Jc's pov
Yo! Sa wakas may pov na ako haha..well you know im not that okay why? Because the news reach me talagang kumpirmado na talaga nobyo na nga ni ryen yung jesse na yun! Tsk pero hindi ako basta basta magpapatalo! Hindi ko isusuko na lang ng basta ang pag ibig ko para sa babaeng pinakamamahal ko!..
"Uy bro! Ang lalim yata ng iniisip mo ha? Anong meron?" Pukaw sa akin ng kaibigan ko na si lance..
"Wala naman" sagot ko sa kanya
"Haha wag mo nga ako patawanin jc kilala kita alam ko pag may problema ka so ano nga yon? Babae ano? Sabi ko na nga ba tama ang hula ko nakarating na sayo ang balita" sabi pa nya sa akin tsk tong isang to parang tanga alam na pala nya eh nagtatanung ka pa!..
"Tsk! Alam mo na pala eh! Nagtatanung ka pa! Pero hinding hindi ako magpapatalo sa jesse na yun ganun naman talaga di ba pag nagmamahal? Handang gawin ang lahat at dapat ipaglaban ang pagmamahal sa taong mahal mo.." I said full of determination..
"Oo nandun na tayo pero kung nagmumuka ka nang tanga at desperado pero di ba dapat stop na? Lalo na pag nakikita mo na masaya ang taong mahal mo sa piling ng taong napili nyang mahalin?" Sabi pa nya sa akin tsk lecturan ba ako?
"Pero iba Hangga't di pa sila kasal alam kong may pag asa pa ako! At tanga na kung tanga pero ganun naman talaga hindi ba? Kung talagang mahal mo ang isang tao handa kang magpakatanga para sa kanya.." Sagot ko naman sa kanya..
"Pero hindi lahat ng nagmamahal tanga bro at isa pa hindi ka lang magmumukang tanga pag ginawa mo yan ikaw din ang magiging kawawa sa huli dahil sa huli alam kong si jesse pa rin ang pipiliin ni ryen at ikaw lang ang masasaktan maawa ka naman sa sarili mo bro" sermon nya sa akin..
"Wala akong pakialam at isa pa pwede ba lance kung wala kang magandang sasabihin wag ka nang magsalita! I dont need your opinion! Saka akala ko ba kaibigan kita? Pero instead na suportahan mo ako kinokontra mo pa ako!" Inis na tugon ko kay lance..
"Oo kaibigan nga kita kaya nga kita pinipigilan at pinagsasabihan tungkol jan sa mga pinag gagawa mo at pinaplano mo dahil ayaw kong mapahamak ka! Hindi dahil kaibigan kita kukunsentihin ko na ang mga maling gawa mo pero kung hindi ka makikinig sa akin wala akong magagawa desisyon mo yan ang akin lang naman eh payong kaibigan lang kung hindi mo susundin okay lang pero wag na wag mo akong sisihin at wag mong sabihin na hindi kita pinaalalahanan ha? Pag napahamak ka!" Sabi nya sa akin
"Wag kang mag alala! Dahil hindi kita idadamay kung sakaling papalpak at mapahamak ako and besides i dont need you i dont need anyone na makikialam at hahadlang sa mga plano ko!" Sabi ko sa kanya sabay alis without hearing even a single word from him! Nagtungo ako sa isang lugar na pwede akong magpalipas ng init ng ulo at pag pinagpapala ka nga naman narito rin ang aking karibal na si jesse mccartney..
"Woooh! Andito rin pala ang pinakamayabang na na lalaki sa balat ng lupa so kamusta naman ang pakiramdam na nasayo na ang lahat pati na ang babaeng mahal ko? Masaya ba? Masaya ba na may nasasaktan kang ibang tao?" Ang sarkastikong wika ko ng makalapit ako sa kanya..
"Wow? At nandito rin pala ang lalaking pinaka maangas sa lahat! What a coincidence! Saka wow kung makapagsalita ka naman mali pa! Hindi ba dapat sa sarili mo sabihin yan? Dahil sa ating dalawa di hamak na mas mayabang ka! At tinatanong mo kung masaya ako? Oo masaya ako dahil mahal ako ng babaeng mahal ko..at wag na wag mong sasabihin na may nasasaktan ako dahil unang una hindi naman naging kayo ng girlfriend ko! Ikaw lang naman itong ipinagsisiksikan ang sarili mo sa kanya!" Sagot nya sa akin na syang ikinainis ko at agad ko syang sinapak..
"Ang kapal din naman ng muka mong sabihin sa akin yan! Kung hindi ka lang sana dumating sa buhay nya at ginulo kami eh di sana ako ang kasama nya ngayon at masaya sana sya at walang nanggulo sa kanya! Akala mo ba hindi nakakarating sa akin ang balita na palagi syang ginugulo ni katie laura peterson na patay na patay sayo ha?"Inis na sabi ko sa kanya
YOU ARE READING
boyfriend..(justin bieber fanfic)
Fanfictionstory of a boy who was in fame but has a very bad attitude until he met the girl who change him for good..