"You know what? Nagbago na talaga desisyon kong makipag ayos sa lalaking 'yan! Naiirita na ako sakanya" natawa na lamang si Startdawn sa itsura ng kaibigan niyang bwisit na bwisit habang pinupunasan ang counter sa pinakamadiing paraan na nakita niya.
Kung si Macchiato siguro ang counter kawawang kawawa na siya."Napaghahalataan ka na 'di pa nakakamove on kay ex Latte" alam niyang hindi ito ang tamang oras para inisin ang kaibigan ngunit anong magagawa niya? Likas na mapang inis si Stardawn simula pa noong unang beses na nagkita sila.
"Wala akong pake sakanya okay! Naiirita lang ako sa mukha niya! Tignan mo! Tumitingin tingin pa siya dito hindi niya ba alam na mukhang tanga siya?!"
Bago pa makagawa ng eskandalo si Latte ay kinuha niya na ang basahan mula rito at kinapitan sa dalawang balikat. "Bakit hindi ka nalang muna magpakalma sa break room, kumausap ka ng kung sinong kasamahan natin don at palamigin mo muna ulo mo? Pwede nang pagpakuluan ng kape sa init eh" marahan nitong hinaplos ang buhok ng kaibigan at walang pasabing itinulak papunta sa silid.
Maya maya lang ay nakita niyang papalapit sakanila ang lalaking inirereklamo lang kanina ng kaibigan.
"Yes sir? How may I help you?" Masiglang tanong ni Stardawn sa binata, walang kaalam alam sa naniningkit na matang nagmamatyag sa kalayuan, nagmamanman at minamasdan ang bawat galaw ng isang partikular na nilalang.
Ohohohoho.