Chapter 2: New Friend or Admirer?

92 11 1
                                    


Chapter 2: New Friend or Admirer?



Pagkarating sa SM ay lumakad-lakad na muna kami bago kumain.


"Mag-ingat ka at baka madulas ka." paalala ni Trisha, tumango ako dumudungaw lang sa mga botique.


"Kakain na ba tayo?" tanong ko kina Trisha.


"Mamaya na, mamili muna tayo ng mga damit." saad ni Darlyn. Napanguso ako


"Kayo nalang. Ang dami ko pang damit sa bahay eh." sabi ko.


"Oh sige." sabi ni Trisha. Palagi kasi kaming namimili. At wala na akong mapaglagyan hehe.


Matapos ang ilang oras ay natapos na sila samantalang wala naman silang napili. Hays.


"Kumain na nga tayo at nagugutom na ako." sabi ni Darlyn.


"Lagi ka namang gutom." asar ni Trisha.


"At ikaw?" mataray na tanong ni Darlyn, at dahila napapagitnaan nila ako sa pagtatalo nila ay lumipat ako sa kabilang gilid at kumapit kay Trisha, bahala silang mag-asaran d'yan.


"Oh bakit? Sa ating dalawa ikaw ang matakaw! Kanino ka ba nagmana? Hindi naman matakaw si mommy at daddy pero ikaw?" pang-aasar ni Trisha.


"Aba? Kanino nagmana? Kanino nga ba? Magsasalita ka eh alam mo namang sa'yo ako nagmana." si Darlyn, 'yan nakakatuwa talaga sila. Kambal ang dalawang 'yan pero 'di halata hahah.


"FYI Darlyn, hindi ako matakaw! Tignan mo nga oh mas sexy--"


"Mas sexy pa sa'yo si Maybel!"


"Oo alam ko pero sa ating dalawa ako ang sexy!" sagot ni Trisha magsasalita sana ako dahil nasali ang pangalan ko sa kanilang pagtatalo.



*BOOGSH!*



"Aray!" usal ko matapos mauntog sa isang stand na nakatayo sa likod at napaupo ako sa malamig na tiles!


"Kaloka ka talaga Maybel!" sita ng dalawa sa'ken at tinulungan akong tumayo. Pagkatayo ko ay kita kong pinagtitinginan ako ng ilan! Waaaa! Nakakahiya!


"Ba't 'di ka kasi tumitingin sa daan!" sita ni Trisha.


"Sa inyo ako nakatingin eh!" sabi ko at hawak ang noo ko. Stand kasi 'yon ni Kylene Alcantara. Tapos nakalahad ang palad nung stand kaya tumama ang noo ko doon. Mabuti nga at hindi mannequin iyon dahil malamang mas masakit 'yon! At baka tumumba at makapagbayaran ako nang wala sa oras.


"Tara na nga sa Mang Inasal tapos bili tayo halo-halo para lumamig naman ang ulo natin." suhestiyon ni Trisha.

The Bachelor's WifeWhere stories live. Discover now