"Hi!" Masiglang bati ni Reena sa lulugmo-lugmong si Macchiato. Tipid na ngumiti si Macchiato at naglapag ng dalawang kape sa mesa, isa para sakanya at ang paborito ni Reena para sakany–
"Uhm hindi ako umiinom ng iced coffee kaps" okay nagkamali si Macchiato hindi niya pala paborito 'yon. "Sorry nakalimutan ko uhh kukuhanan nalang kita ng bago? Wait lang" hindi maintindihan ni Macchiato kung bakit labis siyang natataranta. Dahil ba sa nangyari kanina? O dahil ba sa napagkamalan niyang paborito ni Reena ang iced coffee na sa katotohanan ay paborito talaga ni Latte.
"Wag na! Okay na 'to sa'kin" mabuti na lamang at mabait si Reena at piniling inumin na lamang ang ibinigay ni Macchiato kahit pa bakas sa mukha niya na hindi niya talaga gusto ang inumin.
"Kamusta araw mo?" Tila ba bumaliktad ang mundo at si Reena ang nangangamusta ngayon. Nakakapanibago para sa kanilang dalawa ngunit pinipilit nila ipakitang normal lamang ang lahat. "Ayos naman, medyo nakakastress nga lang" sa hindi malamang dahilan, hindi magawang maikwento ni Macchiato kay Reena ang mga nangyari. Para sakanya ay hindi dapat ito malaman ni Reena.
Totoo bang nakakamove on na siya kay Latte o isang malaking panakip butas lamang ang lahat?
"Magpahinga ka din sone other time. Baka mamaya masobrahan ka sa stress mabaliw ka na nang tuluyan" pinilit makisabay ni Macchiato sa pagtawa ni Reena ngunit hindi niya ito magawa. Unti-unti nang napapansin ni Reena na may mali sakanya at kailangan niyang humanap ng bagay na makapagaalis sa pagpansin sakanya ng dalaga.
"Yung sasabihin mo" hindi naman nabigo si Macchiato sa ginawa niya. Kung kanina'y siya ang natataranta ngayon ay si Reena naman na ang hindi mapakali sa kinauupuan niya.
"Ahh, ano tungkol sa ano 'yon" nakatago man ay nararamdaman ni Macchiato ang pagkalikot ni Reena sa kanyang mga daliri sa ilalim ng mesa simbolo ng labis na kaba at dahil don ay hindi mapigilan ni Macchiato na kabahan rin.
May mali ba sakanya? Ipapatigil niya na ba ang panliligaw niya sakanya? Nagsawa na ba siya?
"Tungkol sa panliligaw mo" at tumulo na ang malalamig na pawis sa noo ni Macchiato. "Mac, seryoso ka ba sa'kin?" Mabilis pa sa alas kwatrong tumango si Macchiato bilang tugon.
Nagdududa ba si Reena sakanya?
"Reena, anong iniisip mo?" Nabigla na lamang siya nang bumagsak ang kaninang masiglang mukha na nakaguhit kay Reena. Napalitan ito ng pagaalinlangan at sapat na 'yon para mag alala si Macchiato.
"Sigurado ka bang seryoso ka sa'kin?" Patuloy lamang sa pagtatanong ng hindi maipaliwanag na mga tanong si Reena. "Siguradong sigurado" tila ba hindi parin naniniwala si Reena kahit pa nanggaling na mismo ang sagot sakanya. Pakiramdam niya ay may ibang iniisip si Reena na nakakaapekto nang ganito sakanya.
Kagaya ng pagkakaapekto sakanya ni Latte kani-kanina lang.
"May pinanood ako kaninang movie, The Notebook ata title non" napakunot na lang ng noo si Macchiato sa biglang pag-iiba ng topic ni Reena. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa na iba na ang pinaguusapan nila o mag-alala dahil hindi normal ang kinikilos ng dalaga.
"Ang ganda lang, dapat pala sabay natin pinanood" hindi parin mahanap ni Macchiato ang mga tamang salita upang makasagot sa kasama kaya naman panay tipid na pagtango ang ginagawa nito.
"Tapos may isang line don, nakakarelate ako ng sobra" huminto sa pagsasalita si Reena upang sumipsip sa kapeng tipa ba hindi rin naman nababawasan, kinuha ni Macchiato ang oportunidad na ito upang makapagsalita. "Anong linya?" Labis na kinilabutan si Macchiato nang makita niya ang pagguhit ng isang di maipaliwanag na ngiti sa labi ni Reena. Saglit na inilapag ng dalaga ang kanyang inumin sa mesa at tumingin nang diretso sa mga mata ni Macchiato.
"A woman knows when a man looks unto her eyes and sees someone else"
At ikinagulat ni Macchiato ang sunod na nangyari. Sunod sunod na tumulo ang mga luha sa mata ni Reena at ngayon ay alam na ni Macchiato ang eksaktong dahilan kung bakit nagkaganito si Reena ngayon.
"Tanggap ko na" labis na nasasaktan si Macchiato habang pinakikinggan si Reena na magsalita ng ganito. "Ano pang ginagawa mo dito?" Akmang magsasalita pa si Macchiato ngunit inunahan na siya ni Reena "Puntahan mo na si Latte don, hinihintay ka niya" palihim na nagdasal si Reena na bawiin ni Macchiato lahat ng sinabi niya. Na sabihing walang katotohanan ang mga binanggit niya ngunit sa oras na tumayo si Macchiato at dali-daling bumalik sa loob ng café, nawala kahat ng natitirang pag asa para sakanya.
Tumigil na sa pagluha si Reena. Nanatili siyang nakaupo don. Tahimik na sumisipsip sa kapeng hindi niya naman gusto at pinagtatawanan ang katotohanang bagay na bagay siya sa lugar na ito.
Kung sana ay hindi niya inisip na sagutin ang text na 'yon. Kung sana ay hindi siya pumayag sa kasunduang tutulungan nila ang isa't isa. Sana ay hindi siya naiwang mag isa sa table na ito nagsisising hinayaan niyang mahulog ang sarili sa taong binigo nanaman siyang muli.
"Gago kasi ni Raul sinimulan niya kamalasan ko dito eh" sabihin na nating baliw siya ngunit kung ang makakapagpagaan na lamang ng kanyang loob ay ang mga birong siya rin naman ang pinupunterya ay mas pipiliin niyang gawin iyon imbis na magmukmok. "Bakit ako?" At napaiyak na lamang na muli si Reena nang marinig ang boses na 'yon.
"Bakit ba kasi dito ka nakikipagdate? Heartbreak Café? Gago ka ba?" Mabilis niyang tinanggap ang inabot sakanyang panyo ng binata(matanda) pinunasan ang mga luha na hindi naman dapat lumabas sa mga mata niya at minumura sa isipan ang pagdating ng lalaki sa harapan niya. "Eh sa dito nga kasi gusto ko" paano nga ba niya nagawang magsungit sa kabila ng pagiging sawi niya? Hindi niya rin alam.
"Kung ako lang kadate mo dadalhin kita sa mas romantic na lugar" at hindi niya rin alam kung sino ang nagsabing pupwedeng umupo ang lalaking ito sa harapan niya. Pero dahil binigyan naman siya nito ng isang baso ng hot chocolate ay hinayaan niya nalang na umupo ito doon. "At saang romantic naman ang sinasabi mo?" Sa wakas ay hindi niya na kailangang magtiis sa iced coffee sapagkat naririto na sa harapan niya ang paborito niyang inumin. "Gusto mo malaman? Sama ka sa'kin" napataas ang isang kilay ni Reena sa sinabi ng kasama "Ayoko, paasa ka" imbis na mainis ay lalo pang natawa ang binata. At sa hindi malamang dahilan ay napatawa na lang din si Reena kasabay nito.
"Seryoso, halika na"
"Saan ba kasi tayo pupunta"
"Ililigtas natin date gone wrong mo"
"At saan tayo pupunta?"
"Sa romantic na lugar"
"Saang romantic na lugar nga"
Imbis na sumagot ay dinukot ng binata ang phone niya at saglit na nagtype dito. Maiinis na sana si Reena kung di lang niya naramdaman ang pag-vibrate ng phone niya.
1 new message from Sir Raul:
Saan pa ba ang pinakaromantic na lugar? Ubusin mo na inumin mo pupunta tayong sogoAt sapat na dahilan na iyon para maibuga ni Reena ang inumin niya samantalang si Raul ay tumatawa lamang sa kinauupuan niya.