XIX

2.3K 134 85
                                    

October 2, 2015 at 7:25 pm

Raisin:
Macchiato
Bakit hindi mo siya kinausap?

Macchiato:
Sinabi ko na sayo
Ok na ako
Siya na nagsabing ayaw niya na akong makausap
Ganun na talaga 'yon

Raisin:
Macchiato
Hindi ka ganyan
Hindi ka basta bastang susuko sa ganyan
Anong nangyari sa'yo?

Macchiato:
Hayaan mo na Raisin
Hindi na kami masaya
Ganun na talaga 'yon
'Wag ka nang mangialam
Please

Raisin:
Talaga bang sinasabi mo 'yan?
Talaga ba Macchiato?
Isa kang malaking tanga
Kung sa tingin mo tama lang na magbreak kayo dahil hindi na kayo masaya eh tanga ka.
Nakipagrelasyon kang ganyan tapos gusto mo masaya lang kayo lagi?
Sa simula lang lagi 'yang saya! Kung ganun pala gusto mo eh ano? Panay simula nalang lahat ng gugustuhin mo?

Macchiato:
Ano bang gusto mo iparating?

Raisin:
Na ayusin niyo kung anong meron kayo hanggat pwede pang ayusin!
Challenge lang 'yan masanay ka na diyan!
Hanggat hindi ka haharap sa ganyan hindi ka ulit makakaranas ng saya sa ganyan.
Sinusukat niyan kung gaano niyo kamahal yung isa't isa
At sa pagkakaalam ko mahal na mahal niyo ang isa't usa
Mac, ayusin mo.
Para sa'yo din 'to.

Macchiato:
Salamat nalang Raisin
Pero wala na akong dapat gawin
Madaling magsalita kasi hindi ikaw ang nasa posisyon ko
Manahimik ka nalang Raisin please
At magpasalamat ka nalang din dahil hindi kita sinisisi kahit pa ilaw ang pangunahing dapat kong sisihin dito.
'Wag mo muna akong kausapin please.

Raisin:
Wow
Just wow Macchiato
You made my day 2x worst than it is
Hindi ko hinayaang sigawan at sampalin ako ni Latte para lang sayangin mo lahat ng effort ko
Na pati itong huling huling bagay na magagawa ko kahit hindi ako sigurado eh ginawa ko padin para lang makatulong
Tapos ipapamukha mo pa lalo saakin na ako ang dapat sisihin?
Kaya nga tumutulong ako kasi ganun ang nararamdaman ko! Oo na! Pero wag mo naman na ipagdukdukan sa'kin.
Kasi kung tutuusin alam mo kung sinong dapat sisihin dito?
Ikaw! Ikaw at ang katangahan mo.
Ikaw 'tong  kumokontrol sa mga pinaggagagawa mo pagkatapos magkukunwari kang wala kang kasalanan?
Alam mo?
Hindi talaga kita kakausapin.
Hangga't tanga ka pa din 'wag mo akong kausapin.

heartbreak café Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon