XLIV

1.6K 78 6
                                    

"Ginagago mo ba ako" hindi makapaniwalang bulong ni Latte nang makita niya ang pigura ng isang lalaking nakatayo sa likod ng counter. Malapad ang ngiti na para bang nang aasar at sa tinginan pa lamang niyang ganun? Siguradong sigurado si Latte na masisira na agad ang araw niya.

Kaya pala hindi maganda ang pakiramdam ko

"Bakit naman kita gagaguhin? Masama bang mag apply dito?" Hindi maatim na tiisin ni Latte ang mapang asar na tono nito. Kung pupwede lang na lumabas na siya ng café at bumalik na lamang sa malambot na higaan sa kanyang apartment malamang ay ginawa na niya 'yon.

Gagong Star kahit kailan.

"My gosh" iritang bulong ni Latte habang padabog na naglakad patungo sa break room ng pinagtatrabahuhan niya. Kung ano anong salita ang lumalabas sa bibig sa dahilan ng sobrang pagkabwisit sa kinaroroonan niyang sitwasyon. Ni hindi na nga niya namalayang nakapwesto na papa ang pinakaiinisan niyang lalaki sa may pintuan, tuwang tuwang pinapanood ang bawat pagdadabog niya.

"Aww same old Latte" nang maitali na ang buhok ay walang pasabing hinarap ni Latte ang lalaki, halos magdikit na ang dibdib nila sa ikli ng distansya at malinaw na nakikita amg dilim sa mga mata ng dalaga.

"May sasabihin ka?" Bilang determinadong binata, hindi parin naalis ang mapang asar na tono sa pananalita nito. Nakayukom na ang kamao ni Latte sa inis subalit para bang wala lang ang lahat sa binata.

Ahh, planado niya nga pala lahat ng ito.

Naiinis man ay pinili na lamang ni Latte idaan sa paghinga ng malalim ang kanyang galit at hinila ang suot na apron ng binata upang sumunod ito sakanya.

Lihim na napangiti ang binata habang pinagmamasdan ang dalaga. Talaga ngang wala parin itong pinagbago at kung ganun ay makakasigurado siyang tatakbo nang ayos ang lahat ayon sa kanyang plano.

Ha, asa ka Macchiato.

heartbreak café Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon