," wika ni Jaeron sa magkakatropa.

"Oy baka magkadayaan na naman ah. Nakakailan na talaga kayo," sagot ko sa kanila.

"Yan na naman tayo sa madaya eh. Wag ka na lang kaya sumali para walang madaya?" Sagot ni Clarence sa 'kin.

"Oo nga naman," sabi pa nilang apat.

"Eto na nga oh, game na. Kampihan na. Lagi na lang kasi akong pinagtutulungan eh," tangi kong naisagot sa kanila.

"ANG ARTE MO KASI!" Pasigaw na sagot nila sa akin.

Nagulat na lang kami nang may bigla ding sumigaw sa kabilang ibayo malapit sa may hagdan. "Hoy! Ang ingay niyo ah! Maglalaro na lang kayo ang iingay niyo pa!" At agad kaming nilapitan para pagsabihan.

"Pasensya na po sir. Nabigla lang po kasi kami."

"Oo nga po sir. Pasensya na. Ang kulit kasi nung isa naming kasama eh," sabay turo sa akin.

'Bwiset 'tong mga 'to. Nakuha pa akong sisihin.'

"O sige. Sa susunod wala na kong maririnig na sumisigaw ah. Makakaabala pa tayo sa ibang naglalaro eh," sabi ng lalaki sa amin.

"Sige po. Salamat sir. Pangako 'di na po mauulit."

"O sige. Una na ko, ituloy niyo na kung ano man yung gagawin niyo," at humakbang papalayo ang lalaki at umalis na.

"O sige tara na, para malaman na kung sino ang magkakakampi at makapag simula na tayo," wika ni Christopher sa amin.

At nagkampihan na nga kami. At ang resulta:

Sa Blue Team:
1. Christopher
2. Daryl
3. Darren

At para naman sa Red Team:
1. Jaeron
2. Jomel
3. Clarence

'Hala. Ano na naman 'to? Lugi na naman eh. Christopher na pinakamalakas sa amin maglaro. Tapos si Darren pa, na mabilis maka gets sa mga larong ganto. Nakakainis naman. Ang daya talaga minsan ng panahon.'

Christopher's POV

Eto na ang resulta ng naging kampihan. Mukhang magandang laro ang maipapakita namin ngayon at sisiguraduhin ko na makukuha namin ang 3-0 standing sa kanila, o kahit hindi 3-0, basta sisiguraduhin kong kami ang mananalo.

The Challenge: A High School Champion Part 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon