---

1.6K 82 77
                                    

Epilogue

NP: High Hopes by Kodaline

"Macchiato kayo na muna ni Star bahala sa café ha? Bukas pa balik ko kaya bantayan niyo nang mabuti ha, Star wala munang lalandi" halos magkasabay na pagtango ang ginawa ng dalawa pagkatapos marinig ang mga bilin ni Berry, palibhasay parehas silang may ginagawa kaya naman hindi na nila nagawang tumingin at magpaalam kay Berry na kalalabas lamang sa pintuan.

Kung hindi lang dahil sa tugtog ng café malamang ay magmumukhang sementeryo ang lugar sa katahimikan nito. Hindi dahil sa wala pang customer na dumadating kundi dahil sa hindi nakasanayan ng dalawa na sila lamang ang naroroon. Parehas nilang nararamdaman ang kakulangan na walang pagdududa ay siguradong ang presensya ng dating katrabaho ang nawawala.

"Star pakiflip na yung open sign sa may pinto, nakalimutan kong ayusin kanina" walang imik na sinunod ng dalaga ang utos ng binata at pagkatapos ay bumalik na muli sa tinatrabaho niya kanina.

Malaking pagbabago sa café ang naidulot ng pag-alis ni Latte. Gustuhin man nilang malaman ang dahilan ng pag-resign nito, wala rin silang makukuhang sagot sapagkat nanatiling tahimik ang dalaga sa rason niya. Sa huli ay pinili na lamang nilang i-respeto ang desisyon nito at nagkunwaring normal lamang ang lahat pagkatapos ng pag-alis niya.

Kahit pa ganon ay hindi naman mapipigilan ng dalawa na mag-isip ng mga posibleng dahilan na nagdulot sa pag-alis ng dalaga. At siguradong sigurado si Macchiato sa naiisip niyang rason.

Ang huling paguusap nilang dalawa.

Malinaw na malinaw pa kay Macchiato ang pagtatalo nilang dalawa. Ang buong akala niyang mahinahong pag-uusap ay nauwi sa sumbatan na dala ng pagkikimkim ng naipong galit sa loob ng tatlong taon.

Napakatagal ngunit dahil sa sakit nito ay hindi nila magawang ipagpaliban at kalimutan ang bawat detalye. Habang tumatagal at nakikita nila ang isa't isa lalo lamang nagpapatong patong ang nararamdaman nila at ang pag-uusap nila ang nagint sanhi ng pagsabog nito. Hindi ipagkakaila ni Macchiato na nasaktan din siya sa mga salitang sinabi ni Latte, ngunit hindi rin naman niya ipagtatanggop ang sarili at itatago ang katotohanang mas nasaktan niya ang dalaga na marahil na nagdulot sa pagkasuklam sakanya at umabot pa sa puntong hindi niya na ito gugustuhin pang makita kaya bilang unang paraan upang makalayo ay pinili niyang umalis sa trabahong ito.

Ngunit hindi rin maiwasang isipin ni Macchiato na baka may iba pang dahilan, lalo na kung aalalahanin niya ang isa pang nangyari kahapon.

Gulong gulo nanaman ang isipan niya kagaya ng lagi niyang nararanasan pagdating sa mga usapang si Latte ang bida.

I've got high hopes it takes me back to when we started. High hopes when you let it go, go out and start again.

"Sinong nagpapatugtog" tanong ni Macchiato ngunit tanging tipid na 'ewan' lamang ang sinagot ni Star. Magtatanong pa sana siyang ulit nang marinig niya ang pag tunog ng bell sa may pintuan simbolo ng pagpasok ng isang customer.

"Good morni-" tila tumigil ang mundo nang makita ni Macchiato ang taong pumasok dito.

Naroroon ang taong iniisip niya kani-kanina lang.

"Nandito ba si Berry? Isasauli ko lang 'to" inilapag ng dalaga sa counter ang kanyang uniform at kahit sa malayuan ay amoy na amoy parin ni Macchiato ang pabango niya rito.

"Oh my gosh Latte!" bago pa matuloy ang balak niyang kausapin si Latte ay naunahan na siya ni Stardawn kaya naman pinili na lang niyang kunin ang iniwang uniform at ilagay ito sa loob ngunit bago pa man siya makalayo ay narinig niya na ang pagtawag ng katrabaho.

heartbreak café Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon